Chapter 8

2.1K 53 1
                                    

   Napatiim baga si Andrex habang patungo sa kanilang tent. Gulat at pananabik ang una nyang naramdaman ng makita ang dating nobya.
Ngunit pinatay nya ang damdaming iyon ng malamang konektado ito sa kanyang kaibigan. Nang makita kung gaano nag-alala ang kaibigan sa babae naisip nyang girlfriend nito or maaaring asawa ang babae.
   Di ito ganun magpahalaga ng babae kapag di nito kasintahan.
Gusto nya sanang sumbatan ito kung bakit basta na lang itong nawala at di na nagparamdam sa kanya.
    Pinahanap nya ito ng makauwi galing sa ibang bansa ngunit di nya ito nakita sa dating tinutuluyan nito. Patay na rin yung sister na nag-aruga rito at di rin nman alam ng mga madre ang kinaroroonan ng babae. Sumusulpot raw lang ito kapag naiisipan ng babaeng dumalaw roon.
  Nagpalit rin ito ng number kaya wala syang alam kung saan ito hahanapin hanggang muli syang pinadala ng ama sa amerika para magpakadalubhasa sa paggagamot.
Ngayon isa na syang ganap na doctor.  Nirerespito sa kanyang tungkulin at malapit ng ipakasal sa napiling babae ng mga magulang para sa kanya.
  Napilitan na lamang syang suman-ayun sa kagustuhan ng mga ito dahil ayaw nyang bigyan ng sama ng loob ang ina.
   Marahas syang napahugot ng hininga saka marahas ring ibinuga sa kawalan.
Kelangan nyang makuha ang kasagutan kong bakit bigla na lamang pinutol ng dalaga ang komunikasyon nila noon. Meron na silang unawaan na magpapakasal pagbalik nya ng pilipinas ngunit nawala itong parang bula sa buhay nya.
    Dalawang taon ang nakalipas bago nya natanggap na di sila para sa isat isa. Ngayong naka move forward na sya muli itong nagpakita sa kanya.

"Cheen, are you ok? How do you feel now? Bakit ka ba namutla? Malakas ka kanina ng umaga hanggang tanghalian sa charity tapos kanina para kang may kinakatakutan.  "Ang untag sa kanya ni Clarence  habang nasa kahabaan sila ng trapiko.
"H-huh? Y-yes, am alright now. Thanks for caring bro... Di nman sa may kinakatakutan ako anu. Medyo nanibago.lang Siguro ang katawan ko "ang madamdaming wika nya saka tipid na ngumiti rito.
"Wala yun. Mahalaga ka sa akin, sa aming lahat Cheen. Pati si Lexus.... kayong dalawa ang nagbigay ng saya sa buhay nmin. Kaya ayaw kong nakikita kang malungkot or magkakasakit. Alagaan mo ang sarili mo.  "Anito. Ginagap ang kamay nya saka bahagyang pinisil.
  "Thanks! Am happy that am part of your family now. Grateful too I have two loving families inspite of everything. Kontento na ako sa anumang meron ako ngayon. Kayo ng pamilya ko ang mahalaga."wika nya na pilit pinasaya ang mukha ngunit halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Oo nga pala maiba ako. Kilala mo na ang kaibigan kong si Andrex Altamonte? "Ang tanong nito.
"H-huh? O-of course no! Kanina ko lang sya nakita. "Pagkatanggi tanggi nyang sabi rito.
"Bakit defensive ka masyado dyan. Nagtatanong lang kasi kanina napansin kong para kayong nagulat at natigilan sa isat isa  ng magtama ang mga paningin nyong dalawa. "Ang natatawa nitong wika.
"Ganun? Ikaw ba nman ang nawalan ng ulirat tapos pagmulat ng mata mo gwapong mukha ng doctor ang mabungaran mo di ka matutulala? "May himig birong saad nya rito. Para maitago ang totoong nararamdaman.
"So nagwagwapuhan ka sa kanya ganun? It means to say crush mo si Andrex? "Tudyo na nito.
"Hindi ah! Matanda na ako para magkacrush crush noh?!"napairap nyang sabi rito.
"Sus ito nman! Matanda na raw pero pinamulahan pa rin ng mukha! "Ang pang-aasar nitong wika sabay tawa ng malakas kaya nainis syang hinampas ito.
"Ouch! Madidisgrasya tayo mamaya cheen. "Anito na nangingiti pa rin.
"Tse! "Sabi nyang pilit tinatago ang pamumula ng pisngi rito.
Nangingiti pa rin si Clarence  habang nagmamaneho.
Diretso sila sa malaking bahay ng mga cayabyab. Nang maipasok ng binata ang sasakyan nito agad silang sinalubong ng nakangiting si Lexus na habol naman ni Clare.
"Daddy Clarence, mama! "Ang sigaw ng tumatakbong si Lexus.
Malawak nman ang ngiting inuumang ng binata ang mga bisig para salubungin ng yakap ang batang makulit.
"Ha,pagod na pagod na ako ate cheen kakahabol dyan sa bayang iyan! "Todo hingal ni Clare na sabi  ng makalapit ito sa kanila.
Humalik ito sa pisngi nya saka lumapit at humalik rin kay Clarence.
Karga karga nman ng binata ang anak ng humalik ito sa kanyang pisngi sabay yakap.
"Miss you mama.. "ang malambing nitong wika sabay pisil sa kanyang ilong.
"Hmmmm, miss you too baby. "Ang malambing nya ring wika.
"Am not a baby mama! Sabi ni tita Clare young man na raw ako at di na pwedeng tawaging baby!"protesta nito. Sabay naman silang napabaling ni Clarence rito. Nagpapacute lang itong nagsign peace sa kanila.
"Kasi nman ate eh. Kelangan we'll treat him like big boy na para naman madali syang magmature! "Ani nito.
"Diba young man? "Wika pa uli nito saka bumaling sa anak.
"Of course tita! Ako kaya ang gugulpi sa suitors mo kapag di ko type! "Ang tila sanggano nitong wika sabay labas ng maliliit na muscles nito sa braso.
di nila napigilang wag mapatawa sa sinabi nito.
"You have a point baby. We'll kick Clare's suitor ass if he is won't behave well. "Sabi rin ni Clarence na sinang-ayunan ang anak nya.
"Enough guys! Wag nyong gawing bad boy yung baby ko Kasi magagalit ang mga  lolo at lola nyan.. "may ngiti sa labing sabi nya.
"Speaking of lolo and lola, where are they now?"tanong ng binata sa kapatid na si Clare.
"Mama and papa went out. They'll come back later. "Anito na agad kinuha ang k a may ng anak matapos nitong magpababa sa Tito Clarence nito.
"Ganun ba. Tara cheen pasok muna tayo sa loob. Clare tell nana Ana to made some snacks."utos nito sa kapatid.
Tumango lang iyon saka muling nakipaghabulan kay Lexus tila walang kapaguran ang mag ito sa pagtakbo.
Napapailing nman ang binata na ng nakasunod din pala ang mata sa dalawa.
"Hayy paano mag mamature si Clare kung kaharap nya parati si Lexus! "Komento nya.
"Kahit nman wala si Lexus immature pa rin yan cheenna! "Nakatawang saad ni Clarence.
"Bad brother! "Ang napatawa rin nyang sabi.
Masaya silang pumasok sa loob at nagkwentuhan ng ibang bagay. Masasabi ni cheen na wala na syang mahihiling pa maliban sa isang bagay na di pwede mangyari dahil meron hahadlang sakali man.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon