Chapter 3

2.4K 68 2
                                    

   Napatingin si Cheena sa bagay na nalaglag sa sahig mula sa mga gamit na hinalungkat nya sa kahon.
  Isa itong bank account at ATM. Dinampot nya iyon at sinipat. Nakapangalan sa kanya ang ATM. Join account sila ni sister Mary. Di nya alam ang bagay na iyon. Kaya bago pinasok uli ang mga mahalagang bagay sa kahon. Napagpasyahan nyang tunguhin ang nasabing banko. Ipapaclose account nya iyon. Wala na ang madreng kumalinga sa kanya kaya bagay lang rin na ipaclose yung account na iyon.
    Maaga pa lang kinabukasan, gumayak na sya patungong bangko. Monday iyon at hapon pa ang kanyang klase sa school kaya kelangan matapos nya ang kanyang transaction sa bangko bago magtanghali.
Pagkarating sa nasabing banko agad nyang kinausap ang teller ngunit di ito pumayag sa kagustuhang ipaclose ang account ng madre.
Nagtataka man pilit nyang hiningian ito ng explaination.
  Nagpaalam itong kakausapin ang bank manager ukol sa kagustuhan nya.
Matagal syang naghintay sa pagbabalik nito sa teller counter. Kaya muli syang naupo sa waiting chair doon.
"Who's outside? "Ang muling tanong ng bank manager sa teller.
"Miss Cheena Salvacion sir. She wanted to close her join account with Miss Mary salvacion. "Sabi nito.
"Why? Did she give you reason? "Ang kunot noo nitong tanong sa kaharap.
"She said. Miss Mary died and she don't want another Bank account because she had one."ang paliwanag nito.
"Does she knows anything about the account? "Muli tanong nya sa teller.
"I think no sir. I haven't ask her. "Ang bigla nitong saad na ikinapansilik ng mata nya rito.
"Go out and ask her why she doesn't want to continue her account in our bank! "Ang imbyernang anas nya sa kaharao.
"Y-yes sir! "Ang pagkumahog nito saka lumabas ng kanyang office.
Agad syang nagdial ng number sa telephone. Tatawagan nya ang may connection sa account na gustong ipasara ng kliyente.
"Miss Meredith, the account you're depositing money wants to close by our client. She doesn't wants it. "Ang agad nyang bungad rito.
"Don't let her! Do something Paul or else resigned from your position! "Ang mabalasik na turan ng kausap.
"Ok ma'am. "Ang napapailing nyang wika sa kausap. Pagkatapos noon Narinig nya na lamang ang tunog ng dial tone patunay na binabaan na sya ng telephone.
Napahugot sya ng malalim na hininga at marahas iyong pinakawalan mula sa baga.
Tumitig sa salamin ng opisina kung saan nakikita nya ang mga kliyente ng bangko.
Pinagmasdan maigi ang babaing nakatayo sa harap ng teller. Di nya maintindihan kung anung relasyon ng babaeng ito at ng madre sa kanyang boss.
Mahigit twenty years na rin itong nagdedeposit sa join account na iyon na gustong ipasara ng dalaga.
Every six months pumapasok sa account ng mga ito ang perang nagkakahalaga ng fifty thousand.
Noong mga nakaraang taon malaki ang nawiwithdraw ng madre roon. Ngunit nitong huli di na ito nakabalik sa kanilang banko.
Napatingin sya sa pintuan ng bumukas iyon at iluwa ang teller na kausap ng dalaga sa labas.
"What now? "Untag nya ng tahimik itong tumayo sa harap nya.
"She said whoever sending the money in their account..she wants you to stop the person  whose doing it. She won't take money in our bank. "Saad nito.
Parang sasakit bigla ang kanyang ulo sa sinabi nito. Naiipit sya sa isang sitwasyon na wala nman syang kinalaman. Nagtatrabaho lamang sya sa bangkong iyon. Pero kapag di sya nakagawa ng paraan para mapanatili Ang account ng kliyente sya nman ang mawawalan ng trabaho.
"Let her in. "Wika nya pagkadaka.
Maang na Napatingin ang teller sa kanya.
"Are you sure sir? "Paniniyak pa nito.
"Yes! Ang yamot nyang tugon na ikinatalima nito agad agad.
  Lumapas ang ilang minuto. Kasunod ng teller Ang babaeng di nya malaman kung kamag-anak ng madre or ampon.
Kimi itong ngumiti sa kanya ng paupuin nya ito visitor's  sa harap ng kanyang mesa.
"You're? "Aniya.
"Cheena Salvacion. "Anito.
"Am Paul Rigor. "Pakilala nya ng sarili. Nagkamay silang dalawa.
"Miss, di na ako magpaligoy ligoy pa. Ang iyong request na close account ay di ko pweding payagan. Para mo ng awa may pamilya akong binubuhay. Kapag pinaclose mo yun masisibak nman ako sa aking trabaho. "Ang seryoso nitong saad.
Napamaang syang Tumitig rito.
"Pwede ko bang malaman kung sino ang nagbibigay support sa account na yun? "Tanong nya.
Umiling iling ito bago nagsalita.
"It's very confidential. I can't tell you. Am sorry. Hayaan mo na lang ang account mong iyon. Malay mo sa bandang huli magagamit mo rin ang perang nakalagak ron. "Muli pa nitong kumbinsi sa kanya.
Napapabuntong hininga syang napatango rito.
"Ok. Keep the account. Am going now. "Ang pagtatapos nya sa kanilang usapan.wala syang mapagpipilian kundi hayaan ang join account nila ni sister Mary. Alam nyang isa sa mga taong may koneksyon sa kanya ang nagbibigay ng malaking halaga. Naisip nyang kilalang tao siguro ito sa lipunan. Magkagayun man wala syang planong hanapin ang taong nasa likod ng pagsuporta sa kanila ni sister Mary noon.
Nasabangit na noon ni sister na di galing sa sariling pera nito ang ginastos sa kanyang pag-aaral. Utang nya iyon sa taong nagbibigay ng pera every six months sa kanila.
   Nagpaalam sya matapos magpasalamat sa manager. Ganun na lamang ang tuwa nito ng makapagdesisyon syang hayaan na lang ang account nila.
    Malapit ng magtanghali kaya kelangan nya na ring pumasok sa school.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon