Chapter 28

1.8K 45 2
                                    

   "Do you know is it so rude invading someone's privacy without permission? "Nakataas  kilay na patutsada nya sa lalaki ng makabawi sa kanyang pagkabigla. Saka patay malisyang naglakad at nilampasan nya ito patungo sa kanyang closet.
"Who cares? We're lovers if you are forgetting, honey ..."nananadya nitong paalala sa mga nangyari sa kanilang dalawa sa nagdaang mga araw.
"You know what? Why don't you get lost right now and never bother me again? "Nakahalukipkip nyang wika rito ng muli itong hinarapin.
"And do you think I'll do that cheenna? "Biglang dumilim ang mukha nito at napatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang kama saka sya mabilis na nilapitan sa kanyang kinatatayuan.
   Dahil sa ginawa ng lalaki awtomatik nman syang napaatras ng paunti-unti hanggang sa makorner sya nito sa kanyang closet. Maagap nitong naiharang at naitukod ang dalawa nitong mga kamay sa wall ng closet nya  para di sya kaagad makatakas rito.
"You know damn well why I'm here cheenna. "Mariing wika nito.
"And you know damn well that this is wrong Mr Altamonte! "Galit ding singhal nya rito. Nanghahamon ang kanyang mga titig sa lalaki.
"Why you are making things difficult for us Cheenna? Why you are acting so stubborn? Don't you know what I'm trying to fight for? Us! I want us to be back together and live our life. Even if you won't tell me whose son Alexus is, I know in my heart that he's mine! "Galit nitong sabi pagkatapos mabilis nitong tinungo ang pintuan at saka lumabas ng walang paalam. Napaigtad pa sya ng sumara iyon ng malakas. Tanging nakasarang pintuan na lamang ang kanyang napagmasdan ng sundan nya iyon ng tingin.
Natameme sya sa kanyang narinig rito. Di nya aakalain na ganun kasidhi ang intention nitong buuin ang kanilang pamilyang dapat sana noon ay buo na kung di lamang sa ina nito.
   Kaya nyang angkining muli ang lalaki ng walang kahirap hirap ngunit di nya gagawin dahil ayaw nyang maging sanhi na nman ng malaking isyu na maaaring makaungkat sa pinakatago-tagong lihim ng kanilang pamilya. At lalong ayaw nyang makaladkad ang kawawang anak sa publiko. Bata pa ito para humarap sa anumang eskandalong maaaring kahaharapin. Ayaw nyang masaktan ito ng ibang tao.
    Matapos syang magsenti sandali, mabilisan nyang inayos ang sarili sa hrap ng salamin at nagbihis. Alam nyang di nya na madadatnan ang lalaki sa labas dahil nagwalk out nga ito sa room nya. Naisip nyang magpunta sa Moa at magliwaliw doon ng ilang oras. Mabawasan man lang ang bigat na nadarama nya. Ayaw nyang madatnan sya ng ganoon ang mukha pagkadating  kanyang anak mamayang hapon.
   Matamlay syang lumabas ng kwarto saka tinungo ang sala at patamad na ibinagsak ang katawan doon. Mamaya na sya aalis. Napatitig sya sa kawalan pagkaupo nya, nakatulalang nakaupo doon. Blanko ang isipang naipikit nya ang mga mata. Nagbabakasakaling makatulog sya kahit ilang minuto, mapagpahinga man nya lamang ang isipan.
"What are you doing? "May pagkarough na tanong ni Andrex sa kanya.
Napabalikwas nman sya ng tayo sa kanyang kinauupuan sabay dilat ng mga mata sa pagkagulat nya rito. Di nya akalaing naririto pa pala sa loob ng kanyang pamamahay ang lalaki. At base sa kanyang mukha mukhang nagluluto ito kasi nakasuot ito ng apron at may disgustong nakalarawan sa gwapo nitong mukha habang nakatughay sa kanya.
"Wh-what are you doing here?! "Kandautal nyang tanong rito matapos makabawi sa pagkabigla.
"Did you think I leave the house? "Nang-uuyam nitong palatak. Kaya sa muli ,muli syang natameme. Di na talaga sya nito lulubayan ng insulto.
"I just didn't expect to see you again  after your dramatic walk out. "Pagkibit balikat nyang wika sabay pasalampak muli sa kinauupuan nyang upuan at muling naipikit ang mga mata. Ayaw nyang makipagtalo pa rito. Napapagod syang makipagtalo sa lalaki dahil di rin nman sya nananalo rito.
"Get up and go in the dining. You need to eat the breakfast I prepared for you. You don't look healthy. How are you going to take care of our son if you're going to be sick? "Walang kangiti ngiting wika nito.
"It's not your concern! "Pagmamaldita nyang wika rito. Naiinis sya sa kalamigan ng pakikitungo nito. Nagdadabog syang nagtungo papunta ng dining room. Ayaw nyang marinig pa ang ibang sermon nito sa kanya.
"Not my concern?! God cheenna! I didn't wish to have unhealthy family! "Galit syang sinundan nito sa dining room.
"You and your stupid tantrums will put you and our son in a danger way! "Inis nitong patuloy.
Umupo sya sa upuan at walangkagana-ganang tiningnan lang ang mga hinanda nito. Ni-raid nito ang laman ng kanyang refrigerator. Di nya alam marunong itong magluto. Madami pa nman itong hinanda. Sinangag, hot dog, sunny side up eggs, bacon, toast bread at fresh juice and fruits. Tila limang tao ang kakain. Di pa nman sya mahilig kumain sa umaga. Tanging bread at coffee lang ang laman ng tyan nya sa umaga.
"The food won't finished if you don't eat it. "Pigil ang ngiting untag nito sa kanya.
"I'm not hungry. I'll just have coffee-"aniya ngunit mabilis iyong pinutol ng lalaki.
"I said you-will-eat this! "Mariin at puno ng awtoridad ang boses ng lalaki habang sinasalinan nito ng mga pagkain ang plato sa harapan harapan. Napapatirik nya ang kanyang mga mata sa sobrang bossy nito. But deep inside kinilig ang naglalandi nyang puso .

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon