Chapter 8

1.6K 45 3
                                    

Viniel's POV

Nagme-meeting kami ngayon dito sa studio kung ano ang magandang tugtugin sa battle of the bands na gaganapin na daw next week

"Any suggestions?" Tanong samin ni miss Ana

Para kaming na bablangko at walang maisip

"OPM?" Suggest ni Vincent

~tok! Tok!"

Napatingin kami sa kumatok pinagbuksan yun ni Carlo

"Sabi na eh!!" Sigaw ni Carlo na parang natutuwa "miss Ana! Andito na siya"

"Papasukin mo na"

O_O

Nagulat ako sa iniluwa ng pinto at napakunot ng noo

"Anong ginagawa mo dito!?" Tanong ko

"Ewan ko, pinatawag ako eh!" Sagot niya habang salubong din ang kilay

"Siya Ang bago nating Gitarista!" Nakangiting Sabi ni miss Ana

O_O

Napanganga Lang ako at ngumisi naman siya Kay miss Ana

"Salamat po!" Nakangiti niyang Sabi Kay miss Ana

"Welcome sa Banda!! Magpakilala ka Kay Viniel dahil wala siya nung Audition, siya ang leader Niyo!"

Tumingin siya sakin habang pilit Ang ngiti

"Kilala ko na Yan! May Alam ka ba sa pagbabanda!?" Tanong ko sakanya habang salubong ang kilay

Hindi siya sumagot agad at napayuko na parang napahiya

"Ehem! Excuse me, I have to go may klase pa ako, maiwan ko na kayo dito, Mag meeting kayo ok!" Sabi ni miss Ana "Viniel be nice to her, bilang leader ng Banda i-guide mo siya!" Sabi pa niya at umalis

Nung pagkaalis ni miss ay tumingala na si Andromeda at tumingin tingin sa paligid niya

Muka siyang ignorante! Alam ba niya ang pinasukan niya!

"Jose, pakikuha nga Yung gitara!" Utos ko Kay Jose at kinuha naman niya ang gitara

"Abot mo sakanya!" Turo ko Kay Andromeda

Takang inibot naman ni Andromeda ang gitara "a-anong gagawin ko dito?" Tanong niya sakin at napakunot naman Ang noo ko

"Kainin mo!--"sarkastiko kong sagot

"WA!?"

"Mag audition ka sakin?"

"Pero naka audition na ako! At tanggap na ako!"

"Sakanila! Pero sakin Hindi!"

Umupo ako at nag dekwatro pero nakatitig Lang siya sakin habang salubong ang kilay "ano na!?" Galit Kong tanong sakanya pero Hindi parin siya naguumpisa

Sira ulo ba 'to!

Aj's POV

Marunong naman ako mag gitara pero nahihiya talaga ako sa harap niya! Sobra! Nahihiya ako! Ewan ko kung bakit!

"Ano na!?"

Luh!? Galit na siya niyan!?

Tumingin ako sa mga kabanda niya! Este! Kabanda ko narin pala hihihi! Nakatingin Lang sila sakin at hinihintay ako mag simulang tumugtog

"Wag mo sabihing nahihiya ka?" Tanong sakin nung isa na Vincent ata ang pangalan! Mukang suplado ang isang 'to "Hindi pwede Ang mahiyahin dito sa Banda!" Sigaw niya sakin at kinabahan ako

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon