Chapter 10

1.9K 47 3
                                    

Aj' POV

Andito kami ngayon sa Office ni ma'am Carlyn para kunin ang Uniforms naming tatlo

"Halla,! Sa tingin mo bagay ko bakla?" Tanong ni Cora kay Mari

"Oo teh! Pero mas bagay ko!" Sarkastikong sagot ni Mari

Natawa naman ako sakanila

"Miss Corpuz" Sabi ni ma'am Carlyn at lumapit namn si Cora at kinuha Ang uniforms niya "miss Solares" kinuha ko naman Yung akin "Mr. Ocampo" at lumapit din si Mari "Sa lunes dapat suot suot niyo na Yan ok!" Sabi niya samin

"Yes ma'am!" Sagot naman namin

"Ok, you may go"

Paglabas namin ay nilagay ko agad sa bag ko Ang uniforms ko at binuklat naman ni Cora Ang sakanya, Dalawang pares Ang formal uniform at isang pares naman ng P.E uniform

Medyo na badtrip naman ako ng Makita Ang palda, Above the knee Ang potek!! Sana lang medyo mahaba Yung sakin, Kasi kung maikli ang palda ko, edi Hindi na ako makakatadyak niyan!

"Aayyyiiiieeeee!! Sure ko babagay sainyo yang uniforms Niyo!!" Salubong samin ni Venus

"Gusto ko na ngang suotin ngayon eh haha!" Sagot namn ni Cora

"Cora! Palit tayong uniform!!" Sabi ni Mari Kay Cora

"Haha! Manigas ka diyan!" Pang aasar naman ni Cora sakanya

"Hoy! Corazon!"

"Bakit Mariano?!!"

Napatakip naman si Venus ng bibig habang nagpipigil ng tawa ako naman ay di ko na napigilan

"HAHAHAHAHA!!" tawa ko sakanila

Natatawa talaga ako pag nag aasaran sila ng mga pangalan nila Kasi maski sila ay Hindi nila nagugustuhan ang sarili nilang pangalan

"Wow! Nahiya naman ako sa pangalan ng tomboy na 'to!" Sabi sakin ni Cora

"Oh Bakit? ganda Kaya ng pangalan ko! Yung mga pangalan niyo Kay babantot! Hahahaha!" Sabi ko habang natatawa

"Aba! Tawang tawa din Ang planeta!" Sabi ni Mari Kay Venus

"Hihihi" tawa ni Venus

"Wag mo na akong tatawaging Corazon ah!!" Galit na Sabi ni Cora habang nakaturo Kay Mari

"Gaga! Bagay Kaya! CORAZON ANG UNANG ASWANG! Ganern!! Hahahahahaha!" Sagot naman ni Mari habang tawang tawa

"Hahahaha! Bagay bagay!" Pag sasang ayon ko naman

"Ah! Ganun! Halikayo dito!!!!" Sabi niya at nilapitan kami

Tumakbo kami ni Mari at hinahabol naman kami ni Cora, Si Venus naman ay parang tangang tumatawa mag Isa.

"Mga bwiset kayo!" Sigaw ni Cora

Kami naman ni Mari ay tawang tawa habang tumatakbo!,

~POK!~

"aray!" Nabulong ko sa sarili ng may mabangga ako

"WWAAAAAHHHHHH!!!!!!!!" biglang nag sigawan Ang nasa paligid

--__--

Pagka-tingala ko ay si Viniel Ang nakita ko, Nabangga ako sa dibdib niya

Napakagat ako ng dila sa gilid, nakatingin siya sakin ng walang ekspresyon

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon