Julia's POV
Malayo na ang nilalakad ko pero hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung saan nga ba kami papunta nitong si Mike. Masakit-sakit na rin paa ko. Bakit ba kasi di na lang kami nagtricycle?
"Saan ba tayo papunta?" tanong ko sa kanya. Pagod na ko e.
"Basta!" sagot lang niya.
"Anong basta? Anlayo na ng nilakad natin di pa rin tayo nakakarating sa pupuntahan natin?"
"Ingay mo!" sabi niya. Pano ba naman di mag-iingay e pagod na pagod na ko.
"Mag-tricycle na kaya tayo." suggest ko naman.
"Sige mag-tricylcle ka!"
"Talaga!" ika ko.
Nang marinig ko ang sinabi niyang yun tumigil ako sa paglalakad at naghintay ng tricycle na masasakyan. Habang yung lalaking kasama ko naman ay di man lang ako pinansin at nagdire-diretso lang sa paglalakad.
"Hayss... Tagal naman ng tricycle." sabi ko dala ng inip.
Wala pa mang nagdaraanang mga sasakyan ay ibinalik ko ang tingin ko kay Mike. Nakita ko namang kumaliwa siya at pumasok sa isang lugar kung saan walang kabahay-bahay pero may kalsadang daraanan na parang subdivision kaso wala pang kabahayan.
"Hoy! Saan ka papunta? Diyan na ba yun? Ba't di mo sinabi sakin? Ang gulo mo?" sigaw ko sa kanya sabay takbo sa kanya palapit.
Napahinto naman siya sa paglalakad. "Akala ko ba sasakay ka?" sigaw rin niya.
"Malay ko bang dito na pala yun."
Pagkasabi ko nun ay muli na siyang lumakad papasok ng subdivision. Tumingin naman ako sa lugar kung saan kami paroon. Nakita ko ang tarik ng aming aakyatin. Grabe naman. Walang awa 'tong lalaking 'to sakin. Pag ako namatay yari man 'to.
"Hayss! Aakyatin pa ba natin yan? Pahinga naman muna tayo." sabi ko sabay upo sa sahig.
"Sige pahinga ka lang diyan!" sabi niya. Concern ba siya o balak niya kong iwan?
Malayo-layo na siya ay di pa rin siya humihinto sa paglalakad. Aba! Balak yata akong iwan nito. Tumayo ako para habulin si Mike.
"Hoy! Hintayin mo ko!" habol ko kay Mike.
Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kanya. Hingal na ako ng maabutan ko siya. Grabe ang bilis naman nitong maglakad may lahi yata 'tong kabayo.
"Gra-be! Ang ge-ntle-man mo rin ano?" sabi ko sa kanya habang hinihingal pa rin.
Hindi pa man ako nakakapagpahinga ay nagpatuloy na siyang maglakad at dinedma lang ang sinabi ko sa kanya.
"Hayss! Nanaman? Ayoko na! Dito na lang ako!" sabi ko habang hinahabol pa rin ang paghinga ko.
"Sige! Sigaw ka na lang pagmaynakita kang multo diyan ha?" pananakot niya.
At akala niya naman matatakot ako. "Hapon? May multo? Nagpapatawa ka ba?" sabi ko na lang. Actually, di naman talaga ako natatakot. Bumalik naman siya. O diba? Siya yata yung natakot.
"Kaya walang kabahay-bahay dito. Kasi sementeryo 'to dati kaya kahit maga o hapon may nagpapakita." sabi niya na nasa pananakot ang tono ng pananalita.
Napatingin naman ako sa kaliwa't kanan ko at napansing wala ngang katao-tao.
"Sige! Balikan na lang kita diyan kapag pababa na ako." dagdag niya tapos nagpatuloy ulit sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
Rule: The Unspoken Love
Historia CortaMay mga taong gustong hanapin ang nawawalang alaala. Meron din namang ang gusto ay kalimutan na lang. Pero paano kung magtagpo ang dalawang na ang isa ay gustong makalimot habang ang isa ay gustong makaalala. Posible kayang sa isa't isa nila matagpu...