Chapter 37

1.3K 21 0
                                    


AJ'S POV

Pagkagising ko ay Hindi parin nagbabago ang estado ng puso ko. Ramdam ko parin ang pananakit nito, ramdam ko parin Ang bigat nito. Napakalungkot isipin na isang araw, pagkagising mo ay nawalan ka na ng pag asa, Wala na sayo ang taong Mahal mo. Parang laging may kulang sa puso mo na Hindi mo Alam Kung mabubuo pa ba Ito. May magagawa pa ba ako?, Kung ganun, ano Naman Kaya?.

Minsan naiisip ko, bakit pa siya Dumating sa buhay ko, kung dadaan Lang pala siya at sa Dulo ay maiiwan din akong mag Isa. Kung aaminin ko ba sakanyang Mahal ko parin siya, magbabago ba Ang kapalaran namin?. Sa tingin ko Hindi na, nawawalan na ako ng pag asa. Kahit masakit at mahirap mas mabuting tanggapin ko nalang.

"AJ, mag usap Tayo"napahinto ako sa paglalakad ng kausapin ako ni Martina

"Para saan?"

"Tungkol samin ni Viniel"tumango ako, Nalaman ko naman na eh, bat pa ako tatanggi. Para San pa?.

Pumubta kami sa botanical garden at nang makaupo ay bigla Kong naalala si Viniel, Kaya bigla akong nalungkot.

"Alam Kong, Alam mo na Ang tungkol samin, and I'm sorry, Hindi ko dapat sabihin sayo 'to Kasi Alam Kung nasasaktan ka" paninimula nito at agad na tumulo Ang mga luha niya "Mahal ka ni Viniel and I know na Mahal mo Rin siya, Kaya magpapakaselfish na ako,--- please aj, wag mo siyang sukuan"

"Martina, oo Mahal ko siya, pero sorry, Wala na akong magagawa"

"Nagmamakaawa ako sayo, may Mahal akong iba at si Viniel Mahal ka niya, ayokong masira ang buhay namin"

"Hindi lang Naman kayo eh, pati din Naman ako, Kung Alam mo Lang Kung gaano ako nasasaktan ngayon---"at tumulo na Ang luha ko Kaya pinunasan ko Ito "Martina, magpapakasal kayo ni Viniel, sa takdang panahon, Hindi ngayon, pero mangyayari parin, Alam mo bang pag naiisip ko Yun"humikbi ako at tinuro ko Ang tapat ng puso ko "paulit ulit 'tung nadudurog, Alam mo Kung bakit?-- Kasi Alam Kung Wala akong magagawa, Kasi Alam Kung Wala akong laban!,"

"I'm sorry"sagot nito at patuloy Ang pag luha

"Kung nasasaktan kayo ngayon, mas nasasaktan ako,---mga magulang Niyo Laban sating tatlo, sa tingin Niyo may magagawa Tayo?, Siguro meron, Yun ay Yung--- tanggapin nalang natin na Yun na Yung kapalaran natin"

Pagkatapos ng paguusap namin ay pumunta na ako sa room at naabutan ko dun ang mga kaibigan ko maliban Kay Cora.

"Nasan si Cora?" Tanong ko

"Nasa canteen pa ata, nag memeryenda"sagot naman ni Venus

"Sinong kasama?"tanong ko, napahiwalay ako sakanila ng mag c.r ako at natagan ako dahil sa pag uusap namin ni Martina Kaya Hindi ko Alam Kung anong mga ginawa nila habang Wala ako.

"Si Jose ata, diko sure"sagot ni Mari at tumango naman ako, dahil kampante akong kasama niya si Jose, Kung kasama niya nga Ito, ngunit nasisiguro Naman akong magkasama sila.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISMISS

"Nakontak mo ba?" Tanong ko Kay Mari dahil Hindi niya matawagan si Cora.

Dismissal na at nag sisi-uwian na Ang lahat ngunit Hindi parin namin mahagilap si Cora.

"Hindi, eh"

"Guys!"napatingin kami ng biglang Dumating si Venus kasama sila Carlo at vincent "Wala Rin si Jose"

"Nagtanan na ba Yung mga Yun?"iritang tanong ni Carlo

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon