CHAPTER 18: Getting to Know you Better...

18 1 0
                                    

Pagkaalis ni Paolo, sya namang pagbalik ni sir Israel, “Sorry, natagalan ako,” pag-aapologize nya sa akin.

“Okay lang po, sir. So, ano po yong assignment ko?” tanong ko sa kanya.

“Anong assignment,” nagtatakang tanong nya.

“Di ba sabi nyo po may sasabihin kayo sa akin?” tanong ko naman.

“Ah yun ba, hindi assignment ang ibibigay ko MK. Ah, I just wanna ask you out sana, if it is okay with you. Just to celebrate things, successful ang launching ng project natin,” aya ni sir Israel.

Natigilan ako, inaaya nya ako out? Magsi-celebrate daw kami? Pakigising po ako!!!

“MK, hello, okay lang ba?” matagal na pala akong hindi nakasagot.

“Ah, yes, yes po, sige po. Ahm, tawag lang po ako sa bahay para alam po ni papa,” sagot kong nauutal-utal.

“Ah ok, sige,” maiksing sagot naman nya.

Pagkatapos kong tumawag ay nag-aya na sya paalis, “Shall we?” tanong nya.

Umoo naman ako at pumunta na sa parking lot. Binuksan ang pintuan ng kotse at umalis na nga kami.

“So, what do you think  sa project natin, MK? Sa tingin mo papatok sa mga investors? ,” tanong ni sir Israel.

“Well, gaya po ng sabi nyo, it is successful, positive feedback naman po, at dahil po dito dadami po ang trabaho, that’s why we’re here naman po to be your help sa field na ito,” sabi ko namang kinakampante ko ang sarili ko kasi si sir ulit kasama ko.

“Well, thank you at nandiyan nga kayong nakakatulong sa amin,” at ngumiti sya, at schocks! Parang gusto kong matunaw sa ngiti nya.

Pagdating namin sa resto, nag-order na kami ng food. Light meal lang ang inorder ni sir kasi nagdinner na kami that night.

“You know, MK, I admit, I don’t like you the first timeI saw you. Ewan ko, nakabuti ata ang paglipat mo sa Guevarra’s at dahil dito nagkasama tayo sa work, nagkaroon tayo ng pagkakataong makilala ang isa’t isa,” sabi ni sir Israel.

“Parang boss ko pa rin po kayo nun, sir, kasi relative nyo rin po si ma’am Carla.” Sagot kot.

“Ikaw? I know you don’t like me too then kasi masungit ako,” sabay ngiti nya sa akin.

“Opo, pero that was before po, iba na rin po kasi ang situation ngayon,” simpleng sagot ko na may kasabay na ngiti.

“Well, I’m glad hindi tayo nagsapakan then,” biro ni sir.

“Hala, sapak po sir? Talo po ako sa laki ng braso nyo po,” sabay tawa namin.

“So, tell me naman about your family. Are you living with your family? Ilan kayong magkakapatid?” sunud-sunod na tanong ni sir Israel. Ano ito? Interview? Hindi naman ako nag-aaply ah, hehe! Sabi ko sa sarili ko na naninibago, maybe because hindi kami nagkaroon ng chance na makilala ang isa’t isa noong nasa AMC pa ako.

“Ah, yes po, I’m living with my parents, mama ko po is a housewife, papa ko assistant editor ng isang kilalang magazine, kasama po nya yong bunso kong kapatid sa kompanyang iyon pero nasa different building po sila. Graphic artist naman po ang kapatid ko doon. Tatlo po kami, may ate po ako but she passed away na po, naaksidente po kasi kami noon and feeling ko it’s my fault po kaya nawala sya, ako po kasi ang nagda-drive nung naaksidente po kami,” medyo na-sad naman ako sa part na iyon.

“Kaya ba hindi ka na nagmamaneho ngayon kasi naaalala mo ate mo?” tanong ni sir Israel.

“Yup, ganoon na nga po,” maiksi kong sagot.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon