Chapter 25

1.4K 31 0
                                    

AJ'S POV

Hindi ako mapakaling nakatitig sa salamin dahil Hindi ako makadesisyon Kung magtatali ba ako ng buhok oh Hindi

"Hay! Tuyo na 'tung buhok ko, Hindi parin ako makadesisyon!" Sabi ko sa sarili

Iginala ko Ang Mata ko at may nakita akong hairband Kaya kinuha ko Yun at sinuot

"Muntanga! Ang luwag ng tshirt ko tapos ha-hairband ako!? Very wrong!" Sabi ko saka ko hinubad Ito at napatingin ako sa orasan

Hay bahala na!!

Sa huli ay nag lugay nalang ako Gaya ng nakasanayan ko hayst! Paano ba mag ayos!

Pagkapasok ko sa Campus ay maraming estudyante Ang pakalat kalat dahil malamang ay busy Rin sila para sa foundation day na magaganap next week, Attendance Lang talaga Ang habol ko ngayon Kaya ako pumasok

Mabagal Lang akong naglakad at nakita ko si Martina na may binubuhat na mga decorations Kaya mabilis akong lumapit sakanya

"Tulungan na Kita" nakangiting sabi ko

"Thank you" sagot naman nito at ngumiti

"Para San 'to?"

"Sa stage, mag de-decorate kami ng music club kami Kasi yung inutusan eh"

"Ah, gusto ko mang tumulong pero wala akong Alam sa pag de-decorate eh, baka makagulo Lang ako" nahihiyang Sabi ko

"Hehe, it's ok, ano ka ba"

Nang mahatid ko siya sa hall ay nagpaalam na ako para pumunta sa Room

"Asan si Cora?" Tanong ko Kay Mari

"Nagpapractice" nakangusong sagot nito

"I need students!, Tara sa Hall!" Biglang sulpot ni ma'am Carlyn

Kaya tumayo kami at lumapit sakanya

"Except you Aj, Alam Kong naaksidente ka kahapon, you should have a rest" Sabi sakin ni ma'am Carlyn Kaya Napa kamot nalang ako at umupo, saka sila umalis lahat

Dahil walang magawa ay lumabas nalang ako sa room at naglakad lakad para ma exercise Ang tuhod at balikat ko para ready to sapakan na!

Sinalpak ko Ang headset sa aking tenga at saka naglakad lakad

Ano kayang pwede Kong gawin?

Halos malibot ko na Ang kalahati ng Campus sa paglalakad Kaya pumunta nalang ako ng Botanical garden para magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin.

Nakatitig Lang ako sa isang bulaklak habang nakikinig ng kanta, Nilagay ko Ang isang braso ko sa table at sinalo ko Ang baba ko habang tulala

Naayos ko Ang sarili ng Makita ko si Ginong papalapit ngunit ng Makita niya ako ay niyuko niya Ang ulo niya saka tumalikod at aakmang aalis

"Teka!" Pigil ko sakanya saka ko ialis Ang headset ko

Lumingon ito "a-ako ba Yung tinawag mo?"

"Bakit may iba pa bang tao dito?" Maangas Kong tanong

"Ah, a-nong kailangan mo?"nauutal niyang Sabi

"Halika dito, mag usap Tayo" seryoso Kong Sabi

Lumapit Naman siya sakin at umupo sa tapat ko na parang nahihiya

"Baka may gusto Kang sabihin?"walang gana Kong Sabi

"Sorry, I'm so sorry, sabihin mo sakin Kung paano ako makakabawi"

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon