HATING YOU...IS LOVING YOU

113 1 2
                                    

“HATING YOU IS….LOVING YOU”

by: alexjem_15

 

PROLOGUE:

 

Sabi nila “The more you hate, the more you love” dahil kung kelan mo daw kinakainisan ang isang tao, the more na mas nagiging attached ito sayo. There is no exact psychological explanation of this pero madalas ito ay ginagamit na tema sa mga pelikula o teleserye na napapanood natin noon hanggang ngayon. May happy ending, may sad at kung minsan naman ay open ending dahil gusto ng derektor na mga manonood ang magbigay ng ending. Nag-eexist nga kaya ang ganitong simula ng love story? If yes, do they last forever or panandalian lang?

Well, here’s my story and I’ll give you, guys, the right to judge my love story.

CHAPTER 1: The Meeting

            I am Myla Kassandra Arevalo, fresh graduate ng BS Marketing sa isang sikat na university dito sa Pilipinas, ang St. PaulUniversity. Currently, I submitted my resume to Asia Marketing Corp. sa Makati and sabi nila wait ko daw call nila for my schedule para sa interview.

            Luckily, three days passed pa lang, I received a call from the HR Department of the company and I’m scheduled for interview Thursday at 3:00 pm.

            At 2:00 pm dumating na ako sa AMC, “Sobrang aga ko ata,” sabi ko sa sarili ko.

“Okay lang, at least makakapag-freshin’ up p ako while waiting,” dagdag ko p while pressing the up-button of the elevator dahil nasa 7th floor ang HR Department…..

then “ Baaaaggg!!!! “

            Ouch! Sakit ng balikat ko at muntik pa akong mapasubsob sa floor dahil naka-heels ako, “Watch it! Tignan mo naman dinadaanan mo, makakadisgrasya ka eh!” sabi kong pagalit sa guy na nakabunggo sa akin. Maayos ang kanyang damit, mukhang executive at may dalang attachė case. Umirap lang sa akin ang guy na nakabunggo sa akin, don’t even care kung nasaktan ba ako and worst hindi pa nya ako tinanong kung sasabay ba ako sa elevator. Well, hindi na rin ako talaga sumabay.

            2:50 pm at nag-start ng magtawag ng aplikante si Ms. Ashley, secretary ng head officer ng HR. Mabuti naman at maagang nag-umpisa ang interview.

            “Ms. Arevalo, ma’am you’re next for the interview,” sabi ni Ms. Ashley. Tumayo ako na parang hindi makahinga sa kaba pero patuloy ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.

            “Come in, Ms. Arevalo, please sit down,” sabi ni Ms. Chavez habang tinuturo nya ang upuan sa harap nya. Seryoso siyang tignan pero makikita pa ring maganda sya at mabait.

            “Your resumè is very impressive, Ms. Arevalo,” bungad na salita sa akin ni Ms. Chavez.

            “Thank you, ma’am,” sagot ko naman.

            “But you’re a fresh graduate, right?,” tanong niya.

            “Yes, ma’am, I am from St. Paul University. I graduated last April ma’am” mabilis ko namang sagot.

            “Well, how can you convince me that you’re competitive enough on this position you’re applying for?” tanong ni Ms. Chavez.

            “Ma’am, yes, I maybe new with this field but I can assure you, ma’am, that I can learn fast being a junior marketing assistant and I can submit myself to my bosses so that they can teach me what I’m about to do, ma’am,” Mabilis ngunit kinakabahan kong sagot kay Ms. Chavez.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon