CHAPTER 6: #FLASHBACK

21 1 0
                                    

Weekend, walang pasok, kaya hindi rin ako bumangon agad para maibawi ko naman mga pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw.

Nagtawag na si mama para magbreakfast pero sabi ko later na ako at inaantok pa ako nang…

“Riiiinnnggg!” ……. “ +6397……87  Calling”

“Hmmm…sino kaya ito?” tanong ko sa sarili ko. Sinagot ko ang tawag,

“Good morning, sleepy head J It’s Paolo,”

“Hi, good morning. How did you get my number?” sagot ko.

“I got my sources, hehe! Sa lagay ba naman, matagal na tayong magkakilala hindi ko pa alam number mo?” sagot ni Paolo.

“Yah right, hindi mo rin naman kasi hinihingi eh. So, what’s for today? Any plans?” tanong ko

“Yah, punta kami ng Baguio now with my cousins, nakakaboring kasi ang byahe kaya napatawag ako. Nagbakasyon kasi sila dito sa Pilipinas at ako ang gusto nilang tourist guide,” paliwanag niya.

“Ah ok. Tourist guide ka rin pala. So, wala ka sa office sa Monday?” tanong ko.

“Yup, leave ako for three days. Bakit? Mamimiss mo ako?” panuksong tanong niya.

“Loko nito, hehe…Wala kasi manlilibre ng lunch,” pabiro ko namang sagot.

“Ah ganun, lunch lang pala ha,” sagot naman niya.

“Haha, I’m just kidding. Syempre mamimiss namin ang company mo. Basta pasalubong ha,” hiling ko sa kanya.

“Okay, no problem,yun lang pala eh. Oh sige, call or text na lang ako ulit later. Antok din ako at maaga kaming umalis kanina,” paalam niya.

“Okay, sige, ingat ulit,” sagot ko.

“Thanks,” panghuling sabi ni Paolo.

Pagkatapos ng conversation namin ni Paolo, balik higa ako nang….

“Riiinnnggg!”

“ Elaine…. Calling”

“Hello girl, what’s up?” sagot ko sa tawag ni Elai.

“Hello girl. Hmmm…bakit busy ang phone mo? Talking to someone?” panunukso ni Elai.

“Yah, Paolo called,” sagot ko.

“Ayyyy, kilig ako! ang agang call niyan ha,” tukso ulit ni Elai.

“Naboboring lang daw yong tao kaya napatawag, paakyat kasi ng Baguio,” depensa ko naman.

“Kahit na, maaga ka pa rin niyang tinawagan,” pangungulit ni Elai.

“Kaw talaga girl, teka, siguro ikaw ang nagbigay ng number ko sa kanya ano?” tanong ko.

“Naku, hindi girl ah,” depensa ni Elai.

 “Anyway, do you have plans for today? Nag-aaya kasi si Ms. Mitch, labas daw tayo, gusto niya magbowling then malling daw after,” aya ni Elai.

“Ganun ba, what time? Dito pa ako sa bed kasi,” sagot ko.

“Mga 10am daw para sa labas na ang lunch. Naku, babae ka, bumangon ka na diyan baka mahuli ka.” pabirong utos ni Elai.

“Opo, wait lang babangon na. Sino pa ba kasama?” tanong ko.

“Kung makakahabol daw sila Caren at sir Charlie sasama sila. Si Ms. Cynthia nag-oo din eh na sasama,” sagot ni Elai.

“Okay sige, saya niyan, marami pala tayo. Sunduin mo ba ako? hehe!” biro ko.

“Sure, basta pagdating ko bihis ka na ha,” pagpayag ni Elai.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon