Chapter 15

33 6 0
                                        

LINC'S POV

"Kuya ate picture naman po" sabay kaming humarap ni miss amira sa mga babae habang nakatapat sa amin ang camera.

"Yiiie" rinig ko pa bago sila umalis. Patagal nang patagal padami na ang mga bisita kaya malapit na din akong mairita dahil padami din ang kumukuha sa amin ng litrato. They are disturbing us! Napatingin ako kay miss amira na nilalaro ang juice sa harap niya.

"I'll just get you some food" tumango siya kaya inayos ko muna ang damit at naglakad palayo. This is the great time to take her. Hindi na ako pwedeng magtagal sa bahay nila lalo na't narinig kong nagdududa na yung mga lalakeng kinuha ni madam elisa.

Pumunta muna ako sa madilim na lugar at tinawagan si jayson.

"Sa susunod mag-ingat kayo!" mahinang sigaw ko nang sagutin ni cj. Hindi ko inasahan na mahuli na NAMAN sila! Mga tanga! Hindi marunong mag-ingat! Good thing she always ignore what she saw!

Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ang puting van. Dyan na ako nagpalit kanina. Hindi ko na nagawang magpalit sa mansyon dahil dumating ang mga tao ni madam elisa. Binalikan namin yung sinabing vault pero natagalan lang kaming tatlo dahil hindi namin mabuksan.

"Sorry na bro! Akala naman kasi namin walang utak. Baka gawin mo na lang ang ginawa mo sa unang amo mo para mapadali tayo!" 

I bitterly laugh.

"Do you want me to quit this group? Huwag niyong ilipat sa akin ang kapalpakan ninyo"

"Hahaha" hindi ko alam ano pang sasabihin kaya pinatay ko na yun at kumuha na ng isang plato ng pagkain. Humarap ako sa mga tao para iwas hinala habang palihim na nilagay ang drug na binigay ni jayson kanina. I guess this will work.

AMIRA'S POV

"One more" napatingin ako kay mr.linc na may dala ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya at hinalo ang palabok.

"Hmm looks delicious" sabi ko habang inaamoy yun. Sumubo ako ng konti pero may humawak sa braso ko kaya tumigil muna kami.

"Ate picture po" tinignan ko si mr.linc na mabilis akong hinawakan sa bewang at humarap sa camera.

Napalunok ako bigla dahil sa kaba. A-ang init ng kamay niya!!! Kinikilig na naman ako!! Bakit ba ganito?? Binanned ko na siya diba?? Bestfriend kaseee. Bigla siyang yumuko dahilan para magtama ang tingin namin.

*flash* nagulat ako kaya napatingin ako sa babaeng kumuha ng litrato. Nakatingin siya doon habang nakangiti. Wait hindi ako nakapaghanda baka tinatawanan niya ako at hindi ngumingiti!!! Lumapit siya sa amin kaya pilit akong ngumiti.

"Please delete it!!~"

"Ate magkaano ano po kayo?"

"Ah personal buddy siya ng ate ko" pagkasabi ko nun ay iniharap ako ni mr.linc sa mesa tsaka nilapit pa ang plato.

"Just finish that" kinuha ko ulit ang tinidor at pinaikot doon ang palabok.

"H-huh?" mabilis kong binaba ang tinidor nang mahilo ako bigla. Humawak ako ng mabuti sa gilid ng mesa.

"Are you okay?"

"Hmm" pilit akong tumango at napapikit na lang ng mariin. Biglang umingay ang paligid kaya yumuko ako.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo" tumingin ako sa kanya at pilit ulit na tumango. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inalalayan na maglakad.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon