Mike's POV
"Uhhhh!"
Minulat ko ang mga mata ko dahil sa narinig kong ungol. Bumungad sakin ang liwanag ng pasikat na araw. Nagtaka ako at nakita lagay namin sa damuhan. Nakita ko siyang nakayakap sa akin at nakahiga sa braso ko.
Nang malinawan ako ay napansin kong dito pala kami nakapagpalipas ng gabi. Tiningnan ko ang relo ko na nakalagay sa kaliwang bahagi ng kamay ko habang siya naman ay nakahiga sa kanang braso ko. Pasado alas-quarto na pala ng umaga. At saka anong nangyari?
Inalala ko ang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi?
-----Flashback-----
"Can you catch me if I fall?"
"Oo! I can catch you."
---End of Flashback---
"Ahhh! Naalala ko na?" sabi ko sa sarili ko.
"Ummmm...."
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siya na umuungol sa tabi ko. Nananaginip tong babaeng to.
Pero imbis na gisingin siya ay hinayaan ko na lang muna. Sa lagay na to, gusto ko munang masulit ang oras na nandito siya sa kalapit ko.
Maya-maya ay umungol nanaman siya sa tabi ko. Naisip ko na, maga na pala! Tama na ang kalandian. 'Hindi siya sayo! Mawawala na rin naman siya mamaya. Ibalik mo na siya! May mahal ka na rin naman iba.' sabi ko sa isip ko.
Julia's POV
Spaghetti
Macaroni
Chiffon
Softdrink
"Ummmm..." Sarap!
Chocolate
"Psst. Gising na."
"Huh?"
"Psst. Gising na."
"Hmmm... Bakit?"
Napansin ko ang unti-untinh pagliwanag ng mundo. Parang kukunin na ko, ang liwanag ng paligid. May nakita rin akong isang taong malapit sakin.
"Sinusundo mo na ba ako?"
"Huy! Sinasabi mo?"
Nabuhayan ang mga mata ko sa nagsalita. Napansin kong nakahiga ako sa damuhan kasama si Mike! Anong ginagawa namin dito?
Huh! Napabalikwas ako ng malinawan ang isip ko.
"Maga na? Dito pala tayo nakatulog?"
Nakita ko naman na si Mike na nakatulala, tilig at tila ba malalim ang iniisip.
"Anong nangyari kagabi?" tanong niya sakin.
Huh? Anyare dito? "Bakit mo naman natanong yan? Lasing ka ba?" sabi ko
"Wala! Hindi ko kasi alam e!"
"Nakainom ka no? Umamin ka? Kaya pala tinulugan mo na lang ako kagabi?"
"Huh? Tinulugan? Anong tinulugan?"
---Flashback---
BINABASA MO ANG
Rule: The Unspoken Love
Short StoryMay mga taong gustong hanapin ang nawawalang alaala. Meron din namang ang gusto ay kalimutan na lang. Pero paano kung magtagpo ang dalawang na ang isa ay gustong makalimot habang ang isa ay gustong makaalala. Posible kayang sa isa't isa nila matagpu...