CHAPTER 7: Hating You More!

19 1 0
                                    

            Pagkatapos magkwento ni Ms. Cynthia tungkol sa past ni sir Israel, nakadama ako ng awa sa kanya. hindi rin naman pala siya likas na masungit, dala lang karanasan sa buhay kaya siya nagkakaganoon.

            Kaya naman pala ganoon na lang ang tukso nila sa akin dahil sa tanong ni ma’am Isabel. Pagkatapos naming nag-lunch, namasyal na kami. Katapos naglibut-libot sa mall, nag-shopping ng damit si Elai, si Ms. Mitch naman mga gadgets ang inatupag. Pero si Ms. Cynthia nag-grocery kaya humiwalay siya muna sa amin. Sina Caren at sir Charlie naman ay nagpaalam na din at may family gatherings kila Caren, nagkakamabutihan na kasi itong dalawa that’s why.

            “Girl, ikaw, anong trip mo sa damit,” tanong sa akin ni Elai.

“Simple lang, girl. Hindi rin naman kasi ako maarte pagdating sa damit,” sagot ko.

“Ah ok. Ikaw anong balak mong bilhin?” tanong ulit ni Elai.

“Nag-iisip pa ako, girl. Pero pag wala bilhan ko lang ng pasalubong si mama,” simple kong sagot.

Maya-maya ay nandiyan na rin si Ms. Cynthia, “Oh, saan na si Mitch?” tanong niya.

“Puntahan na lang daw po natin siya sa may gadgets store,” sagot ko naman.

“Ah sige, tara na. Ano plano nyo katapos nito?” tanong ni Ms. Cynthia.

“Ay, like ko watch ng movie,” excited na sagot ni Elai.

Kahit ayoko sana ay napilitan na rin akong manood dahil sa pamimilit ni Elai. Pagdating sa gadgets store, niyaya na rin namin si Ms. Mitch para manood ng sine. Si Elai na ang sumagot sa mga ticket namin, total siya din naman ang nag-aya, xD!

Romantic-comedy ang genre ng movie na pinanood namin, kaya naman hindi kami naka-get over paglabas namin sa sinehan. kinikilig na tawa kami ng tawa.

After na rin ng movies, kahit maaga pa ay nagdecide na kaming umuwi dahil kumulimlim ang panahon at mahirap maaubutan ng ulan sa pag-uwi. At yun na nga, pagdating sa parking lot, nagbeso-beso na kami, sumakay na sila Ms. Cynthia at Ms. Mitch sa kani-kanilang kotse.

“Girl, tuloy na tayo sa house nyo or may gusto ka pang puntahan?” tanong ni Elai na napansin ang katahimikan ko.

“Wala na, Stay ka na lang muna sa bahay, okay lang ba?” aya ko sa kanya.

“Okay. Ano ba pag-uusapan natin? Tungkol bas a nalaman mo tungkol kay sir Israel?” panunuksong tanong niya.

“Sort of,” maiksing kong sagot.

“Sabi ko na nga ba, yun ang kanina mo pang iniisip eh. Okay, tawagan ko na lang si mama mamaya, sleep over muna ako sa inyo. Siyangapala girl, bakit hindi ka nagdadala ng sasakyan mo sa office? Hindi ka ba allowed? Di ba merun kayo sasakyan and palagay ko naman sa iyo yung isa dun na naka-park sa house nyo?” pagtatanong ni Elai.

“Yah, akin nga iyon. Ako ang nagdecide na huwag nang mag-drive,” maiksin kong sagot.

“Abay bakit girl,” nagtatakang tanong naman ni Elai.

“Nang dahil sa akin, namatay sa aksidente ang ate ko. Ako ang nagda-drive noon, dahil sa nag-aaway kami ng ate ko sa kotse dahil sa katigasan ng ulo niya, kababaeng tao kung saan saan nakikipag-inuman, hindi ko na napansin ang isa pang kotse na makakabunggo sa amin,” paliwanag ko.

“Ay, sorry girl, hindi ko sinasadyang ipaalala sa iyo ang nangyaring iyan sa ate mo,” malungkot na sabi ni Elai.

“Okay lang girl, hindi mo naman alam eh. Alam mo bang noong una, ako ang sinisisi ni mama, pero buti na lang naibalik pa yong magandang relasyon namin ni mama. Kaya sa tuwing nagda-drive ako, naiisip ko lang ate ko,” may lungkot sa sagot ko.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon