CHAPTER 11: Unexpected Meeting

26 1 0
                                    

First day of work…again…at mas nakakakaba ngayon dahil ang ka-level ko na ngayon ay sina Mitch dati sa AMC na derekta nang gumagawa ng marketing strategies na utos ng mga bosses. Kung sa AMC, kay Ms. Cynthia nanggagaling yong utos, dito mga executive bosses na, na kung minsan derekta pang galing sa may-ari ng kompanya.

“Welcome to Lorenzo Guevarra’s Iconix Brand Group,” si Ms. Carla Guevarra, asawa niya si Lorenzo Guevarra ngunit ito ay patay na.

Napakasimpleng tignan ni ma’am Carla, pero halatang matalino ito at lumalabas ang kagandahan sa suot nyang yellow blouse na may nakapatong na black blazer at may nakaternong black slacks.

Binigay niya ang rules and regulations ng kompanya, tinuro ang mga dapat naming gawin at gaya ng ginawa ko sa AMC, nakipagkaibigan ako sa mga kapwa ko bagong empleyado at sa mga datihan na. May mga suplada sa unang approach pero palagay ko naman makakasundo ko sila.

“Hi, I’m Gracelyn,” approach sa akin ng kalapit table ko, dati na syang empleyado doon at sya na rin ang matiyagang nag-orient sa akin sa boung office.

“Minsan, si ma’am Carla ay nagsasama ng mga marketing agents sa mga meeting nya, at ngayon pa lang sinasabi ko sa’yo dapat lagi kang handa dahil kung napili ka nyang kasama, dapat alam mo ang bitbit mong files dahil kasama mo siyang magpapaliwanag lalo na kung ang meeting at kasama ang mga sister companies nila,” pagbibigay advise sa akin ni Gracelyn.

“Ganoon ba. Terror na si ma’am,” deretso kong tanong sa kanya.

“Terror in the sense na matututo ka. Sa office terror sya pero pag nakasama mo naman sa labas okay si ma’am Carla,” sagot ni Grarelyn.

“Isa pa pala,” pahabol sa Gracelyn, “Malimit, ginagawa ni ma’am, baguhan ang hinihila nya sa mga meetings na kasama nya, kaya always be prepared,” paalala nya sa akin.

Napalunok na lang ako sa sinabi nya at inaral ko na lang lahat ng pwede kong malaman para kahit paano hindi madisappoint sa akin si ma’am Carla.

Mabilis na lumipas ang isang buwan at gamay ko na ang trabaho. Marami na rin akong naging mga kaibigan at nagmeet na din sila Elai at Gracelyn.

One day, tinawag ako ni Ms. Leah, secretary ni ma’am Carla.

“MK, kailangan ka ni ma’am mamayang 1pm, dalhin mo itong mga files na ito at ito yong bagong project na sisimulan daw i-market, aralin mo na yan habang may oras pa at haharap kayo sa mga bosses,” instructions ni Ms. Leah. Binasa ko ang files at bago lang siya sa kaalaman ko. Ang Guevarra’s kasi ay nagproproduce ng mga pang-fashion na damit at ito ay ini-import din sa iba’t-ibang bansa. Pero ngayon ay nag-upgrade sila sa pagdedesign ng mga damit at hindi ito manual na gagawin, mayroon silang software na gagamitin para sa mas pulidong pagdedesign at dito ay mas madaling makukuha ang mga sukat ng mga damit na idedesign kaya mas mapapadali ang production process nito.

Well, sorry naman, sabi ko sa sarili ko, kasi ang alam ko lang ay manual na pagdedesign at pagsusukat, ngayon pala high-tech na. Kahit paano ay may idea na ako sa mga files na dala ko.

Pagsapit ng 1pm, pumunta na kami ni ma’am Carla sa conference room ng companya sa 10th floor.

“I want you to be in this project, MK. Aralin mo paano i-market ito, especially sa mga sikat na designer. Balak ko kasi na ibenta ang idea na ito at alam ko, liban sa Guevarra’s, marami ang magkaka-interest dahil mapapadali na ang work nila, mapaparami pa production nila ,” sabi sa akin ni ma’am Carla habang nasa elevator kami paakyat ng 10th floor.

Noong una ay kabado talaga ako, malalaking tao ang nasa harap ko na ngayon ko pa lang nakilala, hanggang sa…

“Sorry, I’m late, did I miss something?” tanong ng isang familiar na boses.

Kinabahan ako at ng humarap ako at tignan ang may-ari ng boses na yun….si sir Israel!!!

“Shocks, for all people bakit sya pa ang kasama sa meeting na ito,” sabi ko sa sarili ko.

Nakita niya ako, mukhang hindi naman siya nagulat. Ngumiti pa nga na parang gusto kong natunaw sa hiya sa harap niya. Hindi ko alam kung para saan ang ngiting iyon. Hindi ko masasabing natutuwa siyang makita ako dahil hindi maganda ang paghihiwalay namin bilang mag-boss.

“No, we’re about to start,” sagot naman ni ma’am Carla.

So, umupo na nga kami, nag-start ng magsalita si sir Israel at siya ang nakakuha ng deal sa software na gagamitin ngayon ng Guevarra’s sa pagdedesign. Ang Guevarra’s pa lang ang may ganitong software at pag ito ay pumatok sa mga sikat na designer, kikita na ang kompanya, kikita din ang AMC sa bago nitong develop na software.

“Mayroon ding software na ginagamit ang ibang kompanya pero hindi gaya ng software natin, hindi nila kayang mag-estimate ng sukat at dami ng production. Dahil ang software nila ay nakadepende lang sa sukat na iiinput nila, so may manual work pa rin. Dito sa software natin, iinput mo lang ang kind of dress na gusto mong gawin, it can give you various measurements and sizes and go, pagtatahi na lang ang kulang,” tuloy tuloy na paliwanag ni sir Israel, na ewan na habang nagsasalita siya ay hindi ko pa rin maiwasang mainis sa kanya sa ginawa nya sa aking pag-iiwan sa EDSA noon.

Nagsalita na rin si ma’am Carla at buti naman hindi pa niya ako pinagsalita. Well, gusto nya muna ako sigurong mag-observe muna sa project na ito dahil siya mismo ay bago pa dito.

Natapos ang discussion, nagkanya-kanya ng usap ang mga bosses.

Nang…. “Rael, I want you to met MK, one of my marketing agents. Siya ang gusto kong kumilala sa project na ito. MK, Mr. Israel Lopez from AMC, one of the bosses there and my cousin,” formal na pagpapakilala ni ma’am Carla

Whaaattt! Ano daw, cousin??? For all the people kamag-anak pa ng dati kong boss ang bago kong boss….

“Hi! So we met again, Ms. Arevalo,” sabi ni sir Israel sabay abot ng kamay nya pero parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa ngiti nyang hindi ko alam kung natutuwa ba sya o nangungutya.

“Oh, you know her?” tanong ni ma’am Carla.

“Yes, my former…delinquent employee,” sabi niyang nangungutya na ata talaga…

Ano daw delinquent??? Parang gusto nang kumulo ang dugo ko sa kanya, pinapahiya ba ako nito at gustong nawalan ako ng trabaho? Tanong ko sa sarili ko. Malabo pala itong lalakeng ito eh, positive feedback nya ako sa HR pero sa boss ko bina-bad shot ako…sabi ko sa sarili kong gusto ng mag-walk out lalo na nang makita kong nagkunot-noo si ma’am Carla.

“Haha, no I’m just kidding, Carla, in fact, she’s one of the best junior assistant then,” sabay ngiti nya sa akin. Nakita ko namang nagbago na ang mukha ni ma’am Carla pero sa akin naiinis pa rin ako. pilit kong ngumiti.

Tinawag si ma’am Carla ni Mr. Benitez, one of the board of trustees, at naiwan kaming dalawa ni sis Israel.

“So, I guess, magkakasama tayo ng matagal nyan, Ms. Arevalo, marami ka pang dapat na malaman tungkol dito,” sabi ni sir Israel na para bang nanunukso.

Ngumiti lang ako, ewan ko pero sa tuwing ngiti nya ay mas lalo lang akong naiinis sa kanya.

“I hope, matutunan mo ang project na ito,” bulong nya sa akin.

Malapit na talaga akong mapuno sa kanya…ano ang akala nya sa akin mahina ang utak? Hindi na ako nakapagtimpi kaya nasagot ko na din sya,

“Let’s see sir, baka kaya ko pa pong higitan kung anong idea po mayroon kayo ngayon. Saka don’t act sir na parang kayo pa rin ang boss ko, dahil kahit kamag-anak ninyo ang boss ko ngayon magkaibang tao pa rin po kayo,” sabay alis na rin ako sa harap nya. Hindi ko alam pero parang narelease yong inis ko at lumuwag ang dibdib ko. Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni sir Israel, gusto niyang patulan ang sinabi ko pero dahil na rin siguro sa mga taong andoon, sinarili na nya ang galit, nangiti naman ako dahil alam ko kahit paano, nakaganti ako haha!

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon