Chapter 23

1.5K 31 0
                                    

AJ'S POV

Paglabas ko ng bahay ay dumiretso ako sa karinderya ni nanay lou,

"Nay!, Good morning!" Bati ko sakanya

"Ay, iha ano gusto mo?" Tanong sakin

"Itong menudo nalang po"

"Oh sige, ititira Kita niyan"

"Sige po, babay!" Paalam ko sakanya

Ibinilin Kasi ako ni mama sakanya tungkol sa kakainin ko araw araw, kada umaga ay nag papa reserve ako  sakanya ng kakainin ko sa Gabi,saka ko iniinit, pansamantala Lang naman dahil Hindi pa ako marunong mag luto.

Medyo maganda na Ang panahon Hindi katulad kahapon na malakas ang ulan, ngayon ay meron na ang Haring Araw pero basa padin ang lupa.

Nagsuot ako ng headset habang naglalakad sa loob ng campus, mas maganda Kasi pag may sarili akong mundo.

"Maganap ang ating foundation day!!" Sabi ni ma'am Carlyn samin at nag ingay Naman SILA "Kailangang may representative Tayo para sa Mr. and Miss DMU, so any suggestion Kung sino Ang pwede nating isali, sa girls muna Tayo!"

"Ma'am Si AJ!--- aray!" Sabi Alex at binato ko siya ng ballpen "joke Lang naman eh!" Bawi nito

"Ma'am Si Monica" Sabi ni Alisa Kaya tumayo ako

"Yes Aj?" Tanong ni ma'am sakin

"Si Cora po!" Sagot ko at gulat na tinignan ako ni Cora

"Teh! Shut up!" Away niya sakin

"Diba boys!?" Tanong ko sa mga lalaki

"Yes ma'am!!!" Sagot nila

"Cora, ok Lang ba sayo?" Nakangiting tanong ni ma'am Kay Cora

"Ah, o-ok Lang ma'am'" nahihiyang sagot nito

"Ok! Sa boys Naman Tayo!" Natutuwang Sabi ni ma'am

"Ma'am! Si Luigi!!" Sabi nila

Gwapo din naman Kasi si Luigi Kaya pwede na!

"Ok Lang sakin ma'am" sagot nito

Confident!!

"Next week ay mag pa-practice kayo so, Cora Cora bring your Heels!" Sabi pa ni maam

*CANTEEN*

"Talaga love? Wow! Susuportahan Kita diyan!" Namamanghang Sabi ni Jose Kay Cora

"Ito kasing si AJ eh pahamak!" Reklamo Naman nito

"Sus! Kahit gustong gusto mo Naman eh!" Pambabara sakanya ni Mari

"Atsaka bagay Naman sayo cora, Ang ganda mo Kaya!" Sabi din ni Venus

"Enebe! Nekekeenesh keye!" Sabi nito at sinamaan ko naman siya ng tingin

"Naku, sigurado akong makakalaban mo sila Martina at Celine" Sabi ni Jose

"Kaya ni Cora Yan!" Nakangising Sabi ko sakanila

"Sa tingin mo teh!?" Tanong naman ni Cora sakin

"Pustahan, si Martina Ang mananalo, runner up ka!" Biro ko

"Kainis ka! Bumaba tuloy confidence ko!" Nakanguso niyang Sabi

"Hahaha! Biro Lang! Mananalo ka! Tiwala Lang!" Nakangiting Sabi ko sakanya

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon