Chapter 26

25 6 0
                                        

AMIRA'S POV

Naglalakad na ako ngayon pauwi habang hawak ang touch lamp na binili ko. Humiram pa ako ng pera kanina kay manong guard sa labas ng subdivision tsaka dumiretso agad sa mall para bilhan ng ganito si mr.linc.

Naghanap pa ako ng katulad ng snow ball niya kaso wala talaga kaya bumili ako ng touch lamp na rose ang disenyo, kaseng laki lang ito ng kamay ko kaya ang cute tignan.

Wala naman sana akong balak na magmall kaya lang hindi ko alam anong address ng bahay nina bea kaya binilhan ko na lang si mr.linc ng pamalit sa nahulog ko. Baka yun ang dahilan ba't pa siya nagalit.

*pup* napangiti ako nang umilaw ang lamp nang hawakan ko sa may stem, ang ganda talaga! Buti ako ang pinakamaagang pumunta ng mall at kakalabas lang ng product na to! Swerte!!

*beeeep*

"AHHHH!!" nagulat ako nang may dumaang motor bike sa tabi.

"Huwag kang gumalaw!!" hinawakan ko ng mabuti ang touch lamp habang ang isang kamay ay nakahawak sa siko kong natamaan nila.

"Sumama ka na lang sa amin miss!" umatras ako nang bumaba ang angkas ng motor at lumapit sa akin.

"S-sino kayo ah?!" tanong ko at tinignan sila ng mabuti. Pareho silang nakamask pero yung isa na nagmamaneho ay may helmet pa. Parang pamilyar ang katawan niya? Tinignan ko pa siya ng mabuti kaya humarap siya sa kabilang direksyon "Wala akong pera!! Sa iba na lang kayo!!"

"Sumama ka na kung ayaw mong masaktan! Wala ka na din namang magagawa pa!!!" tumakbo ako palayo pero nahawakan agad nung nakahelmet ang braso ko.

"AH bitawan mo ko!!" nagsimula na akong umiyak dahil sa takot.

"Hawakan mo siya ng mabuti!" sigaw nung nakamask lang.

"I don't have money! Let me go! I need to go home! Please! My step mom will get more mad if I will give them another problem!" hinampas ko yung humahawak sa akin pero parang hindi naman siya natitinag sa ginagawa ko. I DON'T WANT TO GO OUT AGAAAAIN!!

"Tumahimik ka!" may dumating na pulang sasakyan kaya hihingi sana ako ng tulong nang lumabas yung nagmaneho at binuksan pa ang likod, magkasabwat sila!!!

"Put her here" tumingala ako nang may humawak sa touch lamp. Umilaw yun dahil pareho kaming nakahawak sa stem nito. Kukunin niya sana kaya umiling ako at hinigpitan ang paghawak doon.

"Tulooong!!!" tinignan ko yung nakahelmet at pilit na inalis ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko ang dibdib ko at ginaanan ang sarili.

"Ano--"

"Tulong. M-may sakit ako sa puso!! T-tulong!!" umiiyak lang ako at tuluyan ng umupo. Huminga ako ng malalim at umarte pa na sobrang nasasaktan kaya nabitawan niya ako sa braso.

"May sakit pala sa puso to!" sigaw nung nasa kotse kanina. Nilakasan ko pa ang pagiyak at hinanda ang sarili.

"Ipasok mo na!!" kinuha ko na ang pagkakataon na yun para tumayo at tumakbo palayo.

"HUUUYY!!!"

"Bakit mo binitawan?!" tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay. Agad naman nila akong pinagbuksan ng gate.

"Miss saan po kayo galing?!" gulat na tanong ng security guard. Hindi ako sumagot at umiiyak lang na tinungo ang tree house.

LINC'S POV

Nakatulala lang ako habang tinitignan siyang nawawala na sa paningin ko. She's sick? I should ask beatrice about this. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya dahil hindi pa namin nakuha ang kailangan namin.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon