Chapter 1: I Meet You

830 12 0
                                    

Julia's POV

4:56am. Nandito ako ngayon sa park. Nakaupo sa isang mahabang upuan kung saan tanaw mo ang dagat at kabundukan sa tapat. Dito ako napadpad ng paglalayas ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam at di ako masyadong pamilyar sa lugar na 'to.

Alam kong pasikat pa lang ang araw sa mga oras na 'to pero mas gusto ko kasing tumingin sa sunrise. Gusto kong makita kung paano sumikat ang araw sa silangan. Sa panahon kasing ito, parang mas gusto kong panoorin ang mga bagay-bagay kahit alam kong walang katuturan.

Sa pagmamasid ko sa paligid ay di ko napansing umaga na. Nagdadamihan na rin ang mga taong nandito. Napansin ko ring karamihan sa mga ito ay nag-e-exercise na karamihan ay mga may edad na. Gusto ko sanang makisabay sa mga nagsu-zumba kaso mahiyain ako e.

Maya-maya lang ang nagring ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko. Nakita ko namang si Nick ang tumawag, ang boyfriend ko, kaya tinurn off ko na lang ito para walang abala sa pagmamasid ko sa paligid.

Sa katitingin ko ay di ko maiwasang hindi tignan ang lalaking nasa isa ring mahabang upuang malapit sa aking kinauupuan. Sa tuwing titingin naman ako sa aking harapan ay napapansin ko ring tumitingin siya sa gawi ko. Kaya ako naman heto napapatingin din sa gawi niya at siya namang iwas niya. Ganun ang set-up namin nung lalaking nasa kabilang bench.

Hanggang sa di na ako makapag-focus sa ginagawa ko at tanging siya ang napapansin ko kaya nilapitan ko siya at kinausap.

"Excuse me! Why are you looking at me?"

Tumingin naman siya sa kaliwa't kanan na para bang nagtataka sa tinanong ko.

"Ako ba tinatanong mo?" tanong rin naman niya sa akin.

"Sino pa bang nandito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Miss bulag ka ba?"

"Siraulo ka?" sagot ko naman agad sa kanya dala na ng inis.

"Tatanong-tanong ka kasi e kita mo nanaman kung sino pang nandito"

"Patience Julia! Patience! Ganyan talaga ang buhay." sabi ko sa sarili ko at saka muling nagsalita. "Ibig kong sabihin nun, tayo lang namang dalawa ang nandito ah. Sino pa bang tatanungin ko? Pilosopo!" pagpapatuloy ko na siya naman tingin ulit sa kaliwa't kanan niya.

"Edi wow!" sagot niya.

"Huh!" sabi ko na may pagtaas ng kanang bahagi ng taas ng aking labi (make face) at saka ako bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Hayss. Salamat! Makakabalik na ako ulit sa ginagawa ko kanina. San na nga ba ako kanina? sabi ko sa isip ko habang inaalala kung ano nga bang ginagawa ko kanina. Ngunit hindi pa man ako nakakabalik sa sarili ay nagsalita muli ang lalaking nasa kabilang bench.

"By the way, ano nga pala name mo?" tanong niya habang nakatingin sa dagat at nakaupo parin sa kinauupuan niya kanina.

"Close tayo?" sagot ko naman sa kanya ng patanong.

"Assuming mo naman. Ikaw ba kausap ko? Ito kaya kausap ko" tinaas naman niya ang kamay niya at ginalaw ang mga daliri na para bang puppet. "Ano pangalan mo? Kanina ka pa ba diyan? Bakit ka nandito? Bakit di ka..." sunod-sunod niyang tanong kausap ang kamay niya.

"Baliw!" sabi ko saka tumayo at umalis dala ng pagka-bad trip.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita nanaman ang lalaking nakaupo sa isang bench kanina. Hays! Nakakairita na!

"Wait Miss! Saan ka papunta?" tanong niya nanaman. Kanina pa 'to sapakin ko na kaya.

"Galeng! Sino ka ba?!" sagot ko ulit ng patanong.

Rule: The Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon