Chapter 7

2.1K 49 1
                                    

After four years....

  Masayang pinagmasdan ni Cheena ang mga batang tuwang tuwa sa mga school supplies na kanilang natanggap.
    Kanya kanyang labas ang mga ito ng school things sa loob ng  bag na  kasamang ibinigay para sa mga batang nasa kalinga ng isang malaking charity organizations sa ibat ibang panig ng pilipinas.
     May isang linggo pa lamang siyang dumating sa pilipinas. Mahigit tatlong  taon syang namalagi roon. May magandang trabaho at masayang pamilya.
     Nagbabakasyon lamang sya sa pilipinas ng dalawang buwan para mapagbigyan ang kahilingan ng isang mahalagang tao sa kanyang buhay.
   Inalis nya ang pansin sa mga bata. Naglakad lakad sya sa kahabaan ng charity events. Nasa isang tent sya ng nagbibigay ng libreng mga gamit sa mga bata.
Malawak ang pinagdausan ng charity. Isa sa mga kasapi ng organization ay ang ina ni Florence. Ngunit dahil masama ang pakiramdam nito. Si Florence ang naging representative ng ginang.
    Ang plano nyang pagrerelax ng araw na iyon ay di natuloy dahil kinaray sya ng lalaki patungo rito.
    Tinawagan ran daw ito ng isang kaibigang doktor kung pwede itong dumalo at magbigay ng kunting entertainment sa mga bata.
     Isinama sya nito para sya ang magbibigay kasiyahan sa mga ito. Sinabi nitong aawit sya ng mga awiting pambata habang ito naman ay magpapiano.
    Di sya nagdalawang isip na pagbigyan ang hiling nito. Pareho silang nagbibigay ng donation sa mga charity institution.
     Sya kalahati ng kanyang kita ay napupunta  sa bahay ampunan na kumupkop sa kanya noon. Iyon na lamang ang kanyang magagawa dahil wala sya sa pilipinas.
     Habang naglalakad lakad bigla syang nakadama ng kakaibang kaba. Iyong kabang matagal nya ng kinalimutan. Matagal ng panahon inilibing nya kasama ng pag-ibig nyang pilit na kinalimutan.
    Pabilis ng pabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Malakas ang pagtambol noon at tila mabibingi sya.
   Nagtaas baba ang kanyang dibdib tanda na tila kinakapos sya sa paghinga. Di nya maintindihan bakit Ganito ang naramdaman nya.
Wala syang sakit na hika pero bakit tila hihikain sya.
   Wala sa loob na napasandal sya sa isang poste na natatabingan ng makapal na tent ang bahagi noon.
  Hawak ang tapat ng dibdib na napasagap sya ng hangin.
      Unang naranasanan nya ang ganitong pakiramdam ng una silang magkita ng taong nagdulot ng ganitong pakiramdam.
      Maari kayang nandirito rin ang taong nagpapakaba ng Ganito sa kanya? Ang pumasok sa kanyang isipin.
  Inilibot nya ang paningin sa paligid ngunit wala syang nakitang familiar na mukha. Baka pagod lamang sya kaya sya nakaramadam ng ganoon.
     Bumalik sya sa pinanggalingan, hahanapin nya lang si Florence para makagpaalam syang umuwi.
   Nagtanong sya sa ksamahan nila kung nakita ng mga ito si Florence.
"Narito kanina miss cheen. Hinahanap ka nga kaso kakaalis mo lang."sabi nito.
"Sya sige salamat. Hahanapin ko na lang. "Saad nya saka muling naglakad lakad sa ibang tent.
Medyo malalayo pa nman ang pagitan ng mga tent. Mainit ang panahon kaya lalo iyong nagdulot ng  hilo sa  nararamdaman habang nasa ilalim ng araw.
Hingal sya at ramdam nya ang init sa mukha ng makita ang hinahanap.
    Nakadama sya ng pagkauhaw. Nakalimutan nya ang bottled water sa kanilang tent.
"Cheena! "Agaw pansin ni Florence ng di agad sya nakalapit rito. Medyo nandilim ang kanyang paningin kaya huminto muna sya sandali sa kinatatayuan.
   "Ok ka lang cheen,, "wika nito ng makalapit. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng makita nitong maputla ang kanyang mukha.
Di sya nakasagot, piling nya iikot ang kanyang paligid kaya gumiwang sya.
Agad nmang umalalay sa kanya ang lalaki.
"God! Cheen Marie! "Anito biglang nataranta.
Nagsilapit naman ang mga taong nakakita.
May pagmamadaling binuhat ng binata ang dalaga saka pinaupo sa isang tabi sa loob ng tent.
"Cheen, "anitong bahagyang tinapik ang kanyang pisngi.
Napadilat sya ng mukha rito.
"I want to drink water "ang marahang wika nya.
May nag-abot sa lalaki ng bottled water dito.
"Here drink this. "Sabi nito matapos buksan iyon at itapat sa labi nya para makainom sya.
"Salamat. "Aniya ng makadama ng ginhawa dahil nasayaran ng tubing Ang kanyang labing nanunuyo.
"What happen? "Ang may pag-aalalang tanong nito. Bahagya itong nakaluhod sa harap nya.
"Pagod lang siguro ito. Mauuna na lang siguro ako umuwi. "Wika nya rito.
"No. Di kita papayagan. Wait, may kaibigan akong physician rito. Patitingnan muna kita bago kita ihatid pauwi. "Anito saka tumayo at naglaad paalis palabas ng tent.
  Naipikit nya ang mata para mairelax ang kanyang katawan. Nawala na ang hilong naramdan kanina. Sa init siguro kaya sya nahilo.
    "She's here doc. "Ang narinig nyang tinig ni Florence.
Gusto nya sanang lingunin ito ngunit naroon na nman ang kabang naramdamam n kanina habang naglalakad. Sumikdo ang puso nya ng marinig ang boses ng kasama ng lalaki.
Di sya pwedeng magkamali. iisang tao lang ang alam nyang may ganoong boses.
    Tumaas baba na nman ang kanyang dibdib. Di dahil mauubusan sya ng hangin sa baga kundi dahil sa kadahilanang muli nyang masisilayan ang may aru ng tinig na iyon .
"Cheen, are you ok? Are you having trouble with breathing? "Anito ng makitang tutop nyang tapat ng puso.
Wala sa loob na napatango sya rito.
"Doc, I think she has problem in lungs? "Ang taranta nitong wika.
"Does she have history of heart disease? "Anito kay Florence saka ito lumapit sa kinaroroonan at tumapat sa kanyang harapan.
  Nagtama ang kanilang mga mata.
Nahigit ni cheena ang kanyang hininga. Tila huminto ang pag-inog ng mundo at tanging nakikita nya lamang ang maamong mukha ng lalaking pinag-alayang ng kanyang pagkatao noon. Ang taong nagbigay sa kanya ng pagmamahal na noon nya lang naramdaman.
    Kapwa sila natameme sa isat isa. Walang may unang bumasag sa katahimikan ng paligid nila.
Tila nabato balani ang lalaki sa kanyang kinatatayuan.
Si Cheen nman tila na istatwa sa kinauupuan.
Kung di pa pumagitna si Florence sa harap nilang dalawa di mababalik ang kanilang isipan sa totoong kinaroroonan nila.
"Do you know Cheen, andrex? "Ang basag ni Florence sa pananahimik nilang dalawa. Nang makitang tila natigilan ang kaibigang doctor pagkakita kay cheen.
Naikiling ni andrex ang ulo saka hinarap ang binata.
"No, pare.  Akala ko kilala ko di pala. Medyo hawig lang sa taong kilala ko noon. "Ang malamig nitong wika ,pina blanko pa ang mukha.
Para naman syang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa kalamigan ng boses nito.
Pinagkaila sya nitong kilala. Nakita nya pa ang pagguhit ng galit nito sa mga mata na agad din nitong pinalis.
   Pormal syang nilapitan para tingnan sya. Matapoa syang ma check up hinarap nitong muli ang kaibigan.
"Over fatigue ata ang girlfriend mo Rence. All she needs is proper rest. Maliban roon wala na akong nakikitang sakit. "Wika nito pagkadaka ay nagpaalam sa lalaki na babalik sa tent ng mga ito.
Ni hindi man lang sya sinulyapan ng lalaki.
Galit ang nasa nya sa mga mata nito. Kaya nagtaka sya.
     Nagpaalam si Florence sa nag-organize noong event saka sila umalis sa lugar na iyon.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon