CHAPTER 10: Looking For A New Job

20 1 0
                                    

(Hi guys, sorry medyo matagal bago ako nakapag-update, medyo busy…guys, I hope you’re enjoying my story…keep on reading please and don’t forget to vote and comment…tnx!)

Monday, kailangan kong bumangon ng maaga at pupunta ako sa Lorenzo Guevarra’s Iconix Brand Group, na ang minamarket naman ay mga fashion clothings, local and international. Bagong field na naman ang papasukin ko, bagong adjustments, bagong officemates and I hope hindi na masungit  ang boss ko.

Pagdating ko sa HR, binigay ko sa desk officer ang resumè ko. Maraming resumè na ang nasa table nya at expected ko na na matatagalan ako ngayon dito sa interview.

Mga kasama kong aplikante kanya-kanya na nang ginagawa habang naghihintay. Mayroong kumakain, nakikipagkwentuhan na kahit kakikilala pa lang sa isa’t isa, nagtitext, tumatawag hanggang…

“Paolo….Calling…”

Nagulat pa ako dahil bigla na lang nag-vibrate ang phone ko (naka-silent kasi)…

“Hi, what’s up?” bati ko kay Paolo.

“Hi. Kumusta na pag-aapply mo?” tanong nya.

“Ito, naghihintay pa rin na matawag pangalan ko, madaming aplikante eh,” sagot ko naman.

“Ganun ba. Eh di usap na muna tayo hagang nag-aantay ka para hindi ka maboring,” alok naman ni Paolo.

“Naku, paano na po ang trabaho mo sir,” biro ko sa kanya.

“Eh di ito, kaharap ko computer habang kausap ka. Pwede namang mag-layout kahit kausap ka kasi hindi naman ung kamay ko ang gamit ko sa pakikipag-usap sa’yo diba?” tanong nyang natatawa.

“Haha! Oo nga naman. Sige na panalo ka na,” sabi ko naman na tumatawa pa rin. Salamat kay Paolo medyo nabawasan pagka-inip ko, nang….

“Ms. Myla Kassandra Arevalo, you’re next ma’am,” tawag sa akin ng secretary.

Binaba ko na ang phone at bago ko pa naman binaba ay nakuha pang magbiro ni Paolo na kapag natanggap daw ako ay ililibre ko sya. Pumayag na lang ako at hindi na nakipag-argue dahil tinatawag na nga ako at dali-dali ko nang binababa ang phone.

“You’re from AMC, Ms. Arevalo, why did you decide to leave the company? It is one of the best,” unang bungad sa akin ni Ms. Torio, HR head.

“Yes, it is one of the best marketing company ma’am, but there are unavoidable matters happened sometimes,  that even ourselves can not explain our behaviours, our decisions. I have nothing against AMC ma’am. Maybe my reason is too personal to mention,” pagpapaliwanag ko.

“Okay, I called Mr. Lopez, your former  boss, and I got a positive feedback from him about you. I guess the company needs an employee like you. But this time, Ms. Arevalo, it’s different, you will become one of the marketing agents and I hope you can cope up with the other agents of the company,” patuloy na pahayag ni Ms. Torio.

Kahit naman pala paano ay professional na tao si sir Israel, alam niyang ihiwalay ang personal na usapin sa business matters, “Thank you, sir Israel”, tanging nabanggit ko na lang sa sarili dahil sa positive feedback na binigay nya sa akin kahit na halos malunod na ako sa galit nya noon.

Binigyan na ako agad ng schedule ko at pwede na ako mag-start kinabukasan.

“Hello, girl, kumusta?” si Elai at alam nyang may interview ako.

“Hi, well, I’m hired!” masaya kong balita sa kanya.

“Wow, congrats girl! Kita naman tayo mamaya,” aya ni Elai.

“Sige, tamang tama napangakuhan ko si Paolo na mgatitreat ako kapag natanggap ako,” masaya ko namang sabi.

“Wow ha, updated si Paolo sa’yo ha!” panunukso ni Elai.

“Of course, friend din naman natin siya diba?” sagot ko.

“Ah ewan sa status ninyong dalawa. Sige girl, kita kits later, mga 6pm na ha! Bye, mwah!” paalam ni Elai.

Nagtext na din k okay Paolo at ibalita na rin sa kanya ang good news ko. Masaya din sya at sama din sa usapan namin nila Elai.

At 6pm, “Hi guys, musta na kayo?” sila Elai, Caren, Mitch at Charlie.

“Si Ms. Cynthia?” tanong ko.

“May OT with sir Israel, inggit siya kasi hindi nakasama, kumusta na lang daw sa’yo girl,” si Elai.

“Oh san na si Paolo? Akala ko sasabay yun sa inyo,” tanong ko.

“Nakausap namin kanina, mauna na daw kami baka mainip ka pag antayin pa siya. May hinabol kasing work daw sa kanya kaya mahuhuli ng kunti,” si Mitch.

Pumasok na kami sa resto pero hindi pa kami nag-0order kasi aantayin pa namin si Paolo para sabay sabay na kaming kumain. Kaya habang naghihintay kami, chika-chika muna.

“MK, sabi ni Ms. Cynthia, hindi ka naman daw pinapaalis ni sir, bakit nagresign ka?” tanong ni Caren.

“Yun ang sabi nya nung kaharap na si Ms. Cynthia. Pero nung kaming dalawa lang ito ang exact words nya, ‘you’re just my employee and I can fire you anytime I want’, kung kayo makarinig nun hindi kayo aalis? Sinungaling pala siya eh,.hindi daw ako pinapaalis pero ano yun?” sabi kong nakasimangot. Itong si Caren kasi ng throwback pa.

“Eh hindi ka naman nya derektang pinapaalis, MK, sabi nya lang pwede ka niyang alisin anytime,” si Mitch.

“Baka sa pride lang yan, MK,” dagdag ni Mitch.

“Baka nga…”sabi ko naman.

“Pero teka, pinapunta ba kayo dito ni sir Israel para ipagtanggol siya? Inaaway nyo ata ako eh,” pabiro kong sagot kay Mitch.

“Hahaha, talagang ginagalit ka namin girl coz we missed you so much,” patawang sabi ni Elai.

“Ah ganun, ibang klase din kayong maka-miss noh!” sabi ko.

“Nahuli na ata ako sa tawanan nyo,” si Paolo na nakarating na pala na hindi na namin namalayan dahil sa tawanan namin.

“Hi,” bati namin lahat.

Kinawayan na ni Paolo ang waiter at nag-0rder na kami, “Sagot ko na to guys, treat na natin tong lahat para kay MK,” sabi ni Paolo.

Masaya kaming lahat sa sinabi niya pero may panunuksong tingin sa akin si Elai,

“Alam nyo ba na akala ko masosolo ko si MK ngayon,” biglang isiningit ni Paolo na sya namang bigla kong ikinamula ng mukha.

“Ah ganun…teka nga, magtapat nga kayong dalawa sa amin, ano ba talaga status ninyong dalawa ha?” si Charlie at tumango na rin silang lahat sa sinabi niya.

“Uy, hala kayo, namula na si MK sa inyo oh, kain na nga tayo. Biro ko lang yong sinabi kanina parang hindi na kayo nasanay sa akin,” pagbawi naman ni Paolo sa sinabi nya.

Kumain na nga kami pero parang nahihiya pa rin ako sa sinabi ni Paolo. Hindi naman na-offend sila Elai, Caren, Charlie at Mitch dahil kilala na nga nila si Paolo. After dinner namasyal muna kami ng kunti then umuwi na rin at may work pa kinabukasan. Lalo na sa akin, bago pa lang sa akin ang work ko at malawakang adjustment na naman ang gagawin ko. As usual, si Paolo ang naghatid sa akin pauwi.

Sa kwarto, nahiga ako pero hindi pa makatulog. Mixed emotions. Excited na nininyerbos dahil sa bagong work at sa hindi ko alam na dahilan, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Paolo kanina, “Possible kayang g magkaguso siya sa akin?” tanong ko sa sarili ko pero ayoko namang maging assuming dahil baka sa huli ako ang lubos na masasaktan.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon