Chapter 3

1.7K 45 1
                                    

Aj's POV

Abot tenga parin ang ngiti ko habang papunta sa canteen

'Please.. magtino ka naman na sana ngayon! Dahil pag napatalsik ka pa sa school na Yan ay hindi ka na namin pag aaralin ni mama! Itaga mo yan sa bato!'

Nawala bigla Ang ngiti ko nung naalala ko Ang Sabi ni kuya

Siguraduhin mo Lang na tutupad ka sa usapan manok! Kung hindi, di lang sapak ang aabutin mo! Hayst! Ano ba kasing nangyari sakin! Bat ko siya biglang sinapak!? Ay debale tutupad naman siguro siya sa usapan! Mas ok ng nasapak ko siya nang nasampolan ko din bwahahaha!

"Hoy! ang tagal mo!?" Inis na usal ni Mari

"Medyo nawala ako eh, pero nakapag cr din ako! Hehe" nakangiti ko pa din Sabi sakanila at umupo

"Tsk! Tsk! Tsk! Umamin ka nga bukod sa nag Cr!, Ano pang ginawa mo!? Kilala ko yang ngiting Yan eh!" Usal ni Cora na nakatitig sakin

Lakas naman ng pakiramdam nito!

Nakatitig silang tatlo sakin at naghihintay ng sagot ko "ah wala! Nag cr Lang talaga ako medyo nawala ako Kaya natagalan!" Sabi ko sakanila habang pilit Ang ngiti

"Asan Yung Cap mo?" Tanong ni Venus

O_O

Sheeeeeeettttt!!!!!! Yung Cap ko!!! Baka nakay manok yun! Hmp! Marami pa naman akong cap sakanya na Yun! Remembrance! Haha! Pero shet baka ipakulam niya ako!

"Ah! Y-yun nga eh! Tumakbo Kasi ako pabalik dito k-kaya hindi ko napansin na nahulog!" Pag sisinungaling ko

"Eh!? Ganyan ka na kamanhid? Baklang two!" Usal ni Mari na parang di naniniwala say sinabi ko,

"Tara na! Baka malate tayo" Sabi ni Cora at sabay sabay naman kaming nagsitayuan

Papunta kami sa room namin ng may napansin akong isang lalaki na may dinikit sa bulletin board napansin din yun ni venus, pinagkaguluhan yun ng mga estudyante,

"Tara tignan natin Yun!" Usal ni Venus na parang excited

Nang makarating doon ay nakipag siksikan sila cora, Mari at venus, Hindi ako sumama sakanila wala naman akong pake eh

"Ano Yun?" Tanong ko Kay Venus

"May audition!, Naghahanap ng bagong miyembro ang DMU band!" Usal ni Venus habang malawak Ang ngiti, yung ngiting kita gilagid!

Dahil na Curious ako, sumiksik ako sa mga nagkukumpulang estudyante sa harap ng bulletin board, "ekskyus!" Hangga't nakarating ako sa harap! At Tama nga si Venus naghahanap ng bagong member ang DMU para maging Guitarist at napangisi naman ako..

You're dead boy! Bwahahaha! Pero bakit guitarist? Eh diba may gitarista naman sila?

Nakangiti parin ako habang nakatitig sa papel na yun at diko napansing wala ng estudyante sa paligid ko at kaming apat nalang Ang natira,

"Anong ngiti Yan ah?" Tanong ni Cora sakin habang nakatingin parin ako sa bulletin board

"Ngiting.... Tagumpay hahaha!" Sagot ko habang tumatawa!

"Wag mo sabihing...." Usal ni Mari

"Ano bang incentives ang makukuha dito pag sumali ka?" Tanong ko Kay Venus

"Sa grades at bababa Rin Ang babayaran mo sa tuition" sagot niya

"Tsk! Tsk! Tsk! " Nakangiting sabi ko sakanilang tatlo at nauna sa paglalakad

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon