Chapter 4: Strange Feeling

382 10 0
                                    


Julia's POV

Habang binabaybay ang daan patungo sa bahay. Hindi mawala sa puso ko ang pagkalungkot. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko alam kung ano na ba 'tong nararamdaman ko. Posible ba na inlove ako sa taong isang araw ko pa lang kakikilala? Pero bakit? May minamahal na ko.

Nandito ngayon ang lalaking kakikilala ko sa kanang bahagi ng kamay ko. Naglalakad sa tabi ko. Nagtatawanan kasabay ko. Basta nandito siya, kasama ko.

Lumingon naman ako sa bandang kaliwa ko at may nakita akong isang lalaki na tila ba papalapit sa akin. Di ko alam kung sino siya naaaninagan ng liwanag ang mga mukha niya kaya di ko malaman kung sino nga ba siya.

Nang makalapit siya ng tuluyan ay namasdan ko ang mukha ng isang lalaking matagal ko ng kilala, si Nick, ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung anong ba 'tong nararamdaman ko. Tila ba bumibilis ang tibok ng puso ko na di ko mabatid kung ano nga ba ito.

Muli, binalik ko ang tingin sa kanan ko. Wala na. Wala na ang lalaking kasa-kasama ko ngayon. Wala na siya sa tabi ko. Wala nang tawa ang naririnig ko. Wala na kong ibang kasama pa kundi ang lalaking nagpatibok ng puso ko noon na siya namang di ko mabatid kung mahal ko pa nga ba siya hanggang ngayon.

"Huy! Bangon na! Nandito na tayo!"

Di ko mapaliwanag ang boses na aking naririnig. Saan nanggagaling ang mga iyon? Mike! Ikaw ba yan?

"Huy babae! Gising na!"

Maya-maya lang ay unti-unti na akong nakakaaninag ng liwanag. Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Kasabay nito ang pagbungad ng isang lalaki, lalaki na akala ko'y iniwan na ko. Lalaki na akala ko'y wala na sa piling ko.

"HUY!"

Tuluyan naman akong naliwanagan. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahiga ako sa balikat ni Mike sakay ng isang tricycle na siya namang nakahinto sa tapat ng bus station.

"Huy! Okay ka lang?" tanong ni Mike sakin.

"Ah! Sorry! Nakatulog pala ako. Anyare?"

"Simple lang! Kinayatan mo lang naman ang damit ko." ika niya.

"Sorry naman!" sabay baba naman namin ni Mike sa tricycle.

"Kuya magkano po?" tanong ni Mike dun sa tricycle driver.

"Bente pesos lang."

Tumingin naman sakin si Mike. Tingin na di ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Ano kayang problema nito? Teka! Baka may kayat pa ko. Pasimple kong pinahid ang tabi ng aking bibig para di niya mahalata. Pero teka di nga pala ako kayat.

"Bente lang daw! Bayari na!" sabi ni Mike sakin.

Huh? Anong ibig nitong sabihin? Maya-maya lang ay nalaman ko na ang nais niyang iparating. "Wow! Ako pa talaga magbabayad?" sabi ko sa kanya

"Bakit? Ako na nga ang nagbayad sa mga pinamili mo sa Groceries Store kanina ah?" sumbat niya sakin. Wow ha? Pagkakuripot naman nitong lalaking to. Husto lang sa porma wala namang atik.

"Wow ha? Hindi ka ba kumain nung pinamili ko?" sumbat ko rin naman sa kanya nung kinain niya kanina sa Beach

"Bakit? Hindi ka ba sumakay?" sabi niya sakin.

"Oo na! Oo na!" singit naman nung driver.

"Bakit po kuya? libre na?" sabi ko. Para kasing yun ang nais niyang iparating.

"Aba nini! Napapasuwerte ka? Mamaya niyo na pag-awayan yan bayaran niyo na muna ako. Nakakaistorbo kayo." sabi nung driver.

Akala ko namang libre na. Mga paasa nga naman. Nagdadamihan na!

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon