Chapter 12

1.9K 49 0
                                    

  "Wow! Fabulous! "Wika ni Gustav na may nakapagkit na matamis na matamis ngiti sa mga labi.
"Asus! Binola mo pa ako! May kelangan ka na nman anu. Di pa nga natapos itong parting pinuntahan natin magdadagdag ka na nman? "Ang wika nyang pinanlakihan ito ng mata.
"Isa na lang  kelangan lang talaga ikaw ang kasama ko eh. Please, papaghingahin kita ng isang week. Di rin kita gagambalain sa duplex natin. Sige na cheen. "Pangungulit nito.
"Sa isang condition."Aniya tinitigan ito sa mata.
"Anu? Kakabahan nman ako sayo masyado cheen eh!"anitong napigil pa ang hininga.
"Ikaw ang magiging yayo ng inaanak mo habang nagrerelax ako! "Aniya.
"Sure! Yun lang pala eh!Deal!"Pagyayabang nito sa kanya.
Nangiti nman sya. Tingnan nya lang kung di ito hingalin sa makulit nyang anak.
Pareho pang nabaling ang tingin nila sa mga bagong dating sa party.
"Bigatin ba tong tutugtugan nating dalawa? "Bulong nya rito.
"Yes. Wedding anniversary ng may-ari ng malaking hospital sweety. "Anito nakatuon ang pansin sa mga pumapasok na bagong dating.
Dala ng curiosity sinundan nya rin ng tingin ang tinitingnan ni Gustav.
Ganun na lamang ang pagkagimbal kong kaninong party iyon.
Wala sa loob na tiningnan nya ang nakalagay sa invitation.
'Altamonte wedding anniversary! 'Geez! Tila sya hihimatayin. Kung party to ng magulang ni andrex ibig sabihin narito rin ang lalaki.
Di pa nga sya nakaka move on sa pagkikita nila ng ina nito sa mall nong isang araw. Tapos ngayon makikita nya na nman ito uli.
"Cheen are you alright sweety. "Baling ni Gustavo sabay hawak sa palad nya para sana hilanin sya patungo sa stage ng maramdamin nitong malamig ang kanyang palad.
"Hey! An'tagal na nating magkasamang tumutugtog sa mga special occasion ngayon ka pa ba kakabahan ng sobra?"may ngiting pampakalma ang nakalarawan sa mukha nito.
"You don't understand. The couple who's celebrating are the person I don't want to face again Gustav. You know my past and my secret identity,right? "Aniyang nababahala.
"Hush.... akong bahala sayo. Basta wag ka lang umalis sa tabi ko. Don't worry after our performance we'll leave as soon as possible. "Pagbigay nito ng assurance.
Niyakap sya nito saka hinagkan sa bumbunan. Di sya nito binitiwan kahit bahagya syang inilayo sa katawan nito. Mabuti na lamang nasa isang sulok sila ng party. Malapit sa emcee ng party.

  Samantalang pinagala ni Andrex ang mga mata pasuyod sa mga naroroong bisita. Naagaw ng mata nya ang isang pares na malapit sa emcee. Magkayakap ang mga ito. Nakita nyang hinagkan ng lalaki ang babae sa ulo.
  Di maipagkakailang maganda ang hubog ng katawan nito sa suot na abuhing dress na hapit sa katawan ng babae hanggang tuhod lamang iyon. Nakalugay ang mahabang buhok nito. Nakapulupot rin ang kamay ng babae sa bewang ng lalaki.
Nagsasalita na ang emcee hudyat start na ng party ng kanyang parents.
Napalinga sya sa paligid di nya pa nakita ang pamilya ng cayabyab. Kahit family ni miss Meredith na kaibigan ng magulang wala pa rin.
      Napalingon sya ng marinig ang komosyon sa bandang entrance ng party hall.
Magkasunod na pumasok ang special na bisita ng mga magulang.
"Pare! Akala ko wala na kayong plan pumunta eh. "Aniya sa bagong dating.
"Hi po tita, tita, hi Clare! "Aniya sa mga ito. Tango lamang ang sagot ng tatlo.
"Hello po miss Meredith! "Aniya na hinalikan pa ang ginang na napatitig sa kanya ng matagal.
"Is something wrong miss Meredith? "Aniya sa babae.
"No. I just remember someone special. Medyo hawig kayo doctor. "Ang napangiti nitong wika sa kanya.
"Sino po miss? "Curious nyang saad.
"Oh. Don't mind it's my special grandchild in my special relatives. "Anito saka nagpaalam sa kanya.
Nagtataka man sa sinabi nito di nya na muli pang inisip dahil kakarating lang din ng nobya nya.
"Hi honey, sorry we're late. "Anito saka sya hinalikan sa labi. Hinila sya nito at umagapay sa mga magulanv ng dalaga.
Pumwesto sila sa malaking mesa kung saan naroon ang mga magulang at mga kaibigan nitong nakapaligid sa kanila.
"Now let serenade our lovely couple who's celebrating their anniversary! "Ani ng emcee.
Napako ang tingin ng mga bisita sa isang pares na umakyat sa platform.
Nakaalalay ang lalaki sa nakayukong babae paakyat sa taas at pumwesto sa harap ng piano.
Umupo ang dalawa sa harap. Nang magtaas ng tingin ang dalawa. Agad nyang nakilala ang mga ito.
'Damn!ito yung sweet couple kanina na pinagmamasdan nya walang iba kundi si cheen at yung kayakapan nya sa studio noon.
Napakuyom kamao sya na sumulyap sa kaibigang si Clarence na busy sa pagkausap sa ibang mga bisita sa tabi nito. Wala ang pansin nito sa harap. Tila di nito alam na naroon ang girlfriend nito at may kayakapan na nmang iba.
'Shit cheen! Humanda ka sa akin! 'Anang isipan nya. Di inaalis ang mata sa dalawang todo emote sa pag-awit habang parehong tumitipa sa piano.
   Di nya inaalis ang tingin sa dalawa hanggang matapos iyong niyakap pa ito ng lalaki saka hinalikan. Dahil medyo nakatagilid ang babae sa kanya inisip nyang sa labi ito hinalikan ng lalaki.
'Damn cheen! Wala talaga kayong piniling lugar! Naghalikan pa kayo sa harap ng bisita.
Nagpalakpakan ang mga bisita matapos ang nakakaantig nilang duet.
"Whoa! That's what I like! "Ani ng emcee.
Nagpatuloy ang party. Tanging ang lalaki na lamang ang naiwan sa taas dahil tumugtog ito ng sweet music para sa magulang na nagsasayaw na sa gitna ng bulwagan. Nagsunuran na rin ang iba kaya malaya syang nakalapit sa babae na di napapansin ni Clarence.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon