CHAPTER 15: The Visit

21 1 0
                                    

“MK, Mr. Lopez will not be around this day, kailangan mong ihatid sa kanya ang mga documents na ito para i-review,” si Ms. Carla.

“Ok po, ma’am,” sagot ko naman sa kanya.

“Pahatid ka na sa driver mamaya pero babalik din sya dito sa office at may lakad kami ng daughter ko, is it okay na commute ka na lang pauwi?” tanong ni Ms. Carla.

“It’s okay po ma’am, sanay na po ako mag-commute,” sabay ngiti ko sa kanya.

“Okay, that’s good,” sabi ni Ms. Carla then nagpaalam na rin ako sa kanya dahil kailangan ding dapat makabalik agad si Mang Tony, yong driver.

Well, masaya akong makakapasyal sa AMC ulit at makikita kong muli mga friends ko doon. Except Elai dahil lagi naman kaming magkasama ng babaeng ito sa bawat lakad.

“Hi, MK kumusta?” si Charlie na una kong nakasalubong.

“Hi, okay naman. Musta na? Balita ko going strong na kayo ni Caren ha,” tukso ko sa kanya.

“Bah, sino nagsabi?” tanong nya.

“Ako bakit? May angal?” si Elai na palapit na rin sa amin.

“Hi girl, welcome to AMC…again…haha!” biro ni Elai sa akin.

“Hi, loko ka talaga. Feeling ko naman hindi ako nalayo sa AMC kasi magkamag-anak mga bosses natin hehe!” sabay apir sa loka-lokang babae ito.

“Si sir andiyan na ba?” tanong ko.

“Yup,” halos sabay na sagot nila Charlie at Elai.

“Sino kasama? Andiyan na din ba si Ms. Cynthia?” sunod na tanong ko.

“Yup, andiyan na din. Actually kasama din nila si Paolo. Pinag-uusapan na yata nila about sa launching ng project,” sagot ni Elai.

“In that case, pasok na ako sa office ni sir baka…alam nyo na…masungit…hehe!” sabi kong pabiro sa kanila.

Kumatok ako, nagbukas sa akin si Ms. Cynthia, “Come in,” sabay smile siya.

“Sir, MK’s here,” sabi ni Ms. Cynthia.

“Hi, MK. Dala mo na ba yong mga important documents?” bungad niya tanong sa akin. Seryoso na naman ang mukha. Pero bago pa naman ako makasagot ay,

“By the way, this is Paolo, I guess kilala nyo na ang isa’t-isa,” pakilala ni sir Israel kay Paolo sa akin.

“Yah, we’ve met na,” si Paolo ang sumagot.                                                                  

“So, less than a month na lang ila-launch na ang project, since clothing company ang Guevarra’s, we need to produce sample products. So we need models. Si Paolo na ang mangunguna sa pre-pictorial ng mga models at sya na rin ang magcocover ng event,” tuloy tuloy na paliwanag ni sir Israel.

“So, MK mayroon na ba tayong mga model?” tanong sa akin ni sir Israel.

“Yes sir, nakapagdagdag na po ko kami ng mga models para sa mga dresses na matatahi sir,” sagot ko naman.

“Okay that’s good. Now, Paolo sa billboard, kakayanin bang isang model na lang ang ilalagay then yong name at representation image ng software para magka-idea ang tao between the relationship of the cloth and the software?” tanong ni sir Israel.

“Ah yes, pwede po yon, provided na yong pinakamagandang creation na ang ilagay natin o ipasuot natin sa modelo,” pag-aagree naman ni Paolo.

“And sir, some of the files po na dala ko today is mga proposal po ng Guevarra’s para sa launching event ng project,” isiningit kong sabi sa kanya.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon