Chapter 14

32 6 0
                                        

AMIRA'S POV

Iniescort na kami ngayon ng event organizer papunta sa venue ng party ni nat. Nakasunod lang sa akin sina minions at yaya pero wala si mr.linc!! Hindi na nagpakita sa akin simula nung makauwi kami! Nagtago na ata dahil ayaw niya suotin ang prince costume niya!!

"Maam nandito na po tayo" sabi nung babae kaya binuksan na ng minions ang pinto para sa akin.

*gasp* pagkapasok na pagkapasok ko tinginan agad ang sumalubong sa akin. Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa. Yung iba natatawa pang tinuturo ako.

"Miss amira dito po tayo" hinarangan na ang mga minions kaya sumunod na lang ako kina yaya at pumunta sa round table, yung tatayo ka lang, ganun.

"O.m.g ilayo niyo yung red carpet baka ilipad niya ang lugar na to hahaha"

"Hahaahaaha!!"

"Why is she wearing like that?!"

"Diba yan yung palaging kinikwento ni nath na weirdo niyang half sister??"

"Omy baka nga!!"

"Dami nakapalibot sa kanya gaash baka mga psychiatrist niya yan? Hahahahah" bumuntong hininga lang ako at tumingin sa pagkain.

"Huy special! Bakit ka nakasuot ng ganyan?!!" mahina pero galit na tanong ni ate zaira nang makalapit sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko kaya tumingala ako sa kanya.

"Is there something wrong with my outfit?" gusto ko lang maiba! Pare pareho naman silang lahat ng suot. Dress. Cocktail tsk!

"Malaki!! Nagpapahiya ka lang dito!! Go home!!"

"No!~"

"Wag na wag kang magtatagal dito!! Umalis ka agad!! Arghh!!" umalis na siya kaya tinungo ko na ang cr.

"Huuuy weirdo!!! Late ka na nga nilalapastangan mo pa ang debut ko!!" napatingin na naman ako kay nathalie nang salubungin niya ako.

"Hahaha nathalie was right, she's weird" bulong pa ng kasama niyang babae. Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa cr. Nagpaiwan na sa labas sina yaya.

"Anong problema dito?" tanong ko sa sarili habang tinitignan ang suot. Kitang kita yung tiyan--wait baka naiinggit sila dahil ang sexy ko? Psh!

Inayos ko na lang ang buhok kong naka crown braid tsaka pumasok na sa isang cubicle at umupo. Dito lang muna ako dahil panigurado puro pangungutya lang ang maririnig ko.

"Where the hell did she get that idea. Nasaan si aladdin??? Hahahaha"

"NOO baka naglayas si aladdin dahil narealize niyang adik si jasmine pfffttt hahahahaha"

"Haha you're so matalino!! I remember nung debut din ni zaira nagpahiya lang din siya hahaha"

"Talaga ate joan?!!~ Si ate zaira at kuya ethan maayos naman sila haaay sayang lang taken na si ethan kyaa!!!" nakarinig na ako ng pagbukas-sara ng pinto. Bumuntong hininga ako.

"Pati dito meron din" lumabas na ako ng c.r at naglakad. Bahala na!

"Ahm miss pwede papicture?" napatingin ako sa grupo ng mga kabataan. Ngumiti lang ako sa kanila kaya pumwesto na sila sa tabi ko habang yung isa ang taga-picture.

"Ayos bro! Jackpot!!" natatawang nagkibit balikat ako. At least may nagustuhan ang suot ko ngayon hehehehe.

"Ladies and gentlemen, I would like to inform you that after we eat there's a game" sabi ng emcee kaya pumunta na ako sa mga pagkain.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon