Chapter 5

2.3K 55 0
                                    

Di nya inaasahang magkakadaupan palad pa muli si Clarence Cayabyab. Nang sumunod na mga araw.
    In-invite silang dalawa ni Gustavo sa birthday party ng father nito. Nakiusap itong tumugtog sila sa party ng ama bilang sorpresa nito. Tutugtog rin daw ito pero gusto nitong maliban sa kanya meron pang ibang aaliw sa mga bisita.
     Ayaw nya sana ngunit mapilit si Gustavo. Ani nito break na nilang dalawa yun para lalo pa silang makilala sa larangan ng musika.
Maraming malalaking tao ang dadalo sa parting iyon. Dahil isa ring sikat na pianista ang ama ni Clarence. May ari ito ng isang ahensyang nangangalaga ng mga artista at music artist.
      Sa muli naghanda silang dalawa ni Gustav. Ito ang pumili ng gown nya. Para raw bumagay sa isusuot nitong tuxedo.
   Dinala sya nito sa isang kaibigang make up artist. Pinaayos ang kanyang mukha. Para nman raw ma -mesmerized nya ang mga guest na dadalo sa party.
   Nang gabing iyon naisipan nyang isuot ang bigay na kwentas sa kanya ni sister Mary. Wala syang ibang accessories at tanging iyon lang ang nakikita nyang babagay sa suot na gown.
"Whew! Tila Gusto kong mainlove sayo Cheen! "Ang wika ni gustav na may halong pagbibiro.
"Heh! Di tayo talo Gustavo! "Ang natatawa nyang saad rito.
"Sige na nga, sasabihan pa sana kita ng aking mga papuri sayo ngunit nagbago na ang isip ko! "Ang halakhak nitong wika ng alalayan sya pasakay sa car nitong dala.
"Kahit di mo na sabihin, OK lang. Di ko nman kelangan ng mga papuri noh.! "Ang napairap nyang sabi rito. Lalo lang itong napatawa ng malakas na sinabayan nya rin kalaunan.
  Nakaabrisyete sya sa bisig nito ng pumasok sila sa five star hotel na ginanapaN ng party.
  Marami ng mga bisita ang naroroon ng dumating sila sa party hall ng hotel.
  Agaw pansin pa ang pagpasok nilang dalawa. Kaya di nya napigilang wag bululong sa kasama.
"Para nman akong malulusaw sa mga tingin nila Gustav. Nakakailang. "Ang medyo kinabahan nyang usal rito.
"Maganda ka kasi kaya di nila mapigilang wag kang titigan. Don't Worry di nman kita pababayaan rito anu. "Ang malambing nitong sabi na bahagya pa syang nginitian. Hinaplos ang kamay nyang hawak nito.
   Pumunta sila sa gilid ng platform na nagsilbing stage. Naroon na ang malaking piano. Nakapwesto sa tabi.
Sa gitna ng bulwagan nakalagay Ang higanteng cake para sa ama ni Clarence na may malaking picture nito.
Said gilid nman bandang left side. Naroon ang pyramid tower ng champagne. Sa right side ang wines nakahilera. Lahat nakalibing sa bucket of ice. Doon rin nakahilera ang buffet style foods. Medyo paikot ang form ng mga tables ng guests paharap sa stage.
    Umupo sila sa kanilang table malapit lang rin sa stage. Hinatid sila ng mga seksing asyerets.
"Thanks God you're both here. We need to change some songs to play. My father have guest guys! Miss Meredith Salonga. The best singer in town!! Ang pagbibigay alam nito.
"Are you kidding me Clarence?! "Ang bulalas ni Gustavo rito.
"Of course not! "Ang napatawa nitong sabi.
Idol ni Gustavo ang nasabing singer. Kahit may edad na ito sa music industry. Wala pa ring kupas ang boses nito.
Nakadama nman sya ng kaba sa kaalamang maari nyang makaharap ang famous  singer.
    Bigla syang nakadama ng panliliit. Di sya masyadong confident sa kanyang boses. Ayaw nyang mapahiya sa harap ng mga bisita.
"Are you ok cheen? "Baling ni Clarence ng mapansin syang tense.
"Di ba nakakahiyang aawit kami mamaya sa harap ni Miss Salonga? "Ang alanganin nyang tanong rito.
Napatawa ito ng bahagya bago sya sinagot. "Wala ka atang bilib sa iyong sariling kakayahan. Actually di nagkakalayo ang boses nyong dalawa kaya ng in-arrange ko ang duet nyong dalawa."sabi nito. May matamis na ngiti sa labi.
"Oh no, you're joking right?! "Ang di makapaniwala nyang bulalas. Lalong bumilis ang kabang naramdaman. Di nya malaman but ganun na lang ang kanyang kaba.
May kutob syang may mangyayari sa kanya sa gabing iyon.
"Wow!that's great Clarence.! Kayang sabayan ni cheen ang boses ni Meredi."ang bulalas na singit ni Gustavo sa usapan nila.
Nanlalaki ang matang natitigan nya ang dalawang lalaki sa harap.
"So be prepare guys. Party will start any moment."anito bago nagpaalam sa kanila dahil may kumaway rito na babae.
"Gustavo, parang Gusto kong umatras. Kabado na kaya ang pakiramdam ko ngayon. "Ang sabi nya rito.
"Don't be. Anu ka ba,ito na ang break para sayo. Malay mo may mag-alok sayo rito ng malaking opportunity sa music world. "Anito.
"Ah basta kabado pa rin ako. Baka di ako mamaya makaawit sa stage or baka biglang manigas ang kamay ko sa keyboard. "Nag-aalala nyang turan rito.
"Take a deep breath sweety. Anu ka ba masasayang yang ganda at talento mo kapag di mo suot suot ang lakas ng loob!!"pagpapatawa 'nitong wika.
Bahagya syang napangiti. Nabawasan rin kunti ang alangang pakiramdam.
    Napalingon sila sabay ni Gustav sa host ng party. Nagsalita ito sa harap at inumpisahan ang birthday celebration ng ama ni Clarence ng sa wakas umupo na ito sa table na para rito.
   Kasama nito sa mesa ang asawa marahil nito at isang magandang dalaga sa tabi ng ginang.
Di nya nakita si Clarence roon.
Iyon pala, nakapwesto na ito sa harap ng piano at nagsimulang tumugtog.
    Proud na nakatingin ang ama nito sa lalaki. Di nya alam bakit parang may selos syang naramdaman sa pagtitig nito kay Clarence. Marahil nainggit lang sya na may isang ama na proud na nakatunghay sa anak na tumutugtog ng magandang musika sa kaarawan nito.
Ipinilig nyang ulo saka inilayo rito ang tingin. Nang may marinig syang komosyon sa likuran nila. sabay pa silang napalingon ni Gustav.
     Parehong natulala ng makita si Meredith salonga na papalapit sa table ng celebrante. Naupo ito roon matapos magbeso sa may bahay ni Mr Cayabyab.
    "Come on cheen, it's our turn to hit the stage! "Bulong ni Gustav sa kanya.
Napatingin sya sa kamay na inilahad nito. May ngiti sa labing tinanggap iyon inilalayan syang makatayo. Sumabit ang gown nya sa paa ng upuan kaya medyo yumuko sya ng alisin iyon. dahil sa pagyuko naexpose ng maigi ang suot nyang kwentas. Di nya na muli iyong inayos. Wala na syang time na ibalik iyon sa tamang pagkakasuot sa leeg. Itinago nya kasi ang pendant nitong diamond para di agaw pansin sa mga tao.
     Pagkaakyat agad silang naupo sa harap ng piano.
Muli silang nagduet ng awit na request ni Clarence. I love you. Paboritong awit ng mga magulang ng lalaki.
Masigabong palakpak ang binigay ng  guest sa kanila.
   "Wilson, do you know that girl? "Ang agaw pansin ni Meredith sa lalaki. Nakatuon ang pansin nito sa dalawang nasa stage nakangiting yumukod sa guest ng matapos tumugtog.
"No. I only see her now. Clarence did organize the invited musicians. "Anito di pa rin inaalis ang mata sa dalaga.
"I think she's a friend of Clarence dad. "Singit ni Clare sa usapan.
"I know Gustav. He's a friend of my son since high school. "Muling sabi ni Wilton.
"She's talented. She have this powerful voice just like you Meredith. "Komento ni Clara ang maybahay ni Wilton.
Manghang napatingin si Meredith rito. Pero di nagsalita.
"Actually she's bit similar to you too. "Ang muli nyang narinig na wika ni Clara.
"Honey, people sometimes have similar face to someone who they're not related. "May ngiting sabi ni Wilton sa asawa. Napasulyap sya kay Meredith. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa babaeng pababa ng stage at patungo na sa upuan para sa mga ito.
"I want to meet that girl dad. I'll tell Clarence to let her come in our table. "Ang biglang sabi ni Clare sa kanila.
Napako ang tingin ng tatlo rito saka kay cheena na noon ay masayang kausap ni Clarence.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon