Prologue

5.4K 102 2
                                    


"I don't want you and your child in my family! "Ang matigas na wika ni Mrs. Vina Altamonte sa kanya. Magkaharap sila sa mesa. Naroroon sila sa isang exclusive na restaurant ng mga mayayaman.
Tinawagan sya nito gamit ang phone ng anak nitong si Andrex.
Di pa man sya nakakabitiw ng salitang hello agad na nitong sinabi ang pakay sa kanya.
Hindi nya alam noon na ito na pala ang may hawak ng phone ng kanyang kasintahan.
Ilang linggo pa lang itong nakakaalis ng bansa ng magsend sya rito ng mensahi na naglalaman ng kanyang kalagayan.
Nabasa iyon ng ina ng lalaki at agad syang tinawagan. Nakipagkita ito sa kanya dahil gusto raw syang makita ng personal.
"Wala nman po akong planong ipagsiksikan ang aking sarili sa pamilya nyo ma'am. "Ang malumanay nyang wika rito.
"Good! Dahil di ang gaya mo lamang ang gusto kong mapabilang sa lahi nmin!Wala ka sa kalingkingan ng mga babaeng gusto kong mapangasawa ng aking anak! Isa akong ina na iniisip lamang ang makabubuti sa future ng aking anak!"mariin nitong wika.
"Don't worry ma'am. Tikom po ang aking bibig about sa aking pinagbubuntis. Ito na po ang huling pagkakataong makikita nyo ang aking pagmumukha rito."aniya saka tumayo na.
Ayaw nya ng madagdagan pa ang mga masasakit na salitang mamumutawi sa bibig ng ginang.
May respito sya sa nakakatanda sa kanya. Kaya hanggat maaari umiiwas syang makasalubong ang galit nito.
Natigilan ito ng makita syang umahon mula sa inupuan.
"Wait, "ang pigil nito ng akma dadamputin nya na ang kanyanh handbag.
nakita nyang naglabas ito ng check book at pen saka nagsulat roon. Pagkapos pinilas at saka iniabot sa kanya.
"Here, one hundred thousand pesos! Go as far as you can away from here. Where my son can still fine you. "Ang nakamatang saad nito sa kanya. Hinihintay nitong tanggapin nya ang ibinigay.
Nainsulto man di sya nagpahalata. Walang expression itong nakita sa kanyang mukha.
"Thank you ma'am. I can support my own child without your money! "Ang mahinahong wika ngunit bakas ang mariing pagkakabigkas sa bawat katagang lumabas sa kanyang bibig.
Para itong nainsulto sa sinabi nya. Pagkabigla at di make a paniwala ang nakikita nya sa mukha nito. Ngunit agad ding pinawi iyon saka pilit syang nginitian.
"Mabuti nman at di ka pala mukhang pera!"ang palatak nito.
"Kung wala na po kayong sasabihin ma'am. Maaari na ba akong makaalis? "Aniyang blanko ang expression sa pagmumukha.
"Go on. Get lost! "Ang paismid nitong wika sa kanya.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon