Halos magpang-abot ang mga kilay ni andrex sa kanyang nasaksihan.
Si cheena may kasamang ibang lalaki. Nagyakap ang mga ito at humalik ang bagong dating na lalaki sa pisngi ng dalaga.
Nasa studio sya ng mga cayabyab hinahanap si Clarence dahil may kukunin sya rito.
Di nya inaasahang makikita ang babae rito. At worse nahuli nya pang nakipaglandian sa ibang lalaki.
Kuyom ang kamaong nilapitan nya ito sa isang bahagi ng silid.
Mag-isa na lamang ito dahil umalis ang lalaki kayakapan nito. Ganito na ba ang babae kasalawahan? Alam ba ni Clarence ang pinaggagawa ng girlfriend nito?
Napapangiti nman si cheen ng makaalis si Gustavo. Wala talaga itong kadala dala inaaya na nman syang makipagduet rito sa isang party raw na kumuha ng service nito para tumugtog ng love song para sa mag-asawang magdiriwang ng anibersaryo.
Di sya nito pinalampas na wag humawak ng piano kahit isang buwan lang. Magkasama sila sa Amerika noon sa isang theater. Nagstay ito ng tatlong buwan roon saka bumalik ng pilipinas sya nman nagtuturo ng piano sa isang school sa amerika. At ngayon nga ay nagbabasyon sa pilipinas.
Summer roon kaya wala ng pasok ang anak. Pinauwi sila ng kanyang ina dahil malapit na ang wedding anniversary nito sa asawang si Richard.
Meron syang kapatid na kambal sa ina samantalang sa ama tanging si Clarence at Clare lamang.
Mas malapit sya sa dalawq kesa sa kambal na anak ng ina. Pawang babae ang mga iyon. Kaso medyo mailap sa kanya. civil lang rin ang trato ng step father nyang si richard Torres isang director at share holder sa isang kilalang tv network sa pilipinas.
Napapitlag sya ng may magsalita sa kanyang likuran.
"Am not expecting na mahuhuli kitang may kayakapang iba habang wala ang boyfriend mo! "Ang wika ni andrex matalim syang tinitigan.
"Am sorry? "Aniyang napataas pa ang kilay ng lingunin ang unexpected visitor ng studio nina Clarence.
"Oh don't try to deny...I saw it with my own eyes. God! You're cheating my friend! "Bulalas nito saka tiningnan sya ng masama.
"Wag mo akong husgahan basi lang sa nakita mo andrex! Dahil di mo ako kilala!"may diing wika nya rito. Pigil tumaas ang kanyang boses rito.
Pinaparatangan sya nitong ginagago si Clarence? Parang gusto nyang matawa ngunit pinili nyang di itama ang nasa isipan nito. Mabuti na iyong malagay sa isipan nitong pag-aaari sya ni Clarence para di na ito magtangkang lumapit sa kanya.
"Di nga ba kita kilala cheen? "Ang wika no nitong may ibig ipahiwatig.
"What do you mean? "Ang baling nya rito.
Nakita nyang sumilay ang nakakainsultong ngiti nito sa labi.
"Di na ako magtataka kung pinagsabay mo ang dalawang lalaki sa buhay mo. Bakit di pa ba sapat si Clarence sayo at nakuha mo pa syang lokohin? Anu bang naibibigay nung lalaking kayakapan mo na di naibigay sayo ng kaibigan ko cheena?"wika nitong tiningnan sya mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa harapan nya. Wala sa loob na napatingin rin sya roon. Nanlaki sya ng makitang naalis ang pagakabuhol ng button sa ohales kaya masisilip na ang kanyang cleavage sa suot na polong puti.
Mabilis sa alas kwatrong ibinalik nya uli ang button sa ohales.
Saka inayos ang damit at tumayo ng maayos. Nakataas ang mukhang hinarap ang lalaki.
"Di ko papatulan ang pang-iinsulto mo Mr altamonte kaya maiiwan na kita. "Kalmadong wika nya rito. Akmang iiwanan ang kaharap ngunit mabilis sya nitong naharang.
"Not so fast sweetheart. "Anitong napangisi.
"Pwede ba, wala akong mapapala sa kahaharap sayo. Magsasayang lang ako ng laway sa mga gaya mong marumi ang pag-iisip! "Asik nya rito.
"Whoa! Talaga? Alam mo kung ligaya sa kama ang hanap mo pwede kitang pagserbisyuhan tutal ako nman ang una mong pinagbigyan ng iyong sarili no--"anito na di na natapos pa ang iba nitong sasabihin. Dahil umigkis ang palad ni cheena padapo sa pisngi ng lalaki.
Halos tumabingi ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal nya rito.
Nagulat nman sya sa nagawa rito but he deserve it. Wala itong respito sa kanya. Komo ba naibigay nya noon ang sarili dito pwede na sya nitong bastusin!
Namula ang pisngi nitong nasampal nya. Madilim ang mukhang marahas na bumaling sa kanya.
Napaatras sya ng makitang madilim ang mukha nito. Hinawakan sya nito sa mga bisig saka bahagyang niyugyog.
"Bitch! Ikaw pa lang ang sumampal sa akin. "Ang galit nitong asik sa kanya.
"You deserve it! "Ang taas noong wika nya. Galit na rin sya sa kaharap. Di sya nagpatinag rito dahil na wala syang ginagawang masama. Talagang marumi lang ang isip ng kaharap nya.
"Alam mo bang may kabayaran ang pagdapo ng palad mo sa mukha ko? "Ang napangisi nitong sabi.
Nakaramdam nman sya ng panghilakbot . Di nya alam na lalabas ang bad side ng lalaki. Napatawa pa ito ng mala demonyo. May malisyang pinasadahan sya ng tingin.
"Alam ko! Limang daan lang nman ang katumbas ng sampal ko sa mukha mo. Bakit di ko bigyan ng isa pang sampal ang kabila para maging isang libo na! "Ang wika nyang inuubos ang natitira pa nitong timpi sa sarili. Tutal mala demonyo na din nman ang kaharap bakit di nito ipalabas ang tunay nitong kulay.
Lalong naningkit nman ang mata ni andrex sa narinig mula sa babae.
Gigil nya itong hinala palapit kaya halos sumubsob si cheena sa malapad nitong dibdib.
. Naramdaman ni cheena na hinawakan ng lalaki ang panga nya paharap rito.
Galit nmang sinalubong nya ng tingin ang galit ring lalaki. Pilit kumuwala ang mukha mula sa mahigpit nitong hawak. Ngunit mahigpit itong pigil ng lalaki. Ramdam nyang sakit ng panga. Alam nyang babakat ang daan ng daliri nito sa mukha Kapag binitiwan sya nito.
"Matalas ang tabas ng dila mo! Di na ikaw ang cheena na kilala ko noon. Ang isang mahinhin na babae! God! Nagkamali akong minahal kita noon! But nakaraan na iyon at ngayon ibang cheena na ang kaharap ko kaya you doesn't deserve to be treated like a precious gems! "Pagkasabi sinakop nito ng marahas ang kanyang labi. Gigil syang hinalikan hanggang malasahan nya ang dugo sa labi.
Nanulak sya at nangalmot sa lalaki dahil sa parusang halik nito ngunit tila wala man lang epekto ang ginawa nya rito.
BINABASA MO ANG
YOU BELONG TO ME
Roman d'amour#1-secretrevealed #1-childbirth #2-demanding #2-domineering #3-familysecrets #10-forcedmarriage Napapitlag sya ng may magsalita sa kanyang likuran. "I am not expecting na mahuhuli kitang may kayakapang iba habang wala ang boyfriend mo! "Ang wika ni...