Chapter 22

1.8K 48 0
                                    

  Hinayaan nya ang lalaking manatili sa kanyang bahay. Dahil kahit pa siguro ipagtulakan nya ito palabas di pa rin ito aalis.
    Nang kampamte na itong pumwesto sa kanyang sala sya nmang pagsilip ni gustav sa connecting door mula sa place ng lalaki.
   Tinanguan nya lamang ito saka walang ingay na iniwanan nya ang lalaki sa sala. Nanunuod ito ng sport games kaya di sya nito napansin na umalis.
Sumunod sya sa kaibigan para harapin ang bisita nilang magkaibigan.
Well isang concert organizer lang nman ang kanilang kakausapin.
Kukunin ang kanilang serbisyo ni Gustavo sa darating na malaking concerts ng mga sikat na artista.
   
   Inabot ng halos isang oras ang pag-uusap nilang tatlo. Nagkukwentuhan na lamang sila ng mapansin ng organizer ang isang taong lumabas sa connecting door mula sa place nya.
"Dr.  Altamonte! Fancy seeing you here! "Ang gulat na wika ng organizer na si Dalton Perez. Napunit ang magandang ngiti nito sa labi. May nagtatanong na tingin ang mga mata nito sa bagong dating.
Napalingon sila pareho ni Gustav sa lalaking papalapit sa kinaroroonan nilang tatlo sa sala.
Serious ang mukha ng lalaki habang papalapit.
Nagkatinginan silang dalawa ng kaibigan.walang namutawi sa kanilang mga labi.
Nakadama sya pagkabahala dahil Hindi nya alam ang maaaring gawin or sabihin ng lalaki.
Kaya bago pa man ito makalapit napilitan syang tumayo at sinalubong ito. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa lalaki kung bakit ito naroroon.
Ngunit balewala lang ang nagtatanong nyang tingin rito.
Bagkus hinapit sya nito sa bewang at nagpatuloy sa paglakad palapit sa dalawa.
Napatingin sya kay Gustav na may lihim na ngiti sa mga labi. Pinandilatan nya ito ng mata.
Gosh! Tila gusto nyang magwalk out roon. Pinamulahan sya ng pisngi ng masalubong ang mga nakaiintrigang tingin ng organizer.
"Am just visiting someone special. "Ang kalmadong wika ng lalaking katabi ng makalapit sa dalawa.
Tumayo si Dalton at nakipagkamay kay Andrex.
"What brought you here Dalton? "Ang narinig nyang wika ng lalaki. Naramdaman nyang mas lalo pa syang hinapit nito palapit sa mainit na katawan.
Wala sa loob na napabaling sya rito ngunit ang mata nito ay matamang nakatuon sa organizer.
"Well I discuss some details about the upcoming concerts of big personalities in showbiz industry. "Anitong ngumiti Kay andrex.
Nagpalipat lipat ang tingin nito sa ayos nilang dalawa kaya agad nyang tinama ang nasa isipan nito.
Gosh! Ayaw nyang lumabas ang mukha nya sa anumang showbiz gossip sa news papers bukas . Dahil siguradong makakalkal ang kanyang pinagmulan.
"He's college friend dalton. "Ang pagbinigay alam nya kahit di ito hayagang nagtanong.
Napataas lang ang kilay ng lalaki at napangiti sa kanya.
"Well, it's late.  I think I better go now.  Thanks for accepting my request guys. "Anito saka tumayo at kinamayan si Gustavo saka ito lumapit sa kanya at walang babalang humalik sa pisngi nya.
Nagulat sya sa ginawang iyon ng lalaki ngunit mas nagulat sya sa sinabi ng lalaking katabi.
"What the heck is that?! Why you kiss her?! "Ang matalim na wika ni andrex sa lalaki.
"Andrex! "Ang bulalas nyang wika.
Napatayo nman si Gustavo at napalapit sa kanila.
Ayaw nyang gumawa ng gulo ang lalaki kaya agad nyang hinila ang lalaki papasok sa kanyang bahay.
Pagkasara na pagkasara ng pintuan inis nyang hinarap ang lalaki.
"Anu bang problema mo bakit ang init ng dugo mo kay dalton? "Ang gigil nyang wika rito.
"You're mine Cheena. Only mine. I don't share my woman! "Ang mariin at may diing wika nito sa kanya.
"God, Andrex! Are you jealous? He's our organizer, not one of my men! "Ang galit nyang asik rito.  Inuubos nito ang kanyang natitirang pagtitimpi. God! The guy is a possessive freak!
"The hell! Am gonna break his neck if ever I saw him  kissing your cheek again! "Ang mataas na boses nitong wika.
"What's mine is only mine chenna. I don't share! Put that in mind!"pagkasabi sinaklit sya nito sa bewang at binigyan ng mapagparusang halik sa labi.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon