Chapter 6

1.7K 44 5
                                    

Viniel's POV

"Andromeda!" Sigaw ko sakanya ngunit Hindi man lang niya nagawang lumingon at para siyang lalaking naglalakad, nakapamulsa pa ang mga kamay niya

Nung Naiwan ang dalawa niyang kaibigan dito wala silang ginawa kundi sigawan at sermonan ako, kesyo wala daw akong kwentang bf at tao, masama daw ugali ko at ang sama ko daw na tao haha! Wala akong pake sa nararamdaman nila! Ang importante mukang nagtatagumpay ako sa mga Plano ko pero bakit parang Hindi ako natuwa sa kalalabasan?, Hayst!

Nainis ako sa hindi pagharap ni Andromeda, I don't know why!? Eh Yun naman Ang gusto ko eh Ang magdusa siya at mag sorry sakin sa mga nagawa niya, well konti lang naman Ang atraso niya sakin pero Kasi, iba yung impact sakin eh!

Nung nakita ko yung muka niyang may mga bangas nakaramdam ako ng.... Ano nga bang tawag dun? Konsensya ata? I'm not sure haha!

Pero bat Kasi Hindi siya lumaban!? Akala ko ba sadista siya!! Bwiset ka parin tomboy ka!
>_<

Bumalik na ako sa loob at nakita ko si Miguel na nakangisi sakin

Wag niya sabihing na love at first sight siya sa sadistang Yun!?

"Why?" Tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo ko

"Ang astig pala ng gf mo" namamanghang Sabi ni miguel

"A-huh?!" Takang tanong ko sakanya

"Transferre yun diba?--- tomboy ba Yun?!" Biglang tanong ni Vincent

"Anong tomboy!? Ugok! May bf nga Diba!?" Sigaw ni Carlo kay Vincent

"Ang cute Kaya Niya!" Singit ni Jose

"Anong cute dun!? Daig nga ang lalaki kung manapak eh! Ha ha!" Natatawang Sabi ni Miguel

Huh!? Gumanti Kaya siya?

"Ang wierd nga lang eh, nung naabutan namin siya natumba siya sa lupa tapos lumapit ako, nung nakita niya ako,--- bigla siyang tumayo na parang walang nangyari--" kwento ni Miguel na parang namamangha sa nakita at takang taka "tapos pagkatayo niya ngumisi siya dun sa taong nambugbog sakanya saka siya gumati! Pinagsasapak at pinagtatadyak niya! Ayun knock out!" Kwento ni Miguel at maski ako nawierdohan din

"Eh ikaw nga Kasi yung kailangan niya!!!"

Naalala ko yung sinabi ng kaibigan niya, ano naman kayang pinaplano niya? Hayst! Baliw na ba siya!?

Wag niya sabihin plinano niyang magpabugbog para lang malaman niya Kung tutulungan ko siya? At akala niya tutulungan ko talaga siya? Hayst!!! Sira ulo siya Kung ganun!

K I N A B U K A S A N

Nag impake agad ako nung malaman kong pinapapunta ako ni Lolo sa Batangas dahil may sakit ang Lola ko, paborito niya Kasi akong Apo hehe! Kaya gusto niyang bumisita ako sakanya at babalik din ako ng linggo ng gabi para makapasok ng lunes at dahil malakas naman ako sa teacher ko nagpaalam ako sakanya at pumayag naman siya, in-excuse ako sa lahat ng subjects namin.

Hanggang dito sa eroplano ay di parin mawala sa isip ko yung nangyari kahapon

Totoo ba kaya yung hinala ko na plinano niya yun para lang malaman niya Kung tutulungan ko siya? WTF!? sira ulo talaga Ang isang Yun!? Paano kung hindi siya tinulungan ni Miguel!? Hahayaan niya nalang na bugbugin siya? So Stupid!?

Hayst! Hindi naman siguro! Baka may dalaw Lang siya kaya hindi siya nakalaban agad! Hahaha

Napangisi ako sa naisip ko

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon