Chapter 8 : I... Goodbye!

251 8 0
                                    

Narrator's POV

Mag-aalas seis na nang umaga ng makarating sila sa simbahan. Agad na pumunta si Julia sa may upuan, lumuhod at nag-sign of the cross. Habang si Mike naman ay patungo palang sa kinaluluhuran ni Julia sabay naluhod at nag-sign of the cross. Hindi pa man nakakatagal si Mike sa pagkakaluhod ay siya naming tapos ni Julia sa pagdarasal.

"Amen. Tara na?" pag-aaya ni Julia kasabay ng pagtayo niya.

Tumingin naman ng masama si Mike kay Julia na para bang nagsasabi na, "Kauupo ko lang, Aalis na kaagad?" At tila na-gets naman agad ito ni Julia.

"Hehe. Sige. Take your time." naupo naman muna siya.

"Ano? Tara na?" pag-aaya ni Mike ng matapos siya sa pagdarasal.

"Hmmm... Sige." sagot ni Julia

Habang naglalakad palabas ng simbahan ay binalot ng katahimikan ang dalawa. AWKWARD!!!

"Siya nga pala! Oh?" sabi ni Julia upang lumikha ng ingay at mabasag ang katahimikan sabay iniabot ang bracelet na kapareha ng suot niya.

"Saan naman nanggaling to?" tanong ni Mike.

"Bili ko dun sa batang nagtitinda kanina. Nagandahan kasi ako kaya naman bumili na ko ng dalawa. Tig-isa tayo."

"Para saan naman to?" sunod niyang tanong

"Souvenier? Memories? Para maalala mo ko. Para pagnagkita tayo ulit. Maalala natin ang isa't-isa." sagot ni Julia

"Okay!" Wala nang ibang nasabi pa si Mike kundi 'okay' lang hindi na rin kasi niya maisip kung anong mangyayari mamaya pag-alis niya.

Patuloy na naglalakad ang dalawa at muling binalot katahimikan ang pagitan nilang dalawa. "Anong dinasal mo?" sabay na pagkakatanong nung dalawa.

"Sige! Ikaw muna ang sumagot." sabay na naman nilang pagkakasambit.

Maya-maya pa'y nagsalita si Mike, "Sige, Ikaw muna."

"Ahmm... Wala naman. Dinasal ko lang na sana maging maayos na ang lahat. Yung wala na kong sakit. Yung malaya na kong gawin yung mga bagay-bagay. Yung malaya na tayo..." nagkatinginan naman yung dalawa.

"Yung malaya na tayong... ano? Yung malaya na tayo sa ano? Sa ano? Sa ano ay!" sabi ni Julia habang nag-iisip ng kung anong idudugtong.

"Huwag ka na ngang magpalusot. May gusto ka sakin no?" confident na tanong ni Mike.

"Wow! Ha? Gwapo ka?" sagot ni Julia na parang nang-iinsulto sa itsura ni Mike.

"Bakit? Ganda ka?" pabalik na sagot naman ni Mike kay Julia.

"Oo! Tagal na! Dati pa!" pagmamataray ni Julia

"Wow! Yan tayo e." ani ni Mike na parang kabaliktaran ng sinabi ni Julia ang nais ipahiwatig.

"Btw, ikaw? Anong dasal mo?" pagbabalik naman ni Julia sa topic kanina

"Hmmm... Pass?" sagot ni Mike na medyo patanong

"Andaya!" pagtatampo ni Julia

"Bakit? Sino bang may gawa nung..." hindi pa man siya natatapos magsalita ay sumagot na agad si Julia

"Oo na! Oo na! Bahala ka kung ayaw mong sabihin. Buhay mo naman yan hindi sakin kaya ano bang magagawa ko e hindi mo naman ako kaano-ano." pagpaparinig ni Julia

Napatigil naman si Mike habang si Julia ay tuloy-tuloy sa paglalakad at parinig ng parinig nanaman ng kung ano-ano. "Dinasal ko na sana, sana sa muli nating pagkikita, parehas na tayong malaya. Sana sa muli nating pagtatagpo, buong-buo na tayo. Na wala ng sagabal sa lahat. Kung saan malaya na ko nakaraan ko sa girlfriend ko at ikaw rin. Kung magkikita pa tayo. At sana, sana magkita tayong muli." sabi ni Mike sa kanyang isipan

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon