Julia's POV
Umaga na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung saan kami papunta nitong kasama ko. Ni hindi ko rin alam kung nasaan na kami ngayon. Bakit ba kasi ako sumama sa lalaking 'to? Hindi kaya snatcher 'to o kaya? May ghad! Baka nga rapist 'to tapos mamamatay tao. Hindi ba ganun yung ginagawa ng mga suspect sa biktima nila. Pagkatapos gahasain, papatayin ka saka iiwan na lang sa masukal na lugar.
"Hoy! Teka lang. Akala ko ba sa beach tayo pupunta? Saan ka papunta?" sigaw ko dun sa lalaki pagkatapos kong mag-isip ng kung anu-ano.
"Dun!" turo naman niya sa binabaybay naming daan.
"Anong gagawin natin dun?" tanong ko na medyo kinakabahan na.
"Bibili." tipid niyang sagot
Bibili? Ng ano naman kaya? Hala! Baka kutsilyo? Papatayin nga ata ako? "Anong bibilhin?" tanong ko ulit
"Dami mong tanong." naiirita niyang sabi sakin
"Igsi mo kasing sumagot." sabi ko na lang. Bakit? Totoo naman ah. Ang igsi niyang sumagot.
Maya-maya lang ay tumigil siya sa paglalakad. Hindi naman ako makalapit sa kanya ng malapit halos nasa isang metro ang layo ko sa kanya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko ulit sa kanya.
"Bibili?" ika niya na para bang nagtataka kung anong iniisip ko na hindi ko naman napansin na nasa may labas na pala kami ng South Emerald. Dito lang pala pupunta hindi pa sinabi. Dami ko tuloy pinag-iiisip na kung anu-ano.
"Hehe!" sabi ko.
Pumunta muna kami sa baggage ng groceries store at ibinigay yung dala kong mga bag at maleta pagtapos ay pumasok na kami sa loob ng groceries store. Pagkabigay ng mga gamit ay dumiretso lang naman sa paglalakad si ano, Mike ata yun, sa loob. Ako naman heto kumuha ng food cart.
Mike's POV
Pagkabigay ng mga gamit namin sa baggage ay dumeretso na ako kaagad sa mga junk food. Sa paglilibot ko ay nakita ko yung babaeng kasama ko na may dala pang food cart.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba 'to?" sagot niya este tanong din naman niya. Tingnan mo tong babaeng 'to. Ganto ba talaga to o pinipilosopo lang ako?
"Food cart. Yaman mo pero hindi mo alam tawag diyan?" sagot ko.
"Sira! Alam ko! What I mean is, ano bang ginagawa dito? Ano bang nilalagay dito?" sabi niya
"Pagkain! Kaya nga food cart diba?" pamimilosopo ko na lang sa kanya
"Hehe. Sabi daw? E bat yung babaeng yun ang nakalagay sa food cart sabon? Samantalang food cart yun?" pagsagot din naman niya ng papilosopo.
Ahh! 'Yan pala gusto niya ha? Sige heto! "Abay malay ko! Tatanungin mo ko di naman ako nag-imbento niyan." sagot ko sa kanya
"Tssk. Use your CS." utos niya
Gamitin ko daw CS ko! "CS? Call Sign?" sabi ko.
"Siraulo." sabi naman niya sabay alis dala ang food cart. Lutong nun ah!
Napaisip naman ako dun. "Siraulo? Edi sana SU. Sira tapos Ulo. SU, Sira Ulo! Tanga rin nung babaeng yun." sabi ko na lang sa sarili ko.
Nandito na kami ngayon at nakapila sa may cashier. Grabe kung nakikita o naiimagine niyo lang 'tong babaeng kasama ko. Hirap na hirap na kadadala ng food cart at halos lahat ng makakasalubong na tao nabubundol niya gawa nung pagkalaki-laki niyang food cart. Ang nakakapagtaka pa kumuha pa ng food cart kokonti lang naman ang laman. Ako naman heto hawak ko lang yung mga junk food na bibilhin ko.
"Yan! Ano? Hirap ka na? May pa-food cart pa kasi. Yun lang naman ang bibilhin." pang-aasar ko sa kanya
"Pakelamin mo!" sagot naman niya sakin ng pataray.
Ilang minute pa ang dumaan, sa wakas ay nakaraos din kami. Ibinigay ko naman ang mga junk food na dala ko sa babaeng nasa-cashier.
"Php113.50 po Sir!" sabi nung babae sabay abot ko naman nung limang daan.
"May 14 pesos po kayo sir?" tanong nung babae.
"Ahh... Wala e!" sabi ko habang kinakapa ang bulsa ko.
"Ahh... Sige po! Heto po change nila Php386.50 po! Thank you po!" sabi nung babae sabay kuha ko naman dun sa sukli ko.
Pagkatapos ay sumunod naman ang babaeng kasama ko. Inilapag niya yung mga pinamili niya dun sa table habang hirap na hirap naman siya sa pagbabalik nung cart.
"Php198.40 po Ma'am" sabi nung babaeng nasa cashier sa babaeng kasama ko.
Kinuha naman ni ano, kakasura naman kasi di ko alam ang pangalan nito e, basta nitong babaeng 'to ang wallet niya. Napansin ko naman na parang naghahagilap pa siya ng pera niya. Kaya sa kagustuhan kong tumawa ay nagpatay-malisya na lang ako. Kunwari di ko alam. Kunwari di ko kilala. Kung sa bagay di ko naman talaga kilala yang babaeng 'yan!
Maya-maya lang ay napansin ko namang nakatingin na siya sakin at nagpapa-awa. Ano to? Nagpapaawa pa sakin? Di eepekto sakin yan! "Hehe. Bahala ka diyan." pang-aasar ko naman sa kanya.
"Mike..." seryosong pagkakasabi niya. Wow ha? Close kami? Tinawag pa talaga niya ako sa name ko. "Please... Bilis na." pagpapaawa niya nanaman ulit niya.
Hindi ko naman natiis na 'tong babaeng to kaya wala rin akong nagawa kundi kumuha ng pera sa wallet ko at iniabot sa kasera. Ano ba kasing meron tong babaeng 'to?
"Miss heto oh!" sabi ko dun sa babaeng nasa cashier.
"Yes. Thank You!" saya naman niya.
"Sana all!" narinig kong sinabi nung babaeng nasa cashier na mukhang narinig din naman nitong babaeng kasama ko.
"Huh? Naku ate di ko po jowa yan! Yang monkey na yan. Sus! Mas pogi jowa ko jan. Ni hindi nga kami magkakilala niyan e." sambit niya dun sa babaeng nasa kasera.
"Wow ha? Ikaw pa 'tong lakas nakaangal. Kita mo tong mukhang 'to? Maraming nagkakandarapa diyan. Tandaan mo 'yan." sabi ko sa babaeng kasama ko.
"Hay nako miss! Yang masungit na yan na parang matanda na putak ng putak na para bang laging may dalaw. Hay nako kung alam mo lang. Mas maganda girlfriend ko kaysa dyan. Kilala mo ba si Liza Soberano? Yun! Yun yung girlfriend ko. Di katulad ng babaeng yan" sabi ko sa kasera habang pinaparinghan naman itong babaeng kasama ko.
Nag-make face lang naman siya sakin. Habang ang babaeng kasera naman ay umiiling habang nakangiti a napansin naman nitong babaeng kasama ko.
"May problema ka ate?" sabi niya dun sa babaeng kasera na para bang gustong makipag-away ang tono ng pananalita.
"Ahhh... Wala po Ma'am!" sabi nung babaeng nasa cashier. Buti na lang may pasensya 'to kundi baka nagkagulo pa rito.
"Oopps, easy lang!" awat ko naman sa kasama ko.
"Sorry Miss may dalaw yan e." pagpapaumanhin ko naman dun sa Cashierer.
"Heto na po Ma'am" iniabot naman nung babaeng nasa-cashier ang pinamili niya at kinuha lang naman ito nung babaeng kasama ko saka umalis at nagmake face.
Napansin ko namang umiling nanaman yung babaeng nasa kasera. Buti na lang at hindi napansin nitong kasama ko.
"Haysss... Ha!"
BINABASA MO ANG
Rule: The Unspoken Love
Short StoryMay mga taong gustong hanapin ang nawawalang alaala. Meron din namang ang gusto ay kalimutan na lang. Pero paano kung magtagpo ang dalawang na ang isa ay gustong makalimot habang ang isa ay gustong makaalala. Posible kayang sa isa't isa nila matagpu...