Chapter 3: The Simple Rule

507 10 0
                                    

Julia's POV

Nandito kami ngayon sa beach ni Mike. Heto naman ako nakasandal sa puno ng niyog, relax-relax lang. Grabe ang sarap sa pakiramdam. Yung tipong, wala kang ibang iisipin dito kundi kasiyahan lang. I think this is the best place kapag gusto mong mapag-isa.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata para damhin ang kagandahan, kasiyahan at katahimikan ng kapaligiran. Sinabayan ko pa ito ng malalim na paghinga. "Hayss...". Ngayon ay iminulat ko na ang aking mga mata. Nakita ko naman si Mike na papalapit sakin na may hawak na dalawang bottled softdrinks.

"Oh!" sabi niya sabay bigay sakin nung isang bottled softdrinks na hawak niya na tinanggap ko naman.

"Thank You!" wika ko bilang pasasalamat. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa isang babae na nakaupo sa buhanginan malapit sa dagat.

"Oh?" sabi ni Mike na mukhang napansin din niyang may tinitingnan ako kaya naman tumingin din siya roon. "Kilala mo?" tanong niya.

"Hindi no! Nagagandahan lang ako." wika ko. Totoo naman kasi e. Ang ganda niya. Wala siyang make-up. Simple lang siya.

"So, crush mo?" ani niya

*glare* tiningnan ko lang naman siya ng masama bilang tugon.

"Huh!" ngiti niya lang naman sabay upo sa tabi ko.

"So, bakit ka nandito?" tanong niya sakin. Sira din no? Pinasama ako rito tapos tinatanong kung bakit ako nandito.

"Siraulo ka? Inakit mo kaya ako."

"Tssk. I mean, bakit ka sumama sakin? Samantalang hindi mo naman ako kilala." Ahhh... Yun pala ibig niyang sabihin. Tanga ko talaga.

"Wala lang! Ewan! Di ko alam." tugon ko naman sa kanya. Di ko kasi alam kung bakit. Bakit nga ba?

"Galing ha? Naintindihan ko." seryoso naman niyang pagkakasabi. Minsan ang gulo ring kausap nitong lalaking to. Nagjojoke ba 'to o seryoso? Napansin ko lang kasi na parang syonga 'to. Siguro may sira 'to sa utak.

Bigla namang nasagi sa utak ko nung una kaming nagkita. Ahh...

---Flashback---

4:56am. Nandito ako ngayon sa park. Nakaupo sa isang mahabang upuan kung saan tanaw mo ang dagat at kabundukan sa tapat. Bakasyonista lang ako dito sa lugar na ito kaya may mga dala-dala akong mga gamit at maleta.

Alam kong pasikat pa lang ang araw sa mga kras na 'to pero mas gusto ko kasing tumingin sa sunrise. Gusto kong makita kung paano sumikat ang araw sa silangan. Sa panahon kasing ito, parang mas gusto kong panoorin ang mga bagay-bagay kahit alam kong walang katuturan.

Sa pagmamasid ko sa paligid ay di ko napansing umaga na. Nagdadamihan na rin ang mga taong nandito. Napansin ko ring karamihan sa mga ito ay nag-e-exercise na karamihan ay mga may edad na. Gusto ko sanang makisabay sa mga nagsu-zumba kaso mahiyain ako e.

Maya-maya lang ang nagring ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko. Nakita ko namang si Nick ang tumawag, ang boyfriend ko, kaya tinurn off ko na lang ito para walang abala sa pagmamasid ko sa paligid.

Sa katitingin ko ay di ko maiwasang hindi tignan ang lalaking nasa isa ring mahabang upuang malapit sa aking kinauupuan. Sa tuwing titingin naman ako sa aking harapan ay napapansin ko ring tumitingin siya sa gawi ko. Kaya ako naman heto natingin sa gawi niya at siya namang iwas niya. Ganun ang set-up namin nung lalaking nasa kabilang bench.

Hanggang sa di na ako makapag-focus sa ginagawa ko at tanging siya ang napapansin ko kaya nilapitan ko siya at kinausap.

"Excuse me! Why are you looking at me?"

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon