BEA'S POV
D-nial ko ulit ang no. ni bestfriend dahil wala talagang sumasagot. Naghihintay ksmi dito sa opisina ni
"MAAAA SAAN NA SI AMIRA?!!!" yumakap ako kay mama dahil nasstress na ako sa kakaisip kay amira.
Kahapon nung tinawagan ko si mama kung nakauwi ba sina kuya at bestfriend ng maayos sa mansyon pero hindi pa pala sila nakauwi kaya hindi ako nagdalawang isip na tawagan si tito alejandro.
"Shh anak manalig tayo sa diyos na ayos lang silang dalawa ng kuya mo"
"Mama ang sama ng pakiramdam ko. P-paano kung may nangyari sa kanila?!! Si bestfriend maaa!!"
"Shhh tahan na--sir alejandro?" pumasok din si tito at huminga ng malalim.
"Tito? N-nahanap na po ba sina bestfriend?" sinandal niya ang isang kamay sa mesa habang hinihilot ang noo. Alam kong mas masakit sa kanya dahil tatlo na silang nawawala.
"May nakakita sa kanya sa airport pero nakatakas agad"
"Po?! A-airport?! Ilalabas nila si bestfriend!!!!"
"Diyos ko, gabayan niyo po ang mga anak namin" sabi ni mama at napasign of the cross na lang.
"Patawarin niyo kami, pati ang anak mo tawy nadamay. Hindi pa siya nakikita ng mga tauhan ko pero sisiguraduhin kong makakauwi ng maayos ang mga anak natin" pahinging paumanhin ni tito. Hindi ko alam kung paano nalaman ni tito pero ang alam ko matagal na niyang alam nung nasa hospital pa siya.
"Huwag mo ng isipin yun, ang mahalaga ligtas sila" bumagsak lang ang balikat ko habang nakatulala sa sahig at nakahawak sa tiyan ko.
Bestfriend kakasabi lang ni kuya na magnininang kaaa kaya bumalik ka na dito!!! Mananagot ang dumukot sa kanya!! Ihahampas ko sa mga mukha nila ang nagiinit kong palad! Bestfriend!!
May sakit sa puso si amira kaya siya ang mas inaalala ko at mabuti na lang kasama niya si kuya dahil alam kong hindi niya papabayaan si amira.
"Anak, don't stress yourself too much" paalala ni tito sa akin tsaka hinawakan ako sa balikat.
Tumango ako at pinahid ang mga luha. Kalahati ng buhay ko si bestfriend ang nakasama. Hindi man sila saksi pero alam ng diyos kung paano ko ituring na parang kapatid si amira. Ilang taong hindi namin kapiling si kuya kaya kay amira ko binuhos ang lahat.
"Alejandro, bumaba kayo" sabi ni tita elisa sa may pinto.
Tumayo ako nang maglakad na sina tito at mama palabas. Binilisan ko pa ang lakad para unahan sila.
"K-kuya?!!" gulat siyang lumingon sa amin kaya wala akong pagdadalawang isip na niyakap siya.
"Why are you c-crying? It's not good for your baby"
"Kuyaaaaa!!!"
"Anak!" nakalapit na sina mama at tito sa tabi namin kaya kumalas na ako at lumingon sa labas para tignan kung kasama ba niya si amira.
"W-what's with you?" takang tanong niya. Nagkatinginan kaming tatlo tsaka pinaharap ni mama si kuya sa kanya.
"Anak, sabihin mo kasama mo si miss amira diba?!" kumunot lang ang noo ni kuya. Napatingin na ako kay tito na napapatulala na lang.
"Kuyaaaa please sabihin mo!! Nasaan si amira?!!!"
"H-hindi mo ba k-kasama ang anak ko, hijo?" naiiyak na tanong ni tito alejandro.
Tinabihan naman siya agad ni madam elisa para pakalmahin. Umiling si kuya. Bagsak balikat na tumalikod si tito at umakyat ulit sa itaas.
"W-why? W-what happened?" niyakap ako ni kuya at hinagod ang likod ko.
BINABASA MO ANG
Someone's special (Book 1)
Ficción General'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?
