Chapter 6

2K 53 1
                                    

"Cheen, my family wants to meet you. "Pabulong na wika ni Clarence sa kanya.
Maang syang Napatingin rito.
"Why? "Ang wala sa loob nyang tanong.
"Anu ba nmang tanong yan Cheena? Syempre, they're intrigued with your talent! "Ang palatak na wika ni gustav na nakarinig din pala sa pagbulong ng kaibigan na medyo may kalakasan kanina.
"Ok, "ang sabi nya na lamang saka tumayo.
Inalalayan sya nito patungo sa mesa ng mga magulang. Di nya alam kung bakit sya nakadama ng kaba habang papalapit.  Dalawang magkasing edad na ginang ang magkaharap sa mesa. Habang ang isang lalaki ay kaharapa naman ang isang magandang dalaga.
"Mom,dad, miss Meredith.... I want you to meet Cheen Marie. "Pagpapakilala ni Clarence sa kanya ng makalapit sa mga ito.
"Hello po.. "ang bati nya sa mga ito. Tiningnan ang mga mukha ng mga nakaupo. Nakita nyang masayang kumaway ang dalaga sa tabi ng mom ni Clarence. Ganun din ang ina nito na tumango lamang sa kanya. Nang mapabaling sa ama ng lalaki. Gulat ang rumehistro sa mukha nito na agad ding tinago. Nagtataka man kimi syang ngumiti rito ng magtama ang mata nila. Saka nya sinulyapan ang tinuwag ni Clarence na Meredith.
    Gulat at nanlaki ang mata nito ng makita sya. Napatutok pa ang mata nito sa suot nyang kwintas. Nagtataka man sa inasal ng dalawang parehong gulat na napatitig sa kanya at sa kwentas. Pilit nyang itinago ang kanyang naramdamang kakaiba sa dalawa. Tila may nais sabihin ang mga ito ngunit pinili nilang tumahimik.
"C-can I talk you in private? "Narinig nyang wika ng ama ni Clarence.
Tumayo ito at lumapit sa kanya. NapamAang nman ang ina at kapatid ni Clarence.
"It's about work honey, "baling nito sa asawa.
"Pwede ba akong sumama? "Singiz ni Meredith sa kanila.
Nabaling ang tingin nila rito.
"Sure, "tugon ni  mr cayabyab
Naglakad silang tatlo sa isang parte ng hotel na tantiya nya ay conference room. Pagkapasok nilang tatlo agad iyong nilock ng matanda.
"Maupo tayo "muwestra nito sa upuang nasa tabi ng mahabang mesa sa loob ng silid.
Tahimik syang naupo sa isa sa mga upuang naroon. Tumabi si Meredith sa kanya na bahagya syang binigyan ng magaan na ngiti. Nasa harap nila ang lalaki. Matamang nakamasid sa kanyang mukha.
Naiilang syang nagyuko ng ulo.
"Anung full name mo iha, kung di mo mamasamain ang aking pagtatanong? "Malumanay nitong sabi.
"Cheena Salvacion po sir, "tugon nya na bahagyang inangat ang mata ngunit di tumingin sa mata nito.
"Who give you the necklace you wear ?"ang agaw pansin na tanong ng katabing ginang.
"Huh? Bigay po ito ni sister Mary ma'am. "Magalang nyang wika rito.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa. Magtaka sya sa tinginan ng mga ito. Pawang may di mapaliwanag na emosyon sa mukha. Tila kapwa maiiyak na di nya malama Kong lungkot ang nabanaag nya sa sumungaw na emosyon sa mata ng dalawa.
Napatingin sya sa ginang ng hawakan nito ang isang kamay nya sa mesa.
"Am sorry kung mag-isa kang namuhay sa loob ng dalawapu't isang taon. Di mo naranasan ang pagmamahal ng iyong mga magulang. "Ang madamdaming wika ng katabing babae.
"Po? "Ang naguguluhang wika nya.
"We're sorry iha. Nang dahil sa isang gabing nakalimot kami ikaw ang syang nagdusa. Pero di pa nman siguro huli ang lahat. Gusto nming bumawi sa iyo. "Masuyong wika ni Mr cayabyab.
"What do you mean sir? Am confused about your saying now. You both confusing me. "Aniyang pinaglipat ang tingin sa dalawa.
"I think it's time Meredith. "Baling nito sa ginang.
"Yes. We need to face it. "Anito.
"Iha, I and Meredith is your biological parents. Pareho kaming committed na noon ng may namagitan sa amin. Isang gabi ng pagkalimot na ikaw ang naging bunga. "Sabi nito ang mga mata ay masuyong nakatitig kay Meredith.
"Dahil pareho kaming may iniingatang career noon. Pinili nming itago ka at ibigay sa bahay ampunan. Kay sister Mary na malapit nming kaibigan. "Sansala nman ni Meredith.
Napatingin sya rito di malaman ang sasabihin sa pinagsasabi ng dalawa sa kanya. Mas lalong nagulo ang kanyang isipan. Di makapaniwala sa rebelasyon ng dalawa.
"But ngayon, gusto nming bumawi sa iyo. Pareho kaming nakokonsensya sa pagkait sayo na makilala mo kami. Gusto ka naming makasama ngunit wala kaming lakas ng loob na suungin ang maaaring idulot niyon sa kanya kanyang mahal namin sa buhay. "Saad ni Mr cayabyab.
"Mapapatawad mo ba kami sa ginawa nmin noon? Alam kong huli na para ipadama sayo ang aming pagmamahal bilang magulang. Ngunit di pa nman siguro huli na itama ang aming pagkakamaling nagawa sayo, anak.. "ang napaluhang wika nito. Naitakip pa nito ang kamay sa mukha.
Nag-alalang nilapitan ito ni mr cayabyab saka bahagyang niyakap.
"Hush Meredith.... Di natin mapipilit ang bata na tanggapin tayo bilang magulang nito. Marahil shock pa sya sa katotohanang tayo ang kanyang mga magulang. "Ani ng ginoo rito.
"Pero, masyado na akong nahihirapan sa mga araw na magdaan na wala tayong ginawang maganda sa anak natin. "Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Sshh...tahan na. "Pang-aalo nito sa babae.
Blanko ang mukhang napatitig lamang sya sa dalawa. Di nya malaman ang iisipin. Sya anak ng dalawang taong kilala sa lipunan? Di lang basta kilala sikat mga personality pa sa mundo ng musika. Kaya pala ganun na lamang ang nadaramang kaba ng makilala ang mga ito dahil may malaking koneksyon pala ang mga ito sa buhay nya.

YOU BELONG TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon