Julia's POV
Sinubukan kong magsisigaw ngunit ni isa ay wala yatang nakakarinig. Hindi ko rin maihakbang ang aking mga paa dahil baka mahulog ako kung saan man. Naisip ko namang tawagin si Nick na kasama ko lang kanina.
"Nick? Nick nandyan ka pa ba?" sigaw ko.
Nang biglang magliwanag ang paligid. Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga taong nagtatakbuhan kanina dito sa isang magandang gazebo at doon ay nakita ko si Nick na nakatayo, may hawak na mga bulaklak na kulay na gusto ko, tsokolate, stuff toy at isang paper bag. Hindi ko mapigilang maluha sa nakita ko. Sino ba ang isang babaeng di maluluha sa isang napakagandang surpresang ihihanda ng taong nagmamahal sayo.
Nakita ko rin ang isang round table sa gitna. May tig-dadalawaang wine glass, round plate, spoon and pork. Tumingin naman akong muli kay Nick. Bakas sa mga mukha niya ang kaba at saya habang papalapit sa akin.
Maya-maya pa ay tumugtog ang musika. Tumugtog ang isang pamilyar na tugtog. Ang tugtog na sinabi ko sa kanya noon pa lang.
♪♫It's not the flowers, wrapped in fancy paper♫♪
♪♫It's not the ring, I wear around my finger♫♪
♪♫There's nothing in all the world I need♫♪
♪♫If I have you here bedside of me♫♪
♪♫Here beside me♫♪
Nang makalapit siya ay ibinigay niya sakin ang hawak niya, isang green rose na kahit artificial lang ay talagang naghanap pa siya, stuff toy, chocolate, at isang paper bag na hindi ko alam kung anong laman. Hindi ko naman naiwasang magtanong dahil sa kanina pa niyang ginagawa.
"Anong meron?" tanong ko.
"Alam kong marami na tayong di pag kakaunawaan at alam kong sa dami ng mga ito ay pati na Anniversary natin nakalimutan mo na. Happy Anniversary Babe!"
Natulala lang ako sa sinabi niya. Oo nga pala! Anniversary namin ngayon. Siguro masyado na akong nag-iisip ng kung ano-ano. "Sorry!" pagpapaumanhin ko sa kanya dahil sa nakalimutan ko nga.
"No! It's okay! Let's have a seat?"
"Okay!"
Nagsimula na kaming kumain. Panay na rin ang kwentuhan namin tungkol sa masasayang araw at oras na magkasama kami ni Nick. Siguro sa kaiisip ko na walang nagmamahal sakin tulad nito, nalilimutan ko na ang mga taong nasa paligid ko. Ngayon lang kasi ginawa ni Nick ang ganitong surpresa pagkatapos ng ilang taong naging kami.
♪♫So you could give me wings to fly♫♪
♪♫Catch me If I fall♫♪
♪♫Or pull the stars down from the sky♫♪
♪♫So I could wish on them all♫♪
♪♫But I couldn't ask for more♫♪
♪♫'Cause your love is the greatest gift of all♫♪
"At saka babe naalala mo nung unang beses na ipinakilala mo ako sa mga magulang mo?" tanong niya habang bakas parin sa mga mukha niya ang saya.
"Oo naman! Kabadong-kabado ka pa nga nung kaharap mo si Papa" sagot ko habang sayang-saya naman siya.
"Oo tapos..." Habang tumatawa siya ay nakita ko sa kanya si Mike. Nai-imagine ko na si Mike ang kasa-kasama ko at masayang masaya kami ngayon. "Babe! Babe?" sabi ni Mike sakin.
"Babe! Babe?" ni Nick pala
"Yes?" sabi ko pagkarinig ko sa boses niya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Oo naman, bakit?"
"Kanina ka pa kasi tahimik. Magsasalita ka, konti lang. May problema ba?"
"Wala naman. May gusto lang akong itanong."
"Ano 'yun babe?"
"Bakit mo ginagawa 'to?"
"Aling ito?"
"Ito! Lahat ng 'yan? Flowers, stuff toy, chocolate, dinner, the MUSIC? Bakit?"
"It's our anniversary, right?"
"Bukod don? Kasi ngayon lang kita nakitang mag-effort ng ganito? May gusto ka bang sabihin?"
Tumayo naman siya sa harap ko at pumunta sa tabi ko.
"Actually, pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to. Ito ang araw na pinakahihintay ko dahil bukod sa Anniversary natin ay may mahalaga din akong sasabihin. Matagal-tagal na rin tayo babe. At gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Dahil ikaw lang babe ang babaeng gusto kong makasama habang buhay..."
Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay nakita ko nanaman si Mike sa kanya na tila ba may sinasabi rin sa akin na hindi ko maintindihan. Basta parang ang hina ng pagkakabigkas niya sa mga bawat salita na sinasabi niya.
"Lmkngngynlngtyngkkllbstlgmngttndnkhtgnnpmnmhlnkt,unngplnglmkngmmhlnkt. Hi-hin-ta-yin ki-ta".
Hihintayin kita! 'Yan ang tanging salita na aking naintindihan. Bumalik naman ang diwa ko at nakita ko nang muli si Nick.
"...Babe, Will you marry me?"
Nabalot ng kaba ang buong katawan ko at sa sobrang pangamba ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Kusa na itong lumabas mula sa aking mga mata hanggang sa nagtuloy-tuloy ito.
♪♫But I couldn't ask for more♫♪
♪♫'Cause your love is the greatest gift of all♫♪
"..."
*****
Nandito na ako sa labas ng bahay ngayon. Dala ko pa rin ang bigat na nararamdaman ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Masaya naman kami ni Nick nung kami lang ah? Ano ba kasing nangyari? Ano ba kasing dapat kong gawin?
"Julia? Anak? Saan ka ba naman nanggaling bata ka? Rey? Nandito na anak mo." galit na pagkakabigas ni Mama sa akin ng makita niya ako sa gate ng bahay namin habang ako naman ay tahimik lang. Hanggang sa hindi ko na napigilang mapayakap kay Mama.
Nagbago naman ang tono ng pananalita niya. Mula sa pagiging galit ay nagkaroon ng pag-aalala. "Oh? Anak? May nangyari ba? May ginawa ba sayo si Nick?" tanong niya.
Hindi ko na naman sinabi sa kanya dahil sa gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang ako lang nang makapag-isip-isip ako. "Wala po Ma! Papasok na po muna ako sa kwarto ko."
Naglakad naman ako papuntang kwarto at ini-lock ang pinto. Doon ay umupo ako sa may gilid ng kama malapit sa bintana. Itinaas ko ang dalawa kong paa at itiniklop ang dalawang binti habang ang nakahiga ang ulo sa may tuhod.
Bumuhos ang ulan na tila ba dinadamayan ako sa aking pag-iyak. Kita ko ang pag-agos nito sa sliding window ng bintana. Humawak ako sa sliding window habang ang mga ulan patuloy na umaagos sa salamin nito at doon ay hindi ko na napigilang umiyak.
"Huhuhuhu...!"
BINABASA MO ANG
Rule: The Unspoken Love
Short StoryMay mga taong gustong hanapin ang nawawalang alaala. Meron din namang ang gusto ay kalimutan na lang. Pero paano kung magtagpo ang dalawang na ang isa ay gustong makalimot habang ang isa ay gustong makaalala. Posible kayang sa isa't isa nila matagpu...