CHAPTER 17: The Launch

20 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, puspusan na rin ang preparation na ginagawa ng Guevarra’s. Iyong mga invitations, yong dalawang malalaking screens na inihanda para sa papanooring video presentation ng project kung paano ito ginagamit, yong mga tables and chairs, food, lighting at marami pang inayos para sa event ng kompanya. Gabi ang napiling oras ng launching at formal dress ang required para sa okasyon.

And this is it! Ito na, dumating na ang big day para sa Guevarra’s. Dumalo ang lahat ng mga prospect na fashion companies at sa launching na ito ay interesadong malaman ng mga malalaking bisita ang tungkol sa bagong proyekto ng LGIBG.

Maagang dumating ang mga taga AMC. Nakita ko na ding dumating sila sir Israel kasama ng kanyang mga magulang. Nang makita niya ako ay ngumiti siya…na sya namang pagkabog ng dibdib ko at ewan na sa simpleng ngiting yon ay affected na ako, lalo pa nang tinignan nya ako ng buong-buo, bigal naman ako na-concious nun. Kasama din nila si Ma’am Isabel na sa tingin ko ay mas lalo syang gumanda sa sout nyang gold dress.

Nang…’click’…si Paolo, kinunan ako ng picture, na hindi ko napansing lumapit sa akin,

“Hala, ano ka ba? Ipapapulis kita eh,” biro ko sa kanya.

“At bakit?” sabi niyang pa-cute.

“Ninakawan mo ako ng picture eh, hindi ka nagpaalam,” sabay tawa ko.

“Ganoon ba. Eh di, ipapapulis din pala kita,” ganti niya sa akin.

“Ha?! ano violation ko?” nagtataka kong tanong.

“Possession of beautiful face,” sabay ngiti nyang nakatitig sa akin.

“Haha! Patawa ka!” biro ko naman maitago ko lang pamumula ko.

“Seriously, you look very pretty tonight,” sabi nya sa akin.

“Well, thank you, libre na lang kita sa sahod,” then tumawa kaming dalawa.

Nang marami na ang mga bisitang dumating, nag-start na rin ang pag-cocover nila Paolo, na mas lalo pa itong gumawapo sa red polo and black pants na suot.

Nag-start na nga ang okasyon. Si Ms. Carla ang nagbigay ng opening remarks, si sir Israel ang nagbigay din ng expalanation tungkol sa pinakikilalang proyekto. Pagkatapos ay pinalabas na ang video presentation. Marami ang nagpalakpakan sa presentation at kinamayan ng mga bisita at ng mga investors sila Ms. Carla at sir Israel. Natapos ang programa, sumunod ay dinner na. Kasama ko sa table sila Elai, Gracelyn, Caren, Charlie, Ms. Cynthia nang bigla tumabi sa akin si Paolo na katatapos lang inayos ang mga kinunang pictures ng okasyon.

“Hay, nakakapagod, gutom na ako tuloy,” si Paolo.

“Oh di kumain na tayo,” sabi ko naman.

Kumain na nga kami at nang matapos na ang kainan ay patuloy pa rin na nag-uusap-usap ang mga bisita at ng mga bosses.

“Hi, hija, kumusta ka na? I remember you, ikaw yong kasama dati ni Rael sa resort ni Mr. Behymer, right?” si ma’a, Isabel.

“Hello po, yes, ako nga po. Buti naman po naalala ninyo pa po ako,” magiliw ko namang sagot.

“Of course, hija. You look so pretty tonight,” puri nya sa akin.

“Thank you po. You too po ma’am, you look pretty,” puri ko din sa kanya.

“Well, you can call me tita Isabel. You know, I like you, ang gaan ng pakiramdam ko sa’yo,”

“Naku, nakakahiya naman po if I’ll call you tita,” tanggi ko sa kanya pero pilit nya itong sinasabi sa akin, hindi na daw niya ako papansin kung hindi ko sya tatawaging tita.

“Yes, t-tita,” nahihiyang pa akong banggitin iyon.

“There you are, tita, tito is looking for you. Baka pwedeng umuwi na daw po kayo kasi mukhang umaatake na naman ang hilo nya,” si sir Israel.

“Hay, napagod na ang tito mo,” si tita Isabel, “Sige, hija, we need to go home na,” baling nya sa akin.

“Yes tita good night po and ingat po,” paalam ko din sa kanya.

“Bah, you’re that close na ha! Tita na tawag mo kanya, MK,” sabi ni sir Israel sa akin.

“Ah, yes sir, nahihiya nga po ako pero mapilit po si ma’am…ay tita po pala,” sabi kong nangingiti.

“It’s okay. Alam mo dapat tanggapin mo na agad kasi bihira lang ang taong nakakagaanan ng loob ni tita,” sabay ngiti ni sir Israel.

“O sya sige good night na sa’yo hija, let’s go Rael, baka inaantay na tayo ni tito mo,” pamamaalam ulit ni tita Isabel.

“Ah, MK, please wait for me, may sasabihin ako, hatid ko lang sila tita at mama,” baling sa akin ni sir Israel.

Nag-oo naman ako pero bakit ba kinakabahan ako, para may sasabihin lang eh, hay, dapat kalma lang ako.

“Girl, uwi na kami, sabay ka ba?” si Elai.

“Sige, go ahead, may instructions pa yata si sir Israel, nagpapaantay eh,” sagot ko naman.

Si Elai, iba ang tingin sa akin, pero pinigilan ko sya baka marinig kami ni sir Israel. Kaya, nagpaalam na sila pauwi.

“MK, may sundo ka ba? Gusto sana kitang ihatid kaya lang kailangan ko nang maihatid sa AMC yong mga kuha ko sa event tonight,” si Paolo.

“Oh, okay lang, iniexpect ni papa ang tawag ko pag uuwi na ako, kaya no worries may susundo din sa akin,” sagot ko naman.

“Sure ka ha, okay, bye, good night,” sabay beso beso… na siya naman ikinagulat ko, na sa unang pagkakataon, nag-goodbye kiss sya sa akin. Pero, pilit ko pa ring inaalis ang ibang ibig sabihin nito, baka friendly goodbye kiss lang yon.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon