Chapter 1

3.3K 77 1
                                    

Makalipas ang isang buwan....

"Sister.... wag nyo po akong iwanan. Lumaban pa po kayo para sa akin. Paano na po ako kapag nawala ka pa? "Ang umiiyak nyang turan sa nakaratay na madre.
  Simula ng magkamulat sya sa bahay-ampunan. Ito na lang ang tanging naggugol ng pagkalinga sa kanya.
  Minahal sya nitong parang sariling anak. Ginabayan hanggang sa syay magtapos sa kolehiyo.
Ito ang nagpaaral sa kanya.
   Kaya ng malamang muli itonh isinugod sa hospital. Tarantang nagtungo sya sa kinaroroonan nito.
"Cheena,di ka na bata para gabayan pa. Lagi mo lamang tatandaan na hwag kang gumawa ng makakasama sa ibang tao. Kapag sinaktan ka nila wag mo silang saktan din. Hayaan mo sila. Basta dapat kang mahinahon sa lahat ng oras saan ka man naroroon. "Ang malumanay nitong saad.
Hinimas nito ang mga palad nyang nakahawak sa isang braso nito.
"Pero sister, ikaw lang po ang meron ako. Sino na po ang tatakbuhan ko kapag nalulungkot ako at gusto kang makausap? "Ang wika nya na pigil maging sobrang emosyunal sa harap nito.
"Lagi kitang gagabayan Cheena.. basta nasa puso mo ang Panginoon di ka pababayaan ng nasa taas. Manalig ka lamang anak... "ang napangiti nitong turan.
"Sundin mo ang nais mong gawin. Kung anung nasa puso mo gawin mo. Tulungan mo ang mga bata sa bahay ampunan. Isa ka sa makakatulong sa kanila. "Pagkasabi. Ginagap nito ang kanyang pisngi pahaplos sa buo nyang mukha.
Napaiyak syang lalo. Di napigilang wag sumambulat ang pigil na emosyon.
"Sister...... kung may magagawa lamang ako para pahabain pa ang iyong buhay gagawin ko po. Pero kung nais ka na talagang kunin ng nasa taas ipapaubaya na po kita. Saan ka man tutungo narito ka lang sa aking puso sister Mary.. "ang emosyunal nyang wika rito.
Nilapit nyang upuan at niyapos ang katawan ng madre.
Nasanay sya na palaging kasama ang madre saan man sya magtutungo noon para tumugtog ng piano.
    Ito ang nag-engganyo sa kanyang ipalabas nya ang kanyanh angking talento sa pagtugtog ng piano.
   Mag-iisang taon na syang nagtutungo saan man charity ng bahay ampunan para tulungan ang mga itong makalingap ng halaga para sa bahay kalinga.
   Naramdaman nya ang paghagod nito sa kanyang likod saka ito muling nagsalita ng pilit nitong itinaas ang kanyang mukha.
"May ibibigay ako sayo cheena. Ang mga bagay na ito ang susi sa iyong pinagmulan. Ikaw na ang bahalang tumuklas kung saan ka galing ay sino ang mga taong nauugnay sa iyong pagkatao. "Ang marahan nitong wika saka sumulyap sa katabing mesa.
Sinundan nya ang tiningnan nito. Nakapatong sa taas ng mesa nito sa tabi ng bed ang isang may kalakihang gold box.
Nagpilit itong abutin iyon ngunit di nito makuha dahil nanghihina na ito. Kaya maagap syang tumayo at kusa iyong kinuha sabay abot sa matanda. Umiling ito. Di tinanggap ang box.
"Para sa iyo yan iha. Patawarin mo ako kung ngayon ko lang nasabi. Hindi kita nakita sa labas ng ampunan. Iba ang nakakita sayo noon. Ngunit pangalan ko ang nakalagay sa basket para sa baby ng madampot ka ng ibang madre. Inisip nilang kakilala ko ang nag-iwan sayo kaya ako ang pinagbilinan sayo ng taong nag-iwan sayo sa ampunan.
Lahat ng mga bagay na binigay ko sayo, ang pagpapaaral di sa akin nanggaling kundi sa misteryosong tao na nagpapadala ng pera sa akin every six months. Lahat yan nasa kahon. Tingnan mo na lamang. "Ang nanghihina na la nitong saad. Umubo ito at kinapos ng hininga kaya nataranta sya.
"Sister! Please lord wag mo po munang bawiin si sister Mary. Maawa po kayo sya lang ang tanging nagmamahal sa akin. "Ang napahagulhol bulalas kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha.
  "Sister please Lumaban po kayo sa inyong sakit! "Ang pakiusap nya kahit hilam ang luha sa mata at di nya na naaninag masyado ang mukha nito.
  Maya maya nagdatingan ang mga doktor. Napatayo sya ng magkagulo ang mga ito dahil nag-isang guhit na lamang ang heart beat nito hanggang tuluyan na itong binawian ng buhay.
   Impit syang humagulhol ng makitang umiling iling ang mga doktor na nagtangkang pabalikin ang pulso ng madre.
  Napasalampak sya sa isang tabi ng silid habang nagdadalamhati. Masakit sa kanyang tanggapin na wala na ito. Ngunit kelangan nyang tanggapin ng maluwag sa kanyang dibdib dahil sa munting pintig na nasa sinapupunan nya. Di nya na nasabi kay sister Mary ang tungkol sa kanyang dinadala. Mamahalin nya ito gaya ng pagmamahal nito sa kanya noon pang sanggol pa lang sya hanggang ngayong binawian na ito ng hininga. Lahat ng sinabi nito gagawin nya alang alang sa anak at sa yumaong ina inahan nya.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon