Chapter 33

1.4K 28 0
                                    

AJ'S POV

Pinilit ko paring pumasok kahit Wala na akong gana pa. Galit parin sakin sila mama at kuya dahil Wala parin silang tawag, bli-nock din nila ako sa social media Kaya Wala talaga kaming kumunikasyon. Nakakapanghina Lang talaga, Yung pag gising mo sa umaga parang may nakasaksak sa puso mong itak, ganun Ang sitwasyon ko ngayon.

Nasabi ko na Rin Kay Viniel Ang usapan namin nila mama at kuya, Alam Kong pati siya ay naapektuhan din dahil nakikita niya akong ganito Ang sitwasyon ko. Wala Naman Kasi akong magagawa, sa ngayon Hindi ko Kayang magpanggap na masaya dahil Hindi ko Kaya, masyadong mahirap.

Nawawala na Rin ako ng ganang kumain, lagi akong lutang at Wala sa sarili.

"Ayoko na"walang gana Kong Sabi at tinulak Ang Plato

"Luh? Halos Hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo oh"Sabi ni Venus ngunit Hindi ko Yun pinansin, nilabas ko Ang cellphone ko at headset saka ko Ito isinalpak sa tenga ko at nakinig ng musika, habang nakatingin Lang sa lamesa.

Mabilis na lumipas Ang araw at nang uwian na at biglang bumuhos Ang malakas na ulan, Kaya napabuntong hininga ako at tinanggal ang sapatos ko saka ko nilagay sa bag ko. Saka ako naglakad at lumusong sa malakas na ulan.

Pakiramdam ko nagyon Wala namang may pakialam kung magkasakit ako o Kung may mangyari saking masama. Wala ako sa sariling naglalakad lang at rinig ko Ang mga bulungan ng estudyante ngunit Hindi ko Ito pinansin at naglakad Lang na parang saakin Ang daan. Pagkalabas ko ng campus ay patuloy parin ako sa paglalakad.

*Peeeeeeeeeeeeep!!!!!!!!!!!*

Rinig Kong busina ng sasakyan ngunit Hindi ako natinag nito, Huminto pa ako at tinignan Ito.

Kung hanggang dito nalang ako, Wala na akong magagawa, Wala na Kong silbi pa

*Peeeeeeeeeeeeep!!!*

Pumikit ako at hinintay nalang na bundulin ako ng sasakyan, saka ako huminga ng malalim.

Ilang saglit pa ay nagtaka ako ng biglang may humila sakin Kaya napabuntong hininga ako sa gulat at takot ng makitang mabilis na lumagpas samin Ang sasakyan na Yun.

Anong ginagawa ko!?

"Magpapakamatay ka!!!?"sigaw nung nagligtas sakin saka ko siya tiningala at humagulgol


Pagkatapos ng nangyaring Yun ay hinatid niya ako sa bahay ng walang kibuan, Alam Kong galit siya dahil Alam ko namang Sobrang Mali Yung ginawa ko.

Pagkarating namin dito sa bahay ay kinuha niya ang damit niya sa compartment niya saka nagpalit sa Cr, ako Naman ay umakyat sa kwarto para magpalit na din ng damit, saka bumaba at umupo sa sofa.

Habang hinihintay siyang matapos mag palit ay nag jacket muna ako dahil nakaramdam ako ng panlalamig. Nang makalabas siya ng CR ay tinignan ko Lang siya at siya Naman ay pumunta sa harap ko at napamaywang.


"Kung Wala ako dun, patay ka na!?"galit niyang Sabi "Ang selfish mo Jae-- ano na bang pumapasok diyan sa utak mo ah!?--- Hindi porket may problema ka ay solusyon na Ang pagpapakamatay!-- paano naman kami pag nawala ka!? Iniisip mo Rin ba kaming nagmamahal sayo huh!!?"sigaw niya at ako Naman ay nakatitig Lang sakanya.

Ngayon ko Lang siya nakitang nagalit sakin ng ganito, nakakatakot siya.Nanginginig Ang buong laman ko pati narin Ang labi ko, huminga ako ng malalim ngunit kahit gusto Kong magsalita ay walang lumalabas saaking bibig.

"Wala na ba akong kwenta sayo!?-- Andito ako oh!"Sabi niya at tinuro Ang sarili"Kung may problema ka pa, sabihin mo Lang sakin!--Boyfriend moko!"Sabi niya at pilit niyang pinapakalma Ang sarili niya

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon