Chapter 9 : Confused Feelings

230 7 0
                                    

Julia's POV

Pasado alas-seis na. Nakasakay na ako sa bus kasama si Nick, ang aking boyfriend. Sa pagkakataong ito ay hindi mawala sa isip ko si Mike. Sasabihin ba niya kaninang mahal niya ako o talagang assuming lang talaga ako na iyon ang sasabihin niya, na wala naman talaga. Pero sigurado ako, malakas ang kutob ko na mahal niya rin ako. Bakit ba ganito?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kung matutuwa ba ako kasi bumalik na ang boyfriend ko o sana hindi na lang siya bumalik. Sana patuloy na lang siyang umalis.

"Babe?" sabi ni Nick habang inaabot ang bottled mineral water sa akin. Napatingin naman ako sa mga mata niya, naramdam ko at nakita ko sa mga ito ang kanyang pag-aalala.

"Thank You!" sagot ko habang dumarami ang mga luhang naiipon sa gilid ng aking mga mata.

"Okay ka lang ba Babe? Kanina ka pa ganyan? May nararamdaman ka ba?" sunod na sunod na tanong ni Nick. Nakaramdam naman ako ng paninikip ng dibdib ko, sa may bandang puso. Sa sobrang sakit ay hindi ko na napigilang magsalita.

"Ang sakit! Ganito pala ang pakiramdam." sabi ko habang nakahawak sa may puso.

"Masakit ba puso mo? Gusto mo dalhin kita sa hospital? Babe? Ano ba? Ayaw kong nakikita kang ganyan?" pag-aalala naman niya.

"Hindi! Okay lang ako. Thank You. Pahinga na lang muna ako." sagot ko sa kanya na nasa mababang tono ng pananalita.

"Halika! Higa ka rito." Sabi niya sabay sandal niya ng ulo ko sa balikat niya.

*****

"Hi!"

"Sino yan?" tanong ko sa isang taong hindi ko maitsurahan kung sino.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay kung sino ang talagang nilalaman ng puso mo. Hindi masama ang magmahal sa taong kakikilala mo pa lang. Ang masama ay ang pagpigil sa ating nararamdaman dahil ang tanging gusto lang naman nito ay ang sumaya ka." sabi nang isang babaeng hindi ko kilala.

"Pero paano ko susundin ang puso ko kung may masasaktan namang ibang tao?" tanong ko sa kanya.

"Kapag nagmamahal ka may masasaktan at masasaktan talaga dahil sa pag-ibig may sumasaya may lumulungkot at doon nakikita ang tunay na pagmamahal. Basta tandaan mo, kung susundin mo ang isip mo iyon ang tama pero kung susundin mo ang puso mo, doon ka magiging masaya."

*****

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako na nakahiga sa may balikat ni Nick nang mapansin ko naming may kausap siya sa telepono.

"...Basta igihin niyong mabuti ha? Ayaw kong..."

"Sino yan?" tanong ko sa kanya.

"Oh sige. Bye." sabi naman agad niya sa kausap niya sa cellphone sabay lagay sa may pocket niya.

"Sino yun?" tanong kong muli sa kanya.

"Ahh.. Wala lang yun." ika niya.

Hindi na naman ako nag-usisa pa dun sa kausap niya sa halip ay itinuon ko na lang ang tingin sa daan. "Nasan na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na tayo!"

Sumandal naman ako sa upuan ng sasakyan habang hinihintay ang pagdating namin sa bahay. Maya-maya lang ay nagsalita si Nick.

"Kuya para po!"

Nagtaka naman ako sa lugar na aming pinarahan. Malayo-layo pa naman bago kami makarating sa bahay ah? Bakit dito kami bumaba?

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon