CHAPTER 16: Kilig Much 101!

18 1 0
                                    

Sa kwarto ko habang nagpapahinga, hindi pa rin ako makapaniwala na tumawag si sir Israel para lang i-check kung nakarating na ako ng office. Ang dating masungit sa tingin ko at lagi kong kinakainisan, ngayon ay unti-unting nagbabago. Dahil dito hindi tuloy ako makatulog.

Pero ang isa pang naglalaro sa isip ko ay ang eksenang nangyari sa amin ni Paolo kanina sa LGIBG. Yong titig sa akin ni Paolo habang magkalapit ang mukha namin. Naging mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin at medyo matagal yon, kaya’t natigilan ako, bumalik lang talaga ulirat ko nung tinanong ako ni Paolo kung okay lang ako. Shocks! Na-mesmirized ba ako sa kaamuhan ng mukha niya kaya natigilan ako? Ano ito, kinikilig ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Habang nangingiti akong mag-isa tumunog phone ko. Si Elai tumatawag.

“What’s up?” sagot ko sa kanya.

“Hi girl, skype naman tayo, pagod ako sa work, nakapagpahinga naman kahit paano,” hiling niya.

“Okay. wait, online lang ako,” sabi ko naman.

Pagka-online ko sa skype, tumawag na agad si Elai.

“Girl, kumusta araw mo ngayon?” bungad na tanong ni Elai.

“Bah, bilis ah, tumawag agad. Well okay naman araw ko,” sagot kong nakangiti.

“Oh, eh bakit ang tamis ata ng ngiti mo ngayon, girl,” panunukso ni Elai.

“Wala! Maganda lang araw ko,” sagot ko naman.

“Oh, come on, kilala kita girl, pag ganyan ang ngiti something extraordinary happened, so what is it?” pangungulit nya sa akin.

“Okay, okay…sige na matigil ka lang. Kanina kasi, hinatid ako ni Paolo sa office, pagbukas ng elevator, natapilok ako, buti na lang nasalo ako ni Paolo….”

“Aayyyyy! Shocks! Di nayakap ka nya sa pagkakasalo nya sa’yo?” singit ni Elai sa akin na nagtititili.

“Hssstt, huwag kang maingay, wala ako headset ngayon baka magising sila mama, haha! Excited much ka din diyan noh?! Patapusin mo kaya ako,” sabi ko naman.

“Eeehhhh! Kakakilig kasi…o sige na, ano? Nayakap ka nya noh?” may kilig na tanong ni Elai.

“Ahh, y-yes, pero aksidente lang naman yun eh,” nahihiya kong pag-amin.

“Aaahhhh! Kilig ako! Mahigpit ba pagkakayakap sa’yo? Feel safe ka ba? So macho ni Paolo huh!?” sunud-sunod na tanong ni Elai.

“Wait lang isa-isang tanong naman hehe! Oo, medyo mahigpit, kasi kung hindi naman ganoon babagsak ako, useless din pagkakasalo nya sa akin,” sagot ko namang nahihiya na.

“Ayyy, kahit na aksidente pa yan, nayakap ka pa rin. Umamin ka, kinilig ka noh?” tukso na naman sa akin ni Elai,

“Ahhmm…yes! Hehe!” namumula na ako sa tanong nya.

“Ayyy, ang haba ng hair mo huh! Girl, pano kung ligawan ka ni Paolo, sasagutin mo?” tanong niyang kinikilig pa rin.

“Hala! Ligaw agad? Para sa aksidenteng nayakap lang ligaw na agad?” sabay ngiti ko. Pero may naalala pa ako kaya nangiti ako, nung minsan ding napayakap akong aksidente kay sir Israel dahil sa takot ko sa kulog. Sumagi din sa isip ko, paano kung nadevelop si sir Israel sa akin dahil sa aksidenteng yakap na iyon? Sasagutin ko ba siya kung sakaling manligaw? Mga tanong sa isip ko pero iwinaksi ko sa isip ko dahil napaka-imposible naman na ang tulad ni sir Israel magkagusto sa isang tulad ko. Nah! Erase! Erase!

“Hoy, girl, are you with me? Kanina pa ako daldal ng daldal dito nakatunganga ka lang diyan,” reklamo ni Elai, andami na pala niyang sinasabi nakatunganga lang ako.

“Ay, sorry girl, may naalala lang ako hehe! Pero alam mo bang may isa pang nangyari din sa araw na ito na gusto kong magpa-fiesta kasi nangyari siya?” tanong ko sa kanya.

“Talaga? Ano yon girl?” tanong ni Elai with excitement.

“Si sir Israel tumawag sa akin, para lang itanong kung nakauwi na ba ako?” sabi ko sa kanya na hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ay nagtititili na naman.

“Sabi ko sa’yo girl huwag kang maingay wala akong headset,” sabi kong natatawa na sa kanya.

“Bilib na ako sa’yo, girl! Ang haba-haba-haba ng hair mo. Dapat ka ngang magpa-fiesta nyan. Imagine mo si sir Israel na yon,” hindi rin makapaniwala si Elai.

“Uy, tumigil ka nga, baka wala naman ibig sabihin yong concern ni sir, ikaw talaga,” sabi kong nakangiti pa rin.

“Well, tignan natin girl,” pagkasabi ni Elai nito, tumunog ang phone ko.

Si Paolo tumatawag, bigla kumabog ang dibdib ko, sumenyas ako ng “wait” kay Elai sabay turo ko sa phone ko, naintindihan naman ni Elai yon na may tawag ako.

“Hi, nakaistorbo ba ako?” bungad na tanong ni Paolo.

“Hi, nope, wala naman na akong ginagawa, ito kausap ko si Elai sa skype, nai-stress na daw kaya tumawag. Napatawag ka, may problema ba?” tanong ko.

“ Ah wala naman, medyo hindi lang makatulog. Say ‘hi’ to Elai for me, MK,” sagot naman nya.

“Ah sige, tell ko later. Bakit naman hindi ka makatulog? May problema pa sa mga lay-outs ng project?” tanong ko.

“Oo eh, medyo nahihirapan ako, siguro bukas ko na lang ituloy, medyo pagod na din kasi ako,” paliwanag ni Paolo.

“Dapat nga pala mag-rest ka na,” sagot ko naman.

“Yah, okay na, kasi nakatawag na ako sa’yo, just wanna say good night. See tomorrow sa preparation ng launch,” sabi naman nyang ikinamula ko.

“Okay, good night din sa’yo” paalam ko sa kanya.

“Aahhh, kilig ako, hulaan ko, si Paolo yon noh? At nag-good night lang siya kaya tumawag,” panunuksong tanong ni Elai.

“Opo, madam Auring. At ‘hi’ daw sa’yo sabi nya. Galing manghula ah,” sagot ko sa kanya.

“Naku, girl, hudyat na yan. It’s a sign,” sabi niyang nai-excite.

“Sign ng?” tanong ko.

“Sign na malapit na siyang manligaw sa’yo. Maniwala ka sa akin. May pagka-psychic ata ako. at pag tumama ako, libre mo ako, haha!” hamon sa akin ni Elai.

“Hay naku girl! Tulog na nga tayo. Marami pa work bukas noh?” pamamaalam ko na sa kanya.

“Ayan, diyan ka magaling, namumutol ng usapan pag tungkol sa pag-ibig,” panunukso ni Elai.

“Move on, girl, hindi naman lahat ng lalake kayang gawin ang ginawa ng ex mo noh?” sabi ni Elai, na alam na alam nya kasing takot na akong maiwanan ng minamahal dahil lang sa ambisyon.

“Oo na, sige na, panalo ka na. Good night girl, love you, mwah!” paalam ko ulit.

“Okay, love you too, girl, mwah!!” at nag-out na nga si Elai.

Off ko na laptop ko, nahiga na ako, pero parang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Elai. Paano nga kaya kung manligaw si Paolo? Ready na ba ako? Hay, MK, huwag mo na ngang isipin yan, isipin mo ang trabaho mo, sabi ko sa sarili ko na nangingiti na lang sa mga sinabi ni Elai.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon