"I Love You!"
"I Love You too!"
1:56am June 21, 2018. Sakay sa isang pulang kotse, binabaybay nina Mike at Julia ang daan patungo sa bahay ni Julia galing sa isang bar. Dahil nga anong oras na, malamang ay wala ng masasakyan si Julia pauwi kaya pinili na lang niyang magpahatid kay Mike. Tutal lagi namang ganito ang set-up nila sa tuwing mag-aakitan sa bar. Mga ala-una o alas-dos na nakakauwi sila kaya laging si Mike ang naghahatid kay Julia pauwi para na rin safe si Julia makauwi sa kanilang bahay.
"Oh? Paano? Saan ba kita ihahatid?" tanong ni Mike.
"Sa may bahay malamang! Para ba namang hindi mo alam ang bahay ko." sagot ni Julia
"Malay mo lang sa kuya mo ikaw umuwi. Alam mo na, baka magalitan ka nanaman ng Mama at Papa mo."
"Sus! Huwag ka na mag-alala sakin. Ako na bahala sa kanila. Nasanay na ko."
Sa kasadsagan ng pagda-drive ni Mike ay may isang sasakyang nakasalubong nila na nag-overtake at konting pagitan na lang ay mababangga sila nila. Buti na lang ay sanay-sanay na si Mike magdrive kaya sa mga ganitong sitwasyon ay nagagawa pa niyang makaiwas.
"Grabe, muntik-muntikan na tayo dun ah?" ani ni Julia
"Oo nga e, buti na lang magaling ako!" pagmamayabang ni Mike
"Gagu ka! Kahit pa! Mag-ingat ka pa rin. Hindi natin alam kung anong mga posibleng mangyari kapag nasa daan tayo! At saka..." pagsesermon ni Julia kay Mike ngunit hindi pa man nakakatapos magsalita ito ay inunahan na agad ito ni Mike. "Oo na! Sige na po. Mag-iingat na po."
Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan dahil nga sa pagod na kanilang nararamdaman. Nagpatugtog na lang naman si Mike ng music para mawala ang ka-boring-an sa loob. Ikinonek naman niya ang Bluetooth ng phone niya sa Bluetooth ng speaker ng kotse.
♪♫(Instrumental)♫♪
♪♫Somebody told me you were leaving, I didn't know ♫♪
♪♫Somebody told me you're unhappy, But it doesn't show ♫♪
♪♫Somebody told me that you don't want me no more. No...♫♪
♪♫So you walkin' out the door♫♪
"What's that song?" tanong ni Julia
"Huh? Let Me Be the One by Jimmy Bondoc, Why?" sagot naman ni Mike
"Wala lang! Wala kang ka-taste-taste!"
"Bakit naman? Ganda kaya?"
"Huh? Talaga?"
"Oo! Pakinggan mong mabuti!"
♪♫Nobody told me you been cryin', Everynight♫♪
♪♫Nobody told me you been dyin', But didn't want to fight♫♪
♪♫Nobody told me that you fell out of love for me♫♪
♪♫So I'm settin' you free♫♪
"Oh? 'Di ba ang ganda?" tanong ni Mike
"Oo nga! Pwede na!" sagot naman ni Julia.
Maya-maya pa'y dumating na sa chorus ng kanta ang music na sinabayan naman ni Mike ng may papiyok-piyok pang effect.
"♪♫Let me be the one to break it up. So you won't have to make excuses. We don't need to find our set-up were someone wins and someone losses. We just have to say our love was true but has now become a lie...♫♪"
"Okay tama na!" ika ni Julia
"♪♫...So I'm telling you I love you you one last time.♫♪" papapatuloy naman ni Mike at talagang tumingin pa kay Julia na may papikit-pikit pa ng mata na parang beteranong singer.
"At talagang feel na feel mo ha?" pagbibiro pa ni Julia
"And goodbye...♫♪" tapos naman ni Mike
"Ay sus!" kamot naman sa ulo ni Julia. "Sakit sa ulo nun. Grabe 'yang boses mo!"
"Bakit? Maganda ba? Na-inlove ka ba sa boses ko?" pagbibiro naman ni Mike
*****
"Oh, pano? Dito ka na?" tanong ni Mike nang makarating sila sa bahay ni Julia.
"Oh, sige! Ingat ka!" pagpapaalam naman ni Julia.
"Sige, ikaw rin!"
"Dito na bahay ko oh?" turo naman ni Julia sa bahay nila.
"Oh sige na! Goodbye! Bukas na lang ulit. Sunduin kita?"
"Okay, sige bahala ka!"
Pagkapaalam ni Mike ay sinusian na niya ang kotse at nagsimula na itong mag-start. Bago magdrive at tuluyang umalis ay kumaway muna siya kay Julia, senyales na 'goodbye'. Hinintay naman muna ni Juliang makalayo si Mike bago tuluyang makapasok sa bahay nila. Ngunit di pa man siya nakakapasok sa gate ng bahay nila ay mayroon siyang narinig na kotseng nagkabanggaan.
*CAR CRASHED*
May aksidenteng naganap sa may highway na hindi kalayuan sa bahay nila. Dali-dali niya namang tiningnan mula sa labas ng bahay nila ang aksidenteng nangyari at dahil nga sa may kalayuan ay pinuntahan niya ang pinangyarihan ng aksidente.
Nung mga panahong iyon ay grabe na ang kabang nararamdaman ni Julia. Si Mike ang una niya agad naisip nung mga panahong iyon at sa isip-isip niya'y sana hindi si Mike ang naaksidente, sana ay walang nangyaring masama sa kanya kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya mula sa maliit niyang white sling bag at agad na dinial ang phone number ni Mike.
Nangangalahati pa lang siya sa pagtakbo papalapit sa aksidente ay malinaw niya nang nakita ang aksidenteng pinangyarihan. Nakita niya ang isang pulang kotseng sinasakyan ni Mike at nang mga oras na iyon ay dahan-dahan pa niyang inaaninaw ang loob ng kotse para siguraduhin kung si Mike nga iyon. At sa mga oras na iyon ay kumpirmado ngang si Mike ang nasaloob nito kaya naman ay nagmadali siyang tumakbo at lumapit sa sasakyang nabangga ng biglang...
*DOOMED*
Nung akmang tatawid na siya sa kotse at bago pa man siya makalapit ay naunahan na siya ng isa pang kotseng um-overtake sa kalsadang tatwiran niya at nahagip siya nito.
Julia & Mike's POV
"Huh?" sigaw ko na siyang nagpagising sa lahat.
Nanaginip ako ng magkasama kami ni Mike/Julia. Hindi ko alam kung bakit ko napanaginipan ang ganito? Ni hindi nga kami matagal na magkakilala. Hindi kaya may kinalaman to sa aksidenteng naganap sakin?
...
"Hindi kaya ako ang tinutukoy niyang girlfriend niyang hindi niya makilala?" tanong ni Julia sa sarili.
...
"Hindi kaya siya ang girlfriend kong matagal ko ng hinahanap?" tanong ni Mike sa sarili.
BINABASA MO ANG
Rule: The Unspoken Love
Short StoryMay mga taong gustong hanapin ang nawawalang alaala. Meron din namang ang gusto ay kalimutan na lang. Pero paano kung magtagpo ang dalawang na ang isa ay gustong makalimot habang ang isa ay gustong makaalala. Posible kayang sa isa't isa nila matagpu...