Chapter 24

1.4K 32 0
                                    


AJ'S POV

Tumakbo akong papasok sa room dahil Alam Kong Sobrang late na ako,pinagtitinginan ako ng mga estudyante ngunit Hindi ko Yun pinansin

Bwiset Kang trycicle ka!!!

Maaga Sana akong makakapasok Kung Hindi nabangga Ang sinasakyan Kong trycicle! Hindi naman ako napuruhan ngunit may gasgas ako sa tuhod,! Dadalhin pa Sana ako sa Hospital ngunit tumanggi na ako at tumakbo papunta dito sa Campus dahil may exam kami!

Pagkarating ko sa building ay halos patakbo na akong umakyat sa hagdan, Hindi ko ininda Ang sakit ng tuhod at balikat ko.

"Ha!!" Hingal ko ng makarating sa pintuan at nakita ko naman Ang mga kaklase kong...

O_O

"B-bakit?" Turo ko sakanila dahil naabutan ko silang nagtatawanan, maingay, at masaya!?

"Uy! AJ!--- a-anong nangyari sayo!?" Takang tanong ni Cora sakin

"Diba may exam ngayon?" Tanong ko

"Postpone teh! Pagkatapos nalang daw ng Foundation day!" Masayang Sabi ni Mari

Bigla akong naghina at napaupo sa upuan at Doon ko na naramdaman Ang sakit ng tuhod at balikat ko

"Anong nangyari teh? Halla! Bat may dugo ka sa tuhod!?" Aalalang tanong ni Cora

"Nabangga Yung sinakyan Kong trycicle" sagot ko habang hawak hawak Ang balikat ko at namimilipit sa sakit

"Luh! Bat di ka pa dumiretso sa hospital!?" Sabi ni Venus

"Bat di Niyo ako ti-next! Na Hindi matutuloy Ang exam!?" Galit na tanong ko sakanila

"Kaka-announce Lang eh, Kaya nawala sa isip namin, sorry" Sabi ni Cora

"Tsk!" Usal ko habang namimilipit sa sakit

"Tara sa clinic, para magamot yang tuhod mo!, Wala Naman tayong teachers ngayon eh, busy sila!" Sabi ni Venus at hinawakan Ang braso ko

"Aray!!" Usal ko

Hinawakan ni Mari Ang bag ko saka kami naglakad papunta sa Clinic, medyo malayo iyon sa building namin, kaya nakita Kong dumudugo Ang tuhod ko, napakagat labi Naman ako dahil sa sakit.

"Umupo ka muna Kaya, punasan ko yang dugo sa tuhod mo" aalalang Sabi ni Cora

"Wag na! Ok Lang Yan, malayo sa bituka" sagot ko naman

Pero Ang sakitt!! Ang hapdi!!

"AJ! Anong nangyari sayo!?" Tanong ni Carlo ng makasalubong namin siya

"Naaksidente! Tapos pumasok pa Kasi eh!" Inis na Sabi ni Cora

"Eh bat Kasi Hindi moko sinabihan agad na Hindi matutuloy Ang exam!?" Galit ko namang tanong

"Gusto mo buhatin na Kita?" Tanong ni Carlo

"Naku wag na! Nakapalda ako, masisilipan ako" sagot ko naman habang naglalakad

"Samahan ko nalang kayo, Tara" Sabi ni Carlo at inalalayan ako

*CLINIC*

"Aray!" Usal ko dahil sa hapdi ng tuhod ko na ginagamot ng nurse

"Dapat Kasi sa hospital ka na dumeretso" sagot naman nito "saan pa Ang masakit?" Tanong nito

"Balikat ko po" sagot ko naman

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon