Chapter 1

295 7 1
                                        

AMIRA'S POV

"Bestfriend bilis!" sigaw ko sa kanya na ngayon pa dumating. Alas-nuwebe akong tumawag tapos ngayon ala-una na ng tanghali!

"Sandali lang kasi! Sobrang layo kaya ng pinanggalingan ko tapos papuntahin mo ako dito ng may dalang hagdan!?" reklamo niya habang inaayos ang hagdan sa tapat ng malaking pader.

"Bakit kasi hindi ka nagtaxi? Babayaran ko naman dito tsaka saan ka ba galing? Hindi pa ako nakapunta pero hindi naman malayo ang lugar ninyo dito ah?" tanong ko habang bumababa ng hagdan. Tinulungan naman niya ako para hindi ako mahulog.

"Sorry ha! Tricycle lang meron sa amin at syempre mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya hinanapan kita ng pwede mong pagtripan ngayon--bagong bukas!" nakangiting sabi niya habang tumataas-baba ang mga kilay.

"Talaga?! What are we waiting for!?" tumakbo na kami palabas ng subdivision at pumara agad ng taxi. Hindi talaga ako pinapalya nitong si bestfriend! Alam niya talaga ano trip ko sa tuwing naiisip kong tumakas ng bahay.

*beeeeeep*

"Ahh! Kuya bilisan mo!!" sigaw namin nang makita ang dalawang kotse na sumusunod.

"Miss Amira!! Miss Amira!! Comeback!!! Your father will scold us!!" hindi namin pinansin iyon. Mabilis na pinaandar ni manong driver ang sasakyan. Kahit ilang yaya ang kunin nina papá at ng step mother ko para sa akin, lalabas at lalabas pa rin ako!

"Ma'am nawala na po natin sila" anunsyo ni manong driver.

*Pak*

"HEHEHEHE" nag-apir kaming dalawa ni bestfriend dahil hindi na nga namin sila nakikita sa likod.

"Wala talagang tatalo sa bestfriend kong napakagaling kung tumakas sa mansyon de smith, AMIRA! Tada~"

"HAHAHA syempre nagmana ako sayo BEATRICE ANNALISE de la vega! Tadaaa~" nilakasan ko pa ang first and second name niya. May dalawang maliliit na kapatid siya kaso namatay na yung tatay nila kaya todo kayod silang tatlo ng nanay at kuya niya.

"Bea laaaaang~"

"Hahahaha alam ko~" paggaya ko at pareho kaming natawa.

"Hindi ko alam paano kita naging bestfriend. Langit ka lupa ako! Hanggang tanaw na lang ba tayo~" sa totoo lang nagkakilala kami nitong si bea kasi dinadala siya ng nanay niya sa bahay noon. Matagal ng naninilbihan ang nanay niya at siya yung parating dinadala nina papá kapag umaalis sila.

"Anong langit? Tao rin ako! Baliw to! Hahaha ang pangit ng kanta mo!"

"Hahahaha oo nga"

"Patingin nga ng dslr mo" sabi niya habang nilalaan ang palad sa akin. Nilayo ko agad sa kanya ang bag ko at sinamaan siya ng tingin.

"Swerte mo!" hindi naman sa madamot ako kaso kilalang kilala ko na tong si bea. Lahat ng hinahawakan nasisira agad kaya nga yung nanay niya ay pinagkakatiwala sa akin yung mga gamit minsan para daw magtagal pa.

"HAHAHAHA joke lang!" tumawa lang kami tsaka pinuntahan agad ang lugar na sinasabi niya.

***

"Bea! Tumabi ka kasi! Parang magkamukha kayo haha" sabi ko habang tinatapat sa kanya ang camera.

"ANG GANDA KO LANG KAYA!!!" sigaw niya pero tumabi pa rin sa kulungan ng gorilla. Nandito kami sa zoo at mukhang bagong bukas lang talaga to. Alam niya talaga mahilig ako sa bagong tanawin, bago sa mata at bago sa lahat. That's me, no one can't do anything to change me even my parents surrender.

"Dito tayo!!" tumakbo kami doon sa mga box na salamin. Nakahilera sila kaya naaamaze akong tignan bawat species na nasa loob.

"What the!! May beetle!!" sigaw ko at isa isang pinicturan.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon