Prologue

923 15 1
                                    

"Ano ba? Nick? Pwede ba? Sabihin mo na kasi ang totoo? Totoo ba? Meron ba talaga? Sumagot ka naman please! Kasi mababaliw na ko."

Bumaba ako ng kotse pagkatapos kong makipag-away kay Nick. Agad akong pumasok sa kwaro ko para hindi na Makita pa nina Mama at Papa na umiiyak ako. Pumwesto ako sa paborito kong lugar sa kwarto ko kapag nag-iisa ako, sa isang sulok kung saan sinisiksik ko ang sarili ko. Tutal lagi namang iyon ang nararamdaman ko. Ang ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong mahal ko.

Matapos ang pagmumukmok ay napag-isipan kong kunin ang mga damit ko sa closet at inilagay sa green na maleta kong nasa ilalim ng kama ko. Kinuha ko na rin ang mga bagay na kakailanganin ko kapag umalis ako gaya ng toothbrush, hairbrush, lipstick, foundation powder, eye liner at iba pa.

Pagkatapos ay lumabas ako ng aking kwarto. Siniguro ko munang nakatulog na sina Mama at Papa bago ako lumabas. Pagkatapos ay sumakay ako ng tricycle papuntang bus station. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging bitbit ko lang ay isang mabigat na puso na ang tanging gusto lang sa ngayon ay ang mapag-isa.

Hindi ko na alam kung anong bus ang nasakyan ko. Basta sumakay na lang ako at piniling matulog ng makapagpahinga.

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon