CHAPTER 8: Resignation

18 1 0
                                    

Pagdating sa bahay, ang bigat ng kalooban ko dahil sa nangyari. Ewan ko, lalo lang tumindi ang pagka-hate ko sa boss ko. Hindi ako makakain that night. Iniisip ko pa rin yong nangyari.

“Paano na kaya kung wala ako pamasahe that time, san ako pupunta? Ahh, first time in my life naiwan akong nganga sa daan,” sabi ko sa sarili ko.

Nag-open ako ng FB account ko para mawala naman kahit paano ung pagka-inis ko. Ang dami kong messages from my officemates. Na sana daw bawiin ko na resignation ko. Ang #1 na nangungulit ay si Elai. Magpapakamatay daw siya pag nagresign ako. Napangiti naman ako sa babaeng ito, nakukuha pa niyang magbiro, alam na alam niya talaga kung paano ako pangingitiin.

Kinabukasan, kahit labag sa kalooban ang pumunta ng AMC, pumunta pa rin ako para formal na magpaalam sa boss ko (halos ko na mabanggit name niya L). Ayoko din naman na masabihan akong bastos para umalis na lang nang walang personal na pagpapaalam.

Pagdating ko sa office tahimik ang lahat. Nasa office na pala ng boss ko si Ms. Cynthia. Narinig ko ang usapan nila.

“Cynthia, of all the people, ikaw pa ang start na pag-usapan ang tungkol kay Alex,”

“Sir, sorry po, wala naman po kaming masamang intension bakit po namin sya napag-usapan,” mahina at nangingig na boses ni Ms. Cynthia.

“I know. Pero you know I hate na maalala pa ang memories ko with that…ahhhh I don’t know how I will call her. Kinamuhian ko sya mula noong iniwan nya ako.” sabi ni sir Israel na nagngangalit na naman.

Hindi na makakibo si Ms. Cynthia kaya naglakas loob na rin akong kumatok.

“Come in,” si sir Israel.

Nang makita niya ako, “Oh, it’s you,” matabang niyang tugon sa akin.

“Sir, I just came here to personally render my resignation,” sabi kong seryoso.

“Why, dahil bas a nangyari kahapon? It’s up to you to resign pero hindi kita pinagreresign, keep that in mind,” seryoso din na nagsasalita si sir Israel.

“Thank you sir, and have a good day. Ms. Cynthia, I’m so sorry too,” sabi ko then umalis na ako.

Hindi ako pinigilan ni sir Israel, pero si Ms. Cynthia gustong gusto niyang umapela at pigilan ako, pero nakalabas na ako ng office ni sir.

“Sir, baka pwede nyo pos yang ireconsider sa position nya, she’s one of the best employee we have,” umapela na nga si Ms. Cynthia.

“Umalis sya, Cynthia. Kung kusa siyang aalis, fine,” sabi ni sir Israel.

“Pero sir kung sakali po bang bumalik siya, okay lang po sa inyo?” tanong ni Ms. Cynthia.

“Let’s see,” sabi ni sir Israel sabay tayo at kinuha na laptop niya at aalis na para sa isang meeting with the board.

Sa table ko, niligpit ko na mga gamit ko. Lumabas si sir sa office nya, sumulyap sya sa banda namin pero hindi ko sya nginitian. Nagpaalam na ako kila Ms. Cynthia, Ms, Mitch, sir Charlie, Caren at kay Elai na kanina pa gustong maiyak.

“Hatid na kita, girl, marami kang dala,” offer ni Elai.

“Hindi na girl, kasama ko kapatid ko ngayon, nakiusap muna akong samahan ako at may mga dala nga ako, thank you. Guys ano ba, cheer up! It’s not the end of the world. Magkikita-kita pa naman tayo eh diba?”

“Kung sabagay tama ka. Pero mamimiss namin yong araw araw ka naming nakakasama.” Sad na sinabi ni Ms. Mitch.

“Okay lang yan, guys. Sa umpisa lang naman yan.” Then umalis na ako. Kailangan ko na din kasi ang umalis dahil ang kapatid ko may pasok pa at nagpaalam lang sa boss niya dahil nga sa sasamahan ako.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon