Chapter 6 : Can You Catch Me If I Fall?

320 9 0
                                    

Mike's POV

Inabot na kami ng paglalakad makarating lang sa bayan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ikinuwento ni ano. Sino nga to. Basta. Hindi kaya may kinalaman to dun sa car accident na nangyari sakin? Pero paano? Ni hindi nga niya alam kung totoo nga yung kinuwento niyang yun?...

Sa lalim na ng nahuhukay ko ay nagsalita siya mula sa tabi ko. "Oh? Paano na yan? Saan na tayo pupunta?"

"Huh? Ahh... Ewan, kahit saan. Ikaw? Paano ka? Wala ka ng masasakyan kapag ganitong oras." sagot ko naman sa kanya ng matauhan ako.

"Ewan ko nga e. Siguro papasundo na lang ako sa papa ko. Ikaw? Paano ka?"

"Ewan ko rin. Siguro uuwi na lang din ako." pero ang totoo niyan hindi pa ako uuwi. Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.

"Ahh... Sige... Dito na lang ako. Uwi ka na. Kaya ko na naman dito."

"Sure ka?" Nalungkot naman ako. Sa oras na 'to. Gusto ko sanang samahan siya hanggang sa dumating yung papa. Gusto kong sulitin ang gabi kasama siya.

"Oo. Papasundo naman ako e." Lalo pa akong nakaramdam ng lungkot ng marinig ko yun. Kaya kahit gusto ko pang mag-stay wala na kong magagawa, yun na yun. Tapos na ang isang araw naming pakikita at pagsasama. Wala na kong ibang masasabi pa kundi "Sige! Bye!"

Pagkasabi ko nun ay humakbang na ako papalayo sa kanya. Kahit na sa loob ko ay ayaw ko pa. Kahit na gusto ko pang gumawa ng mga alaala kasama siya.

"Sige. Nice meeting you." sabi niya

Lumingon naman ako sa kanya bilang huling pagkakataong makikita ko siya. "Nice meeting you din."

Habang naglalakad palayo ay iniisip ko ang mga alaala nabuo namin ng isang araw lang. Kung paano kami unang nagkita. Kung paano kami nagkasama, yung sanib-pwersa ba? Tapos kung paano kami nagtampisaw sa dagat. Yung oras na buong buhay ko unang beses pa lang akong nakapag-open tungkol sa buhay ko.

Habang iniisip ang lahat ng yun. Ay napag-isip-isip ko nun na, sa igsi ng aming pinagsamahan. Parang ang dami na rin pala naming mga nabuong alaala para sakin. Sayang nga lang at hindi na namin madadagdagan pa 'to. Ay! Ano ngang pangalan niya? Nalimutan kong itanong at saka hindi ko nakuha number niya? Nang maisip kong malayo-layo na ako ay tumakbo ako pabalik. Binaybay ko ang daan pabalik sa kanya.

Nang makarating ako sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina ay hindi ko na siya nakita. Wala na siya. Nakita ko namang may bagay na alam kong sa kanya dahil sa iyon ang upuang inupuan niya kanina. Nandito pa siya. Kinuha ko ang bagay na nasa upuan at tumakbo.

Tinakbo ko ang lugar sa pag-asang makikita ko siya. Pumunta na rin ako sa mga lugar na napuntahan na namin kanina na malapit lang dito. Hindi ko na inisip ang pagod sa mga panahong ito. Basta ang mahalaga mahanap ko siya. Dahil malakas ang kutob ko na hindi pa siya nakakalayo.

Nakarating ako sa lugar kung saan malapit sa Park kung saan kami unang nagkita. Nakita ko siyang naglalakad habang tinitingnan ang mga taong nagdaraanan. Mga taong nagsasayahan. Hindi alintana ay nakita niya rin ako at nagtagpo sa gitna nito.

*akward moment*

"Huh? Bakit ka bumalik?" sabi niya na para bang hinihingal. Naisip ko naman na ako yung tumakbo ah? Bakit siya ang hinihingal?

"Ahmmm..." sabi ko habang nag-iisip ng sasabihin. Naalala ko naman yung bagay na nakita ko sa upuan kanina. "Ahmm... Naiwan mo?" sabi ko habang hingal sa pagsasalita.

"Ahhh... Hindi sakin yan... Yan lang ba ang sadya mo?"

"Ahmm... Oo, Ikaw? Bakit ka nandito? Akala ko ba..."

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon