Chapter 63

38 6 0
                                        

AMIRA'S POV

"This is the city's police! Put down all your weapons or we will shoot!"

"Heads down! Heads down!" sigaw ni linc habang tinatago ako sa likod niya. Hinawakan niya ang kamay ko at may kinuha sa ilalim ng cabinet.

"Kuya si amira?!?" tanong ni bestfriend.

"She's fine" sagot niya tsaka lumingon pa sa akin saglit "Think of yourselves! Jayson! Cj! Protect them!"

"WE RECEIVED A CALL AND WE FOUND IT HERE, SURRENDER YOURSELVES AND WE WILL SETTLE EVERYTHING! In 5, 4--" sumunod agad ako nang hilahin niya papunta sa likod ng bahay.

"Paano si bea??!" napatigil naman siya at tumingin kay bea.

"You know the place, right?" tumango si bea. Hindi ko alam anong tinutukoy nila pero sana naman hindi mapano ang bata sa tiyan niya!

Kinuha muna niya yung bag at pinuntahan ang patagong pinto. Napaayos ako ng tayo dahil sa pamilyar na boses.

"MY CHILD, IF YOU'RE IN THERE PLEASE SURRENDER YOURSELF TO THE POLICE, YOU HAVE TO PAY FOR EVERYTHING!!" t-tita. Napatingin ako kay ate kaya napatingin sa akin si linc.

"Let's go" lumabas na kami at sumunod naman agad yung iba. Lumiko si bestfriend sa ibang tulay at bigla na lang nawala.

*blagblag* binilisan namin ang paglalakad dahil sinisira na nila ang pinto.

"TIGIL!"

"Ahhh!!" hindi na kami nagdalawang isip na tumakbo at dumaan sa makipot na tulay.

*bang*

"Ahhh!"

"Jayson!" napatingin ako sa sahig dahil sa dugong tumutulo doon. Tinignan ko si jayson na nakahawak sa balikat niya.

Saan niya kami dadalhin??! Bigla siyang tumigil kaya tinignan ko lang siya.

"Doon kayo, cj dito kayo. You know where to find us" sabi niya habang tinuturo ang ibang daan ng tulay.

Tumango lang sila at naghiwalay agad. Tumingin pa siya sa akin saglit at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko tsaka tumakbo na sa hindi dinaanan ng iba.

"We shouldn't separate!" sigaw ko dahil lumalayo na kami.

"This is the easiest way to mislead them" hinawi namin ang mga nakasampay at pilit na humanap ng malalabasan.

"AMIRA! NASAAN KA?! I SAW YOU! I KNOW IT'S YOU!" agad akong tumigil sa pagtakbo at hinanap yun pero hindi ko makita. Malakas kong binawi ang kamay ko at nilibot ang piningin.

"Amira let's go!" sabi ni linc habang pilit akong hinihila.

"Bitawan mo ko! Kilala ko ang boses na yun!" binawi ko ulit ang kamay ko at tumalikod sa kanya.

"Whoever that is, let's go!! It's too dangerous!!" hinila na niya ako kaya tinulak ko siya at naiiyak na naman.

"Iwan mo na lang ako!! I will find that!!" sigaw ko sa kanya at maglalakad na sana palayo nang hilahin na naman niya ako pero ngayon sobrang higpit na ang pagkakahawak niya sa akin.

"Linc!! Bitawan mo sabi ako!!!"

"I won't let you go! I won't let go of this hand! We will go home together!!!" napalunok ako at sumunod na lang sa kanya dahil ayaw niya talaga akong bitawan. 

"Hindi mo naiintindihan! Ayoko ngang sumama sayo!! At least I still care kaya kung ayaw niyong mahuli bitawan mo ako!!" nakita ko. Umiiyak din siya.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon