Chapter 3

86 5 0
                                        

AMIRA'S POV

"AMIR! Ayusin mo kasi ang paghawak sa akin!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni bea habang hinahawakan ko siya sa magkabilang paa niya.

"Halos humiga na nga ako dito para hindi ka mahulog! Kunin mo na agad! Biliiis" sigaw ko pabalik habang inaayos ang mga paa ko na pumipigil para hindi tuluyang mahulog sa kanal.

"Ang liit ng pusa!!" nagroll eyes lang ako dahil kanina pa siya nagrereklamo. Pataas na ang tubig at sobrang lalim ng kanal na ito tsaka kawawa yung pusa kapag hinayaan namin siyang mamatay dyan.

"Baka naman kasi iniinom mo pa ang tubig dyan!! Marami kaming malinis na tubig sa bahay!"

"Ang hirap naman kasi niyang kunin! Natatakot sa ganda ko!"

"Hindi naman natatakot yan"

*meow*

"NAKUHA NA!!" hinila ko agad siya at mabilis na tinignan ang pusa na nanginginig pa sa lamig.

"Humanap tayo ng masisilungan niya!!" sigaw ko at kinuha siya tsaka tumakbo sa malaking puno.

Umuulan kaya dumiretso na kami sa pagligo dahil nangangamoy araw kami kanina.

"Uyyy~ kawawang pusa" sabi ni bea habang hinihimas ang likod ng pusa. Kung hindi kami nagbalak na maligo sa ulan hindi namin siya masasagip! Nandito pa naman kami sa subdivision namin kaso tumakas nga lang ulit ako. Ang isa sa pinaghihigpitan nila sa akin ay ang maligo sa ulan, nagkakasakit agad ako.

"Ano pwede nating ipapangalan sa kanya?" tanong ko at umupo sa lupa.

"Ming ming na lang!!"

"Ay pangit! Ano na lang sun dahil kulay yellow siya!"

"Mas pangit naman! Sa kulay na tayo mag base ahmm yelo imbes na yellow ang pagpronounce, tapos nanginginig din siya hahahaha" nagkatinginan kaming dalawa at nag-apir.

*pak*

"Galing!!--- Hi! Yelo" bati ko habang tinatabunan siya ng malalaking dahon para mabawasan ang lamig.

*beepbeep* napalingon kami sa kotse na huminto sa tabi ng kalsada. Lumabas doon sina yaya habang may dalang payong at tuwalya.

"Miss Amira! Magkakasakit po kayo! Bumalik na po kayo sa mansyon!" see? Mabilis nilang nilagay sa akin ang tuwalya at pinayungan pa ako. Hindi pa pinansin si bea kaya natawa ako.

"Ops nahuli na tayo hahaha sige amira byebye!" paalam ni bea at tumakbo na palayo. Napakamot lang ako at sumunod sa kanila sa kotse.

"Dumiretso po tayo sa opisina ni ate zaira" sinunod agad nila kaya umayos ako ng upo. Matutuyo naman siguro ako nito habang bumabyahe kami? Tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan baka may bagyo sa ibang lugar. Sa totoo lang kaya nila ako hinihigpitan at hindi pinapatrabaho kasi iniisip nila hindi ko kaya ang sarili ko pero kasi nga sa mga kakaibang bagay na hindi karaniwang ginagawa nina ate at kuya. Iniisip nilang hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Aminado naman ako sa sarili ko kasi ako mismo sa sarili ko hindi alam kung ano talaga ang gusto kong gawin. May komplikasyon daw si mom nung pinagbubuntis niya ako kaya namatay siya nung ipinanganak ako. Pagkatapos nun nakilala ni papá si tita elisa.

"Hello miss??" napatingin ako kay manong driver na may ka-tawag "Opo miss papunta na po kami dyan... natraffic po miss... Okay po... pasensya na po"

"Kuya bakit daw?"

"Pinapabilis na tayo, miss amira" sagot niya kaya napatingin ulit ako sa labas na sobrang haba ng traffic pero nakikita ko na mula dito ang building ng kompanya ni ate.

"Mauuna na po ako hahaha" sabi ko at mabilis na lumabas.

"Miss!! MISS!! MISS!!" tawag nila habang tumatakbo ako palayo.

Someone's special (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon