Chapter 21

1.8K 45 0
                                    

   Malalaki ang hakbang ni Andrex palapit sa kanilang dalawa ng kaibigang si Gustavo na gulat rin sa reaksyon ng bisita nyang lalaki.
  Di kaagad silang dalawa nakahuma sa kinatatayuan. Kung di pa sya hinila ng lalaki palayo sa kaibigan di pa sila natauhang dalawa.
  "I told you.  You're mine Cheena so better finished your damn relationship with that guy! "Madiing wika ng binata. Matalim na tinitigan si gustav na nakamata lamang sa kanilang dalawa ng oras na iyon. Bakas ang babala sa bawat katagangbinitiwan nito.
   Namilipit sya sa sakit ng maramdamang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Dumiin kasi ang kamay ng lalaki.
"Anu ba andrex nasasaktan ako! "Piksi nya sa lalaki. Tinapunan nya ito ng masamang tingin.
Lumuwag naman bahagya ang pagkakahawak ng lalaki ngunit di sya nito binitiwan. Nakitang nyang nagbago din ang expression nito. Naging malambot pero agad ding napalitan ng galit. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Masama ang titig na ipinukol nito sa kaibigan.
Si Gustav namang nakamata sa dalawa ay tila mapapabunghalit ng tawa dahil sa nakitang paninibugho ng lalaki sa kanya. Inisip ba ng doctor na may relation sila ni cheena? Gusto nyang ibuka ang bibig ngunit nakita nya ang nagbabantang tingin ni cheena sa kanya kaya pinili nyang tumahimik na lamang.
"I think I must go now in our meeting place cheen,"anito saka sila binigyan nito ng privacy. Lumabas ito sa pintuang pinasukan nito kanina.

Pagkaalis ng kaibigan hinarap nya ang nagpupuyos na lalaki.
"Pwede ba umuwi ka na sa inyo?! "Nayayamot nyang wika sa lalaki.
Pilit inaalis ang kamay nito sa braso.
"You knew I won't cheena! So stop pushing me out. "Mariing wika nito. Seryoso anv mukhang nakatitig sa kanya.
Mula sa pagkakahawak nito sa braso nya naramdaman nya na lamang na pumaikot na ang isa pa  nitong kamay sa kanyang katawan sabay hapit sa kanya palapit rito. Itinaas nito ang kanyang mukha para masalubong nya ang nanunuot nitong mga tingin. Kulang na lang lamunin sya nito ng buo.
"Am warning you sweetheart. I don't share my woman in any men! So, if you don't want me to create a scene don't flirt with other guys! "Anito sa kanya.
Nagpumiglas sya rito. Pilit ibinabaling ang mukha sa ibang direksyon ngunit di ito hinayaang mangyari ng lalaki.
"Sa pagkakaalam ko wala kang anumang karapatan sa akin! Di mo ako pag-aari Mr Altamonte! Kaya pwede ba get your hands off me! "Ang naggigigil nyang pagtataray sa kaharap. Tumaas ata ang dugo nya sa kaharap. Pilit nyang tinutulak ito palayo sa katawan nya. Ngunit walang silbi ang lakas nya dahil tila sya nagtutulak ng boldozer.
"Well, maybe I don't own you totally but I absolutely I own your body sweetheart. Don't you see ,every time I touch you, you're easily heating up?! "Ang napangisi nitong wika. Akmang hahaplusin nito ang mukha nya ng pabigla nya itong ipinilig sa kabila direksyon.
Naiinis sya sa lalaki. Ang tigas ng mukha nito.
"So what? It's only lust Andrex, nothing more. You're not the only man who can heat me up just for second? You're probably damn good in bed... But somebody can do that to me too. "Patuyang wika nya. Di nya bibigyan ng satisfaction ang kaharap na lalaki.
Nakita nyang napatiim baga ang lalaki.  Biglang dumilim ang mukha nito saka walang babala syang ginawaran ng mapagparusang halik.
Marahas iyon. Nalasahan nya pa ang sariling dugo mula sa kanyang labi ng bahagya iyong nakagat ng lalaki. Nanulak sya. Pilit sanang kumawala rito ngunit mahigpit syang hapit nito.
Naglalakbay rin ang mga kamay nito sa kanyang katawan.
Napasinghap sya bigla ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang dibdib. Dumadama at ang isa nman pilit kinakapa ang hook ng bra nya sa likuran para kalasin.
"Andrex, please. Don't. "Tila walang lakas na sabi nya sa lalaki ng pakawalan nito ang kanyang mga labi. Pareho nilang habol ang kanilang hininga. Nanginginig ang tuhod nya. Bibigay na talaga sya anumang oras.
Maagap nyang naitukod ang mga kamay sa dibdib nito ng tangkain nitong muli na abutin ang kanyang labi.
"Ok.  Am sorry. "Ang sukong wika nito. Naging malamlam ang tingin sa kanya. Kinabig sya payakap saka kinintalan ng halik sa kanyang noo.
"I love you sweetheart.... Please don't push me away. "Masuyong wika nito.
Tanging buntong hininga na lamang ang naging tugon nya. Niyakap sya nito ng mahigpit. Napilitan syang mag melt down. Gusto nya rin nman ang makulong sa mga bisig ng lalaki. Kay tagal na panahon nyang pinanabikang yakapin sya uli nito.  Ngunit iba ng sitwasyon nilang dalawa ngayon dahil may fiancé na ito. Kaya dapat nyang iwasan ang lalaki.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon